Chapter four.

70K 1.1K 77
                                    

Chapter four. 

"Hello? Ahh..yes sir..okay...i'll call you back if I already informed Mr. Montano about this. Okay sir..bye."

Grabe..sobrang busy ng mga tao ngayon..nagka-problema daw kasi yung isa sa mga airport namin sa Cebu..kaya naman lahat kami nag-ca-cramming. Hayy..stress nanaman ang mga beauty namin. 

"Sir, Bryan of Montano International airport cebu branch..already informed me that they need you to be there as soon as possible daw po.." Kasalukuyan ko ngayong kausap ang aking mahal na..alam kong pinaka stress ngayon dahil sa mga nangyayare, pano ba naman meron daw anumalyang nagaganap tungkol sa mga namumuno doon..at kanina lang nalaman ni sirbabyyyko! Epal yung mga yun, imbes na walang masyadong intindihin sa buhay dumagdag pa sila..mga hinayupak! 

"Okay..book us a hotel in Crown regency hotels and towers.. we'll be there first thing in the morning.." Wait..wait..tama ba ang aking naririnig mula sa kanya? Kasama ako? 

"Us? I'm sorry sir..pero kasama po ako?" Tanong ko na parang shunga shunga sakanya..eh kasi, first time niya akong isama sa out of town niya! Omayghad! Kinikilig ako!  Enebesh. 

"Oo..kaylangan kita..." Omayghadd! Kinikilig ako wait lang! Waahhhh! Feeling ko tuloy wala kaming pupuntahang problema sa cebu..feeling ko mag-ha-honeymoon kami dun! Enebesh..hanlandi ko nanaman. Kainis. Hihi..okay Jam be serious..hugutin mo sa buong pagkatao mo ang kaseryosohan..ee..pero kinikilig talaga ako.

"Yieee...sabi ko na ee..kaylangan mo talaga ako ee..di ka mabubuhay na wala ako." Omayghad! Lapastangan na bibig..di ko talaga kayang maging seryoso maslalo na kapag kinikilig ako. 

"Jam..be serious..di ako nakikipagbiruan sayo ngayon. Ipahanda mo nadin yung private plane na sasakyan natin." Sabi niya na halatang seryoso..ohh ohh..

"Okay..okay..sorry na. Chill ka lang..anong oras ba alis natin?" Tanong ko naman sakanya. 

"Exactly 4 in the morning. Please lang Jam..ayoko ng late." Sabi niya sabay bagsak ng telepono..ayy grabe huh! Wala manlang 'bye, i love you' psh..at sinong male-late ako? Asa! 

----------

"Good morning babyy!! Hehe.." 

"Where the hell are you Jam?!" Oppsss..galit na galit na talaga siya...pang 53 na tawag niya na'to bago ko pa sinagot..may pa asa-asa pa ako, eh eto na nga late na ang beauty ko ng isang oras kaya naman..nagiging dragon nanaman yung gwapong nilalang na kausap ko. Eh kasalanan ko bvang masyadong mahalay ang kama ko at ayaw akong paalisin kanina..gusto niya yakap nalang kami forever ee. Bedtrip. 

"Eto na po..on the way na. Wag kanang magalit..please.." Paawang sabi ko naman sakanya..nakupo! na-iimagine ko na yung ilong niyang umuusok ngayon katulad ng pag-papausok niya sa phone ko kanina..akala ko nga sasabog na ee. Feeling ko tuloy..boyfriend ko siya na gustong gusto marinig yung boses ko first thing in the morning..hihi kinikilig ako! 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now