AOTD ~ Part 6 (Highway UnDEAD)

1.8K 42 12
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 6 (Highway UnDEAD)

Third Person's POV

Nakalabas ng buhay ang grupo ni Hikaru. Ngunit nabawasan naman sila ng nabawasan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi nila alam ang kanilang gagawin.

Puno ng sasakyang nagbanggaan. Sasakyang nakatigil sa daraanan nila. Pero ang masaklap doon, may mga zombie na pakalat-kalat sa lugar na iyon. Tila mga istatwa ang itsura nila ngayon sa hindi maipaliwanag dahil hindi nila alam kung paano sila makakaalis.

"Mabubuhay pa kaya tayo nito?" agad na sabi ng babaeng na-injured na kasama nila.

Nasa likuran nila ay zombie na hinahabol sila kanina. Sa harapan naman nila, nagkalat ang mga zombie na sa isang maling kilos lang nila ay trap na sila.

"No... There's a possibility that all of us will die," Darryl said. Napatingin agad si Kyle dito.

Napapailing na lang sila dahil may tama nga ang sinabi nito.

Sa kabilang banda...

Nang malaglag ang ibang kasama nila sa bangin. Sumigaw ang mga kaibigan ni Hikaru.

"HIKARU!!!" sigaw n'ong tatlong babae.

Hindi rin makapaniwala ang iba na nalaglag ang mga ito. Wala silang kamalay malay na nabigatan ang bangin na tinayuan nila kaya't bumigay at nalaglag ang iba nilang kasama.

"Let's go!" sabi ni Doc George.

"How about them?" sagot ni Karen habang tinuturo ang mga nalaglag na kasama nila.

"I know that they will survive. So let's go before those zombie will eat us!" turo niya sa mga zombie sa likuran.

Hinila naman n'ong 3 lalaking kaibigan ni Kyle 'yung 3 babaeng kaibigan ni Hikaru.

Tumakbo sila nang tumakbo para lamang makaalis sa mga impaktong halimaw na hayok na hayok sa laman nila. Mga laman na nagbibigay ng lakas sa mga zombies. Tila bitamina sa katawan nila ang pagkain ng laman at utak ng mga buhay na tao.

Tumatakbo sila ng may nakita silang isang sasakyan. Isang sasakyan na walang laman at mukhang buo pa.

"Tingnan natin kung buo ito!" tanong ni Nurse Alyssa.

Tsineck nila kung buo ito. Nang malaman na buo ito ay agad na sumakay ang mga estudyante na ito. Naiwan sa labas ang anim na estudyante.

Malaki ang sasakyan. Pero tila ayaw nilang sumakay dahil sa pag-aalala nila sa kaibigan nila.

"Bakit hindi pa kayo sumakay?" tanong ni Doc George sa kanila.

"Doc..." sagot ni Jessica at umiyak siya.

"Tss. Iwanan niyo na sila!" sabi ng isang estudyante.

"Oo nga. Mapapahamak tayo ng dahil sa kanila! See? The zombies are coming! Kung ayaw nilan-" Naputol ang sasabihin niya.

"Hindi kami sasakay TAPOS. Kung ayaw niyo sa amin mas ayaw namin sa inyo! Hindi kayo kawalan. Nag-aalala kami sa mga kaibigan namin kaya nagkakaganito kami," sigaw ni Karen.

"Talaga!" agad na sagot n'ong isa, "Doc lets go! Nurse dali!" sabi nito.

Bumaba si Nurse Alyssa. May binigay kay Doc George na susi.

Academy Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon