AOTD ~ Part 33 (InfecDEAD)

523 15 17
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 33 (InfecDEAD)

Hikaru's POV

Camp Walker. Lugar na binuo ng mga sundalong pumoprotekta sa mga nakatira sa mumunting tahanan ng mga nakaligtas.

Tatlong araw na ang lumipas nang tumuloy kami sa isang kampo. Masasabing safe siya kahit papaano pero may mga oras din na nangangamba kaming lahat lalo't hindi naman nauubos ang mga zombie. Lalo pa nga silang dumarami.

Nasa apartment kaming lahat. May dalawang kwarto. Sakto lang ang laki at siyempre hiwalay ang babae sa lalaki.

May mga double deck sa loob ng kwarto. Tatlong pares. Masasabi mong boarding house ang datingan ng itsura nito. Talagang pinasadya ang lugar na ito para sa mga taong makakarating sa lugar na 'to. 

Napag-alaman din namin na ang populasyon sa lugar na 'to ay nasa mahigit 200 katao. Karamihan ay sundalo. Iilan lamang ang mga sibilyan na galing sa iba't ibang lugar. Mapapansin mo rin ang kapaligiran na may taniman, maliit na grocery store at mga bahay bahay.

Napagtanto namin na isa itong subdivision na kung sa'n ay nilagyan ng harang ang paligid para magkaroon lamang ng sapat na proteksyon para sa mga taong naninirahan dito.

Sa pamamalagi namin dito, bawat isa ay naatasan gumawa ng mga kaniya-kaniyang gawain. May mga nakatoka sa pagtatanim, sa pagluluto, paglalaba at sa kung anu-anong klase ng gawaing pambahay.

Kadalasan nasa bahay lang ako at si Joana para bantayan ang mga gamit. Mahirap na at baka makuha ang mga dala naming sandata.

Kasama ng grupo namin si Kuya Jerry at 'yung lalaking mataba na si Racer. Siya lang ang nakaligtas sa mga nakasama namin. Kasama siya palagi sa gawain para raw pumayat siya. Gusto ko sanang matawa kasi papayat naman na siya dahil sa konti na lang ang pagkain. Tinitipid para magkasya sa araw-araw.

Wala naman akong napapansin na kakaiba sa galaw ng ibang grupo na nasa lugar na 'to. Lahat sila ay sibilisado kung sa'n organisado ang kanilang mga galaw.

Magkasama kami sa sala ni Joana. Madalas natutulog lang ang isa sa'min at ang isa ay magbabantay sa mga maaaring pumasok sa loob.

"Hikaru, ano sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon kung hindi nagkaroon ng zombie apocalypse? Siguro pinapagalitan na tayo ni Ms. Erika dahil sa ingay ng grupo natin." Panimula ni Joana sa usapan.

"Siguro nga. Baka nga nainis na sa'tin kakasaway 'yun."

"Pero bakit gano'n? Ano kayang nangyari at humantong sa ganito? Sa isang iglap naubos ang karamihan ng nabubuhay sa mundo?"

Lagi ko ring tanong 'yan sa aking isipan. Ayokong paniwalain ang sarili ko na nagaganap ang pagkaubos ng tao.

The humanity is lost.

We lost a lot of lives, dreams and even our life. Para na lang kaming nabubuhay dahil sa buhay pa kami. Pero kung tutuusin, lahat kami ay patay na.

"Ang tahimik niyo naman diyan?" rinig kong sabi ng isang boses na lalaki.

Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita. Dalawang sundalo ang nasa pinto.

"Care to share your thoughts?" sabi no'ng isang lalaki. Bigla na lang sila pumasok at isinara ang pinto.

Teka. Anong nangyayari?

Papalapit sila sa'ming dalawa ni Joana.

"Stop!" pagpapatigil ko sa kanila. Napahinto naman sa paglalakad 'yung isang lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now