AOTD ~ Part 18 (Water of the DEAD)

1.3K 34 7
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 18 (Water of the DEAD)

Third Person's POV

Masaya ang bawat isa ng makarating sila sa Mizu Academy. Makikita na nila ang pamilya nila. Ang iba naman ay nalulungkot sapagkat wala dito ang pamilya nila. Nasa bahay nila kaya't kailangan na nilang umalis para puntahan ang mga magulang nila.

Pero may hindi silang inaasahan na mangyayari sa loob ng academy.

Kamatayan ng isa, kamatayan ng lahat...

'Yan ang sabi ng isang tao na nasa loob ng academy. Isang sugatan na nakipaglaban sa mga zombie na nanghihina na sa kadahilanang nakagat siya ng zombie. Hindi niya inaakalang makakagat siya. Isa siyang sundalong bantay para sa kaligtasan ng mga taong nabubuhay sa loob ng paaralang ito. Pero ang isang tulad niyang tagapagbantay ay siya ring kikitil ng buhay ng karamihan.

Habang hinahanap nila Shiela ang kaniyang magulang, naiwan sa loob ng mini bus sina Anton, Gerald, Jerome, Joana, Nurse Alyssa at Joshua.

Lumabas naman si Max at Harold para magpahangin at sina Glen naman ay kasama si Shiela. Hinahanap rin nila Karen ang pamilya nila sa lugar na ito ngunit sila ay bigo na mahanap dahil wala sa lugar na ito ang pamilya nila. Nasa ibang evacuation center pa raw siguro ang mga pamilya nila. Tanging ang magulang lang ni Shiela ang nandito.

Si Kyle at Hikaru ay nakaupo lang malapit sa sasakyan. Nag-uusap lang ang dalawa dahil nakakapagod na ang ginagawa nila. Puro nalang patayan, takbuhan, takas sa mga halimaw.

"Kung minsan, napapagod na ako," sabi ni Hikaru.

"Bakit naman?"

"Wala ng katapusan. Hanggang dito na lang tayo. Mamamatay rin tayo," napapaluha na nitong sabi.

"I know its kinda bit hard for us to survive in this kind of situation but please, don't lose hope. We can still survive," sagot nito.

"Nah, can't help that. You know what happen, my sister died because of me! I didn't do anything to save her! Instead I killed he-" niyakap agad siya ni Kyle.

"Walang may gusto sa nangyari. We all know that we wanted to survive and to saved your sister but we can't do anything right now. Kung nakikita ka ng kapatid ko ngayon, malamang magagalit siya sayo," pagpapaliwanag ni Kyle.

Nakita ni Joshua ang tagpong iyon na magkayakap si Kyle at Hikaru. Never niya pang naisip na anytime, mahuhulog din ang loob ni Kyle kay Hikaru. Naiisip niya rin na baka may gusto na nga ito kay Hikaru. Pumasok na lang ulit ito sa loob ng bus.

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now