Epilogue.

93.7K 1.6K 199
  • Dedicated to To all my friends(readers)! I love you all guys!♥
                                    

E P I L O G U E.

~Jam's Point of view~

"Manang paki tawag naman sila Franco at Kielle sa taas..kakain na tayo." Utos ko kay manang habang hinahanda ang mga pahkain sa hapagkainan namin. 

"Sige, tawagain ko na at baka nagbubugbugan na yung dalawa doon." Sabi ni manang na ikinatawa ko naman. 

"Haynaku manang! Mabuti panga, wala pa namang referee doon." Sabi ko pa kay manang habang tumatawa. Naiimagine ko pa kung paano sabunutan at sampalin ni Kieele ang mukha ng daddy niya kapag naiinis na ito dito. Napailing naman ako.  

"Iyaw ko seyo!" Naririnig ko ng sigaw ng anak ko. 

"Ayy! No Kielle. Bad ka nanaman, papaluin ka ni daddy!" Saway naman sakanya ni Franco. Naguumpisa nanaman po ang number one na aso't pusa ng bahay namin. 

"Bad ka! Palo mo yeye!" Narinig ko pang hinanaing ng anak ko nang makalapit na silang dalawa ni Franco sakin, tinignan ko naman sila ng nakataas ang kilay..ano nanamang problema ng dalawang 'to? Di na nagkasundo. 

"Oh! Diyan ka nanga sa nanay mo!" Sabi ni Franco na akmang ipapabuhat sakin si Kielle. 

"Yun baby daddy!" Sigaw ni Kielle na naglambitin sakanya! haynaku 'tong mag-ama ko parang di matatapos ang araw na hindi nagbabangayan..pallibhasa kasi magkamukha kaya madalas mag-kaaway. Sabi kasi yun ni Janna ee, theory daw niya. Tss.

"Oh? Akala ko ba pakwan yung nasa tiyan ni mommy?" Tanong naman sakanya ni Franco habang inaalalayan na makaupo ito, natawa naman ako sa tanong niya. Nung una kasi naming sinabi kay Kielle na buntis ako..sabi niya sa bata pinasukan daw niya ng pakwan yung tiyan ko kaya pinaniwalaan na pakwan nanga, buti nalang naipaliwanag ko kay Kielle yung mga kabaliwan ni Franco. 

And yes..I'm 8 months pregnant with our baby girl. Time flies so fast, who would have thought na yung dating hirap magsalita na si "Yeye" ay isang 3 years old young boy na ngayon na sobrang dadal. Hindi man naging maayos ang pagitan namin ng nanay ni Franco..eh hindi naman naging hadlang yun para magkaroon kami ng isang masayang pamilya. Saka, ganun talaga..hindi perpekto ang buhay, mayroon talagang mga taong magda-down sayo..pero hindi mo sila kaylangan tignan..tignan mo lang yung mga taong kumukumpleto sayo. 

Ano paba ang kaylangan kong hilingin diba? Mayroon akong mapagmahal na asawa...nasaktan man namin yung isa't isa dati...triple naman yung pagiging worth it noon ang kasayahan na natatamasa namin ngayon..may problema mang dumating..yung mga problema nayun ang mas mag papatatag pa sa amin. 

"Hey miss beautiful..kain na. Wag mo na kaming titigan ng anak mong panget." Sabi sakin ni Franco habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko..napangiti naman ako. 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now