AOTD ~ Part 7 (House of the DEAD)

1.5K 33 4
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 7 (House of the DEAD)

Karen's POV

Hahaha! Yownn! May point of view ang magandang dilag na tulad ko!

So start na?

Nasa bahay kami ng isang lalaking nagngangalang Max.

Mukhang nakakatakot siya. Alam niyo yung tipong mamamatay tao? Siya yun! Sabagay nakapatay naman na siya ng tao. Taong naging zombie.

May anak siyang dalawa. Nakakaawa kasi siya mismo ang pumatay sa mga ito. Nakagat kasi ng zombie. Pati ang asawa niya napatay niya rin. Kahit labag man sa kalooban, pinatay niya ang mga ito. Kung tutuusin tama naman ang ginawa niya. Alam kong gugustuhin niyang mabuhay para ipaghiganti ang pamilya niya.

Buti nalang nakahanap kami ng bahay na mapagpapahingaan.

Asan na kaya si Hikaru? Si Joshua? Si Kyle? Sana nasa mabuting kalagayan sila. Ligtas sana sila. At alam naman naming makakaligtas sila kasi matigas mga bungo nun XD

Gaya ng sabi ko kanina, nasa loob na kami ng bahay. Nakatakas din kami sa mga halimaw na iyon! Buti nga't nakaligtas kami! Hinding hindi ko hahayaang mabahiran ng lawayng mga hinayupak ng foul creature na iyon ang balat ko. Over my sexy body!

"San kayo nag-aaral?" Tanong ni Max.

"Sa Fujin Academy po!" Sagot ni Jessica.

"Malayo yun dito ah! Pano kayo napunta rito?"

"Nakasakay po kami sa bus. Kakatakas lang kasi namin sa malaimpyernong lugar na iyon. Eh dahil sa hinayupak naming teacher ay karamihan sa amin ay nagsibabaan. Buti nga po nakababa kami. Kasi po sumabog nalang bigla ang bus na sinakyan namin." Pagpapaliwanag ni Harold.

"Sabi mo ay karamihan sa inyo ay bumaba? Ibig sabihin ba ay..."

"Nalaglag po ang iba sa cliff na pinaghintuan namin. Ang iba naman ho ay pinasakay namin sa isang sasakyan para makaalis."

"So kayo lang ang hindi?"

"Sa kasamaang palad, opo." Sagot naman ni Joana. Nagamot na ni Alyssa ang sugat nito sa tuhod.

"Bakit?"

"Nagbabaka sakaling makita namin ang mga kaibigan naming nalaglag sa cliff sa daraanan namin."

Academy Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon