Chapter eight.

64.9K 1.1K 137
                                    

Chapter eight.

Kung may itatawag man kayo sakin bukod sa pagiging desperada yun ay ang pagiging..perfect girlfriend. Simula ng magkaroon kami ng relasyon ni Franco..mas binuhos ko ang lahat ng pagmamahal sakanya, kahit na wala ng matira sa sarili ko eh okay lang basta alam kong masaya siya..ang tanong masaya nga ba? Hindi ko pa pinapaalam sakanya pero nararamdaman kong parang..wala lang ako sakanya..na parang girlfirend lang niya ako sa salita, pero kahit ganun masaya ako dahil girlfriend na nga niya ako..pilit ko nalang inaalis yung mga negative thoughts na naiisip ko.

"Goodmorning babyy!" Simula ng maging kami ni Franco, every morning ay tinatawagan ko siya. Gusto ko kasi yung feeling na boses niya ang una kong maririnig bago ko simulan ang panibagong araw sa buhay ko..ang una kong ginagawa ay tinatawagan muna ang buhay ko. It's almost a month..naging everyday routine ko nadin ito katulad ng coffee sa table niya with sweet mssages.

"Yeah..goodmorning." Sabi naman niya sa kabilang linya, mahahalata mong bagong gising palang siya. His husky voice makes me shiver..it reminds me of the nights that we've sahred together. Love making makes our relationship strong..feeling ko kasi yun yung bagay na alam kong dahilan kung bakit napapanatili namin ang relasyong ito.

"Hey, gising na po sir! Madami kang dapat puntahan ngayon...you have a conference meeting with the board members, meron kading mga importanteng surprise inspection sa terminal one and two..and siyempre you have a date with me!" Pangungulit ko sakanya..ang isa mga natutunan ko kay Franco ng maging boyfriend ko eh napakahirap niyang gisingin sa umaga..except nalang kapag naka set na yung body clock niya na kailangan niya talagang gumising ng maaga.

"Oo na oo na!! Huwag kang makulit!!" Nagulat naman ako ng sigawan niya ako..ngayon lang kasi niya ako sinigawan ng gisingin ko siya. "Ahh..sige..bye nalang, I love you" sabi ko sakanya ng malumanay..hindi ko muna ibinababa dahil gusto kong marinig ang isasagot niya..kaso pinatay na niya ang tawag ko. Wala na akong ibang nagawa kundi ang huminga ng malalim. I guess it's not so nice to start this morning after all.

-------------

Nakarating ako sa opisina ng hindi nakikipag siksikan sa LRT o inaaway manlang yung driver ng jeep na sinasakyan ko kasi pinahiram na nga sakin ni Franco ang isa sa mga sasakyan niya. I'm using his red vios. Well okay naman kasi marunong naman talaga akong mag-drive tinutuan ako dati ni kuya.

Nandito na ako sa office table ko at inaayos ko na yung mga kaylangan ni franco para mamaya. Inaayos ko nadin yung cupcakes ni binili ko kanina sa siang coffee shop na nadaanan ko bilang peace offering kay Franco, in our almost a month relationship ako ang mas madalas umintindi sakanya..kapag may hindi kami napagkakaunawaan ako na mismo ang unang nagsosorry at nakikipag-ayos sakanya. Ayoko sa lahat yung nagkakatampuhan kami kaya hanggat maari iniintindi ko siya sa abot ng aking makakaya, ayoko kasi dumating sa punto na lumalala pa yung isang maliit na bagay na pinag-awayan namin.

Pagkapasok ko sa opisina ni Franco nagulat ako ng madatnan ko siya doon, mas na una pa pala siya saakin. Ni-lock ko muna yung pintuan para makapag-sorry ako sakanya..sa tingn ko din kasi kasalanan ko yung nangyare, baka nga masyado akong naging makulit kanina..kaso everyday naman akong ganun, oh well baka masama lang gising niya.

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon