AOTD ~ Part 26 (DEADtailed)

857 33 6
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 26 (DEADtailed)

Hikaru's POV

Hindi namin inaasahan ang lahat nang ito. Akala ko pa naman, ligtas na kami.

Masaya pa kami kanina at nagkakatuwaan pa nga dahil kahit papaano ay makakapagpahinga na kami.

Kaso hindi pa pala...

Nasa bingit na naman kami ng kamatayan. Nandiyan na naman ang mga halimaw na maaaring kumitil sa mga buhay namin anumang oras. Kailan pa ba matatapos ang lahat ng 'to?

"Ano 'to? Akala ko ligtas tayo dito? Bakit ganito?" hindi mapakaling sabi ni Karen. Nakaupo lang kami ngayon at hingal na hingal.

Nasa 4th floor kami ng school na 'to. Ewan ko kung bakit imbes na bumaba ay umakyat kami. Hindi na namin inisip kung saan kami lulusot.

"Nas'an ba sila Cindy? Sana naman ligtas sila," sabi ni Jessica.

Hindi namin kasama sila Cindy. Napahiwalag sila ng magsimula na ang sigawan sa ibaba. Kaming magbabarkada lang ang nandito.

"Hindi natin alam kung nasaan sila. Kasama naman nila si Kuya Max at si Nurse Alyssa. Sana nasa ligtas na lugar sila," komento ni Harold habang hawak nito ang kahoy na nakuha niya kanina habang tumatakbo kami.

*TOK* *TOK*

Nagitla kaming lahat dahil iba ang pagkatok na narinig namin. Hindi ito normal na pagkatok.

"Shhh! Quiet guys!" sabi ko sa kanila.

Nagpapakiramdaman kami ngayon kung ano ang susunod na gagawin namin ngayon. Iilan lang ang may armas sa amin. Si Harold, Gerald at Kyle ang may kakayahang protektahan ang kanilang mga sarili.

"Anong room ba 'to?" tanong ni Jerome. Pasimple naman akong tumingin sa paligid.

May mga poster, may mga aparatos na nagkalat sa paligid, may mannequin, at kung anu-ano pang gamit na maaaring pag-eksperimentuhan.

"Nasa Science room tayo," mahinang sagot ni Joana. Hawak pa rin niya 'yung aso na kung saan ay tinatakpan nito ang bibig dahil baka tumahol ito.

"Hindi tayo ligtas sa lugar na ito," sabi naman ni Jessica.

"Kahit saan naman hindi tayo ligtas, kailangan nating makatakas dito para makaalis na sa paaralang ito," nagsalita naman si Joshua.

"'Yan naman talaga gagawin natin, humahanap lang tayo nang tamang tiyempo para hindi tayo mapansin ng mga zombie." Agad na tumayo si Kyle at may tiningnan sa bintana.

"May mga zombie sa labas."

Tumahimik na muna ang lahat. Tahimik na nakikiramdam kung mapapasok ang kwartong ito.

"Hindi tayo makakaalis dito hangga't 'di tayo gumagalaw sa kinalalagyan natin," sabi ni Harold.

"Hindi talaga, sa tingin mo lalabas tayo nang walang armas at kayo lang ang aatake?" medyo inis na sabi ni Karen.

"Kaya naman naming protektahan kayo."

"'Wag kang magpaka-superhero, iba ang mga zombie. Hindi ito laro na pag na-game over ka, pwede mong i-reset ang buhay mo. Dito, isang kagat lang, magpakamatay ka na para hindi ka maging isa sa kanila."

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now