AOTD ~ Part 30 (DEAD trap)

559 20 1
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 30 (DEAD Trap)

Hikaru's POV

Nakalabas na kami kasama sina Adrian at Vilma. May mga zombie pa rin sa paligid pero ingat na ingat kaming mapansin dahil papunta ang karamihan sa lugar kung saan kami nakatago kanina.

"Anong nangyari sa inyo? Kasama niyo ba sina Olive?" Bungad agad ni Karen.

Tumahimik naman silang dalawa na siyang pinagtaka namin. Patuloy lang kami sa paglakad hanggang makarating ulit kami sa sasakyan.

"Minalas kami and now... they're gone." Maikli ang mga salitang iyon ngunit alam namin na masaklap ang nangyari.

"I'm sorry if I'd ask you guys," pagpaumanhin ni Karen.

"It's okay. We're used to it." Wala nang nagsalita sa amin. Nagkaroon nang panandaliang katahimikan. Tumayo si Kuya Jerry at nagsalita.

"Let's go guys. We need to go now." Sumunod naman ang lahat sa kaniya.

Habang tumatakbo kami papunta sa sasakyan, ramdam ko na may masamang mangyayari. Ewan ko, pero lagi naman atang may masamang mangyayari. Dapat masanay na ako.

"Ba't ka napatigil?" Pagpansin sa'kin ni Kyle. Hawak niya ang espada.

"W-wala. May naisip lang ako." Sagot ko sa kaniya, "Tara?"

Nakita namin ang sasakyan at may mga zombie ang nasa labas n'on. May pitong zombie na nakapalibot dito.

"If you can kill them without making noise, that would be great. We can leave this place immediately after that." Rinig kong sabi ni kuya Jerry.

"Okay. I'll do it." Umalis si Joshua. Dahan-dahang lumapit papunta sa isang zombie na malapit sa pinto ng fortress.

Dahil malakas ang pakiramdam or let's say ang pandinig ng mga zombie, napansin siya nito.

"Let's help him!" Nagsisunuran na sila. Naiwan ang veteran artist, ang matabang lalaki at ang maarteng babae. Hawak kasi ng matabang lalaki 'yung sugatang lalaki.

"Una kami sa inyo nang makalaban kami!" Sigaw ni Vilma at Adrian. Umalis sila at napansin namin na sila ang sinusundan ngayon ng mga zombie. Hindi namin alam pero rinig namin ang mga putok ng baril at patuloy lamang ito.

"Guys, hop in!" Rinig kong sigaw ni Joshua.

Unti-unti na silang pumasok. Pinauna ang mga babae at kami naman ang sumunod. Nang nasa loob na ang lahat, agad na pinaandar ang sasakyan.

Nakita rin namin na sumusunod sila sa sasakyang pinapaandar ngayon ni Kuya Jerry.

I can't take it anymore. Hindi ko naman alam na mangyayari ito e. We've been a month surviving from those freaking monsters.

Sa sobrang dami na tao sa mundo, let's say sa bansa namin, hindi namin alam kung sino sa 100 milyong katao ang buhay pa. Sabihin nating may 1 million pa, hindi pa rin sapat dahil mas marami ang patay na o buhay na bangkay na.

"Hikaru, pagod ka na siguro. Higa ka na lang sa balikat ko huh?" Pagpukaw pansin sa'kin ni Kyle. Tumingin ako sa kaniya pero nakangiti lang siya.

"Salamat," nginitian ko rin siya.

Nakahiga na ako sa balikat niya pero hindi ko magawang makatulog.

May bumabagabag sa'kin e.

Una, ang bango pa rin ni Kyle kahit puro pakikipaglaban kami sa mga zombie-teka ano ba naman 'to? Oo na, gusto ko siya pero hindi ko pa alam kung gusto niya ako hehe.

Academy Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon