AOTD ~ Part 24 (See you, DEAD)

1K 29 2
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 24 (See you, DEAD)

Third Person's POV

Patuloy pa rin ang pagbalagtas sa daan ng grupo nila Hikaru papunta sa Tsuchi Academy, ang isa pang evacuation center.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay patuloy din ang pagbuhos ng ulan at ito ang isa nilang kalaban dahil nagiging madulas ang daan.

Hindi alintana ng grupo na may kakaibang pangyayari sa Tsuchi Academy.

-----

"Buksan niyo ang gate!" sigaw ng ibang tao. Basang-basa ang mga ito dahil sa ulan. Hindi na nila ito pinapansin dahil mas uunahin pa nila mabuhay para makaligtas at hindi maapektuhan ng virus na kumakalat.

"No one can go in to this academy. Hindi namin alam kung infected kayo o hindi. Maghanap na lang kayo ng ibang lugar na mapagtataguan niyo," sigaw ng lalaking in-charge sa gate. Tumalikod ito sa mga tao. Nagsusumigaw ang ibang tao para lamang mabuhay pa sila.

Halos gibain na ng mga tao ang gate para lang makapasok. Sa sobrang dami ng mga buhay pang tao, maaari itong magiba at masira ang tanging harang ng buong academy.

Nag-uusap ang in-charge at ang iba pang mga bantay dahil hindi nila makontrol ang mga tao.

"Anong gagawin natin?" nakayuko ang in-charge at patuloy na tumutulo ang luha nito.

"Hindi ko alam. Sana ay makaligtas sila. Hindi kaya ng paaralan na magpapasok pa ng tao. Kakaunti na lang ang stock. Hindi kakayanin ang libo-libo pang taong nasa labas." Kinuha nito ang picture mula sa pitaka, "Ligtas din sana ang anak kong si Kyle," bulong nito.

Lalong lumalakas ang ingay ng mga tao. Napatingin ang ilang bantay at nagulat ang mga ito.

Mga bangkay na buhay na unti-unting lumalapit sa mga tao.

Napayuko ang mga ito sa nakita. Hindi nila kaya na mangyayari ang mga ito. Hindi nila inaakala na darating sa puntong hahayaan nilang mapahamak ang mga tao gayong ang tungkulin nila ay magligtas ng tao.

Malapit na masira ang gate na humaharang sa malaking paaralan na naging evacuation ng mga tao. Patuloy ang pagpukpok ng mga tao dahil sa ayaw nilang mamatay. Makakapasok na sila pero nakarinig sila ng ungol. Ang ungol ng mga bangkay na buhay. Papalapit ito sa mga nagkukumpulang tao para makapasok sa loob ng academy.

Sa sobrang takot ng mga ito, pinilit nilang sirain ang gate para makapasok. Ngunit huli na...

Nagsisigawan na ang ibang tao dahil sa mga kagat ng mga bangkay na nabuhay. Wala ng pag-asa at tila hinayaan na ng iba makagat ang mga ito. Ang karamihan ay nagsipagtakbuhan upang makaligtas ngunit sa kasamaang palad ay nahuli pa rin sila ng mga ito. May mga nakatakas pero hindi alam kung saan tutungo.

Academy Of The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon