AOTD ~ Part 17 (We're DEAD)

1.2K 25 0
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 17 (We're DEAD)

Third Person's POV

Umaandar ang bus nila papunta sa Mizu Academy. Hindi alintana ng grupong ito na maaaring naapektuhan na ang buong academy. Nananalig sila na buhay pa ang mga tao roon.

Paikot-ikot si Max para mapadali ang kanilang ruta sa Mizu Academy. May mga zombie na nakapasok sa vicinity ng lugar na pinasukan nila. Tanging east side ang naapektuhan ng mga zombie. Buti na lamang ay nakatakas sila sa mababangis na atake ng mga ito.

Naka-ready na ngayon sina Hikaru para lumaban at umatake kung kinakailangan. Alam nila sa panahon na ito, tanging sila at sila lamang ang maaaring magtulungan.

"Ayoko na! Gusto ko nang mamatay!" sabi ni Shiela. Siya 'yung isa sa mga estudyante ng Honoo Academy. Kaibigan nila Olive.

"Ano ka ba? Baliw ka na ba?" ani Troy. Ang lalaking may gusto dito kaya't magkasama sila. Kaibigan din nila Olive.

"Ayoko na... Mamatay lang din naman tayo..." parang sumusuko nitong sabi. Napatingin naman ang grupo nila Hikaru.

"Kaya natin 'to!" pag-chicheer ni Troy kahit alam nito na napapagod na. Simula pa lang kasi ng nasa Honoo sila, marami na silang pinagdaanan.

"Troy, dali!" sigaw ni Adrian sa kaibigan.

"Bakit anong meron?"

"Nagkakagulo na ang mga estudyante, kailangan na rin tayong umalis dito!" sabay hila nito sa kaibigan.

"Paano sila Shiela?" sabi ni Troy na nag-aalala sa kaibigan.

"Kasama niya sila Glen! Nasa gymnasium sila. Doon din tayo pupunta. Mas ligtas doon kaysa dit-" nagkaroon ng malakas na sigawan at napalingon sila dakong iyon. Naroon ang mga zombie na guro at estudyante. Nakita rin nila kung paano lapain ng mga zombie ang estudyante. Labas ang lamang loob, napunit na balat, putol na parte ng katawan. Kalunos-lunos na pangyayari ang nagaganap.

"Shet! Nasaan na ba sila?" ani Troy habang tumatakbo sila papuntang gymnasium ng paaralan nila.

"Basta, nandoon na raw sila," sabi nito at patuloy pa rin sila sa pagtakbo. Karamihan ng estudyante sa gawing labas ang punta kaya't walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa sila o hindi. Ang mahalaga ay makatakas sila pero ang hindi nila alam ay kamatayan din ang dulot nito.

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now