Chapter 33 ( sino ang tunay na baliw? )

1.6K 32 4
                                    

Chapter 33 ( sino ang tunay na baliw? )

Someone's POV

Maingay, sobrang ingay ng paligid, mga taong nagsisigawan, nag-uusap, nagkakantahan tila ba may kasiyahang nagaganap. Pinilit kung idilat ang mga mata ko.

Kulay puti, puro puti ang paligid. Walang bakas ng kahit anong kulay bukod sa puti.

Ilang araw? Ilang linggo na ba kong nakahiga sa kamang ito? Gaano na ba katagal nung huling beses kong masilayan ang kalangitan?

"eto na ang gamot mo" pumasok ang isang maganda nurse upang painumin ako ng gamot. Gamit na hindi ko naman kailangan.

"ilang beses ko bang sasabihing hindi ako baliw!!" sigaw ko dito sabay tabig ng gamot na pilit niyang pinaiinom sakin

"sir lahat naman ng andito yan ang sinasabi" pinulot niya ang gamot na tinapon ko, pilit kong tinataboy ang nurse na pilit akong pinaiinom ng gamit na hindi ko naman kailangan. Hindi ako baliw, hindi ako baliw!!

Sa huli ay nagtagumpay siyang maipainom sakin ang gamot na hindi ko naman kailangan.

"pogi laro tayo" hatak hatak ako ngayon ng isang matandang babae at pilit na nakikipaglaro sakin

Gaano na ba katagal akong andito sa lugar na ito? Sa lugar na puno ng mga baliw? Hindi ko alam kung hanggang kailan kakayanin ng utak at katawan ko. Natatakot ako na isang araw matuluyan na ko't mabaliw ng tuluyan.

"sir may bisita po kayo" hindi ko na maintindihan pa ang sinasabi niya, wala na kong maintindihan pa, tanging alam ko lang ay nakikita ko si Michael Jackson na nagpeperform sa harap ko.

Tuwang tuwa akong nakikita ang idolo ko na sumasayaw sa harap ko. Sa kabilang bahagi naman ng utak ko'y nagsusumamong gumising ako sa katotohanan.

"sorry po sir ganyan na po si sir simula kahapon matapos niyang uminom

ng gamot niya. Tulala siya at laging sinisigaw ang pangalan ni Michael Jackson"

"ganon ba? kawawa naman ang lalaking yan, duguan na nga nung nakita namin eto pa ang nangyari sakanya, nabaliw pa"

Baliw? Sinong baliw? May baliw ba dito? Wala naman a, wala silang prowebang may baliw dito. Walang baliw, hindi ako baliw

"GO Michael Jackson!!!"

"babalik nalang ulit ako bukas, paki balitaan ako sa pangyayri sakanya. At baka sakali ding may bumisita na dyan"

"yes sir"

Ang galing ni Michael Jackson, walang kupas, napaka husay.

"akin na yan!!!" inagaw ko sakanya ang laruan ko

"akin yan"

"sir tama na po yan tra na po"

Yung laruan ko kinuha nung bata, yung laruan ko.

Kirby's POV

Ang manirahan sa isang mental hospital ay talaga namang nababagay sakanya. Nakakatuwang isipin na ang lalaking laman noon ng casino ay nakikipag agawan ng manika sa isa pang pasyenteng kagaya niya.

Kulang pa ang kabaliwan niyang pambayad sa nagawa niya saking ina. Walang wala pa yan sa pagdudusa ng nanay ko.

Hindi ko akalain na magagamit ko ang kalandian ni Ian para maakit ang isang nurse dito. Pinalitang lahat ni Ian ang gamot na pinaiinom sakanya, imbes na gumaling siya ay lalong lumala ang kabaliwan niya. Noong una ay pahirapan pang painom siya ng gamot, linggo din ang binilang ko bago tuluyang umepekto ang gamot sakanya. Ngayon kahit sarili niya ay hindi niya na magawang makilala pa.

Kulang pa yan, wala pa yan sa kalingkingan ng pagbabayad na gagawin niya. Dahil nagsisimula palang ako.

Hot Revenge (On Hold)Where stories live. Discover now