Chapter twenty.

76.6K 1.3K 176
                                    

Chapter twenty.

Sa tinagal tagal kong nakatitg sa mag-ama ko..saka ko lang napagtanto na magkamukha nga pala sila at baka makahalata na siya..agad agad akong lumapit sakanila, hindi pa nila ako napapansin dahil nakatalikod silang dalawa sakin..masaya silang gumagawa ng paper plane.

"Ahmmm...kukunin ko na yung anak ko." Pang-iistorbo ko naman sakanilang dalawa. Halata namang natigilan siya ng magsalita ako sa likod niya..unti-unti niya akong hinarap..ngayon ko lang nakita ang mukha niya ng mas matagal, kaya naman ngayon ko lang napansin na maslalo pala siyang gumwapo...oh well, gwapo nga gago naman..balewala lang. Nag-iwas na ako ng tingin at lumapit kay Kielle para buhatin ito.

Tatalikod na sana ako habang buhat buhat ang anak ko ng bigla niyang hawakan ang braso ko..hindi ko siya nilingon, hinintay ko lang kung mayroon man siyang sasabihin.

"Bakit ka umalis?" Napalunok naman ako ng marinig ko ang boses niya..2 years..2 fucking years kong hindi narinig ang mga boses niya kaya ganun nalang ang pagtayo ng balahibo ng bigla siyang magsalita..pakiramdam ko, isa siyang patay na nabuhay ulet. Hindi ko siya nakuhang sagutin...diba dapat alam niya kung bakita ko umalis? Dahil siya ang dahilan nun...at higit sa lahat bakit nagtatanong pa siya? Diba dapat maging masaya nalang siya dahil umalis ako?

Aalis na sana ako ng hindi sinasagot ang tanong niya...dahil kakasabi ko lang, handa akong makita siya..pero ang makausap ay hind pa. "Tinatanong kita, bakit ka umalis?" He asked again bago pa ako tuluyang makawala sa pagkakahawak niya sa mga braso ko..I can sense that I need to answer his damn question dahil parang doon nakasalalay ang buhay niya.

Hinarap ko lang siya at tinignan ng walang emosyon. I just stared at him...wala akong sinabi.. hindi ko kalangan sagutin ang tanong niya...hindi pa ako handang sumbatan siya..hindi ko pa kayang ipamukha sakanya lahat ng ginawa niya sakin...kaya inalis ko lang ang pagkakahawak niya sa braso ko bago ulet tuluyang tumalikod at umalis sa harapan niya..I mentally noted to myself na hindi ko siya kaylangan kausapin..dahil wala kaming dapat pag-usapan.

Pumasok kami ni Kielle sa loob at nakita kong nagsisimula na pala ang Pari sa pag bless ng bagong bahay nila Michie. Mabilis natapos ang pag bless sa bahay nila kaya naman pagkatapos magpaalam ni Father..nagyaya na si Michie sa dining table para makakain na kaming lahat..ni minsan hindi ko tinapunan ng tingin si Franco..umupo na kaming lahat paikot sa dining table nila Michie. Kinuha ko naman ng extrang upuan si Kielle sa gilid ko..bago ko subuan.

Hinarap ko naman ang mga kasama ko sa Dining table at nakita kong masayang sinusubuan ni Michie ang anak niyang si Selena na kandong kandong naman ni Seb, samantalang ang mga kaibigan naman ni Seb ay masayang nakikipagkwentuhan kay Ryan...isang tao lang talaga ang hindi ko tinignan..dahil kahit hindi ko siya tignan..ramdam ko ang mga titig niya sakin...mga titig na nakakapaso. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa anak ko.

"So Jam, ikaw naman anong work mo?" Napatingin naman ako doon sa Jace ng bigla siyang magtanong. Nginitian ko muna siya bago ko sana siya sagutin.

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon