Chapter twenty five.

73.1K 1.2K 101
                                    

Chapter twenty five. 

Napangiti ako ng mapakla ng ma-realize ko nanaman yung mga sinabi niya...'Mahal kita Jam..' Napa-iling ako..nakita ko naman sa mga mukha niya ang pagtataka. 

"Mahal? Talaga Franco? Tingin mo...pagkatapos ng lahat..ngayon pa ako maniniwala na mahal mo ako?" Tanong ko sakanya. Sa kasinungalingang ginawa niya dati sa pamamagitan ng pag-sabi ng mahal niya ako at biglang sasaktan..ay ang matinding dahilan kung bakit ayoko ng maniwala sakanya ngayon. Saka ano bang mapapala ko kapag naniwala ulet ako? Masaktan nanaman? 

"Bakit hindi mo hayaan iparamdam ko sayo?" Tanong niya sakin. 

"No thanks. The last time na pinaramdam mo sakin yun..nasaktan lang ako..in the first place, hindi naman ang pagmamahal mo ang kaylangan ko ngayon..kaylangan na naming umuwi ng anak ko." Sabi ko sakanya ng walang emosyon. 

"No..ilang bese ko bang kaylangan sabihin sayo..na hindi kayo uuwi ng anak ko. Walang uuwi ngayon...bukas tayo haharap sa magulang mo para sabihing magpapakasal tayo. And that's final. Now, get in the car..uuwi na tayo." Sabi niya sa akin at pagkatapos ay tumalikod para pumasok sa sasakyan niya. Naiwan akong nakatulala na naiinis..ano ba'tong ginagawa niya? nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko..naiinis ako sa nangyayare at higit sa lahat naiinis ako sa sarili ko..dahil hindi ko magawang makawala sakanya. 

"Ano? Sasakay kaba o kami lang ng anak ko ang aalis?" Tanong niya ng maibaba niya yung bintana ng sasakyan niya. Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa sasakyan niya..naisip kong..hindi ko kayang, hindi makasama ang anak ko..kahit isang gabi lang. 

"Idaan mo muna ako sa bahay..kukuha ako ng damit namin tapos magpapaalam." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan niya. Ayoko siyang tingnan manlang..maslalo ko lang nararamdam yung inis. Yung inis..na alam ko kunti nalang eh sasabog na. 

"No need. nagpabili na ako dun sa bago kong secretary ng mga damit mo...nasa unit ko nayun ngayon." Sabi niya. Sa inis ko hindi ko nalang nakuhang sumagot..tinignan ko nalang kung maayos yung pagkakahiga ng anak ko sa back seat bago ulet tumingin sa bintana. 

Buong byahe namin ay nangingibabaw ang katahimikan. Sabagay ano bang pwede naming pag-usapan? Yung sinasabi niyang pagmamahal niya? Psh. Walang kwenta..kung yun lang din naman ang magiging topic namin..mas pipiliin ko na nga ang maging tahimik. Masyado naba akong nagiging matigas dahil hindi ko siya pinaniniwalaan? Kaso hindi ee...masyado kasing masakit yung naging nakaraan namin..kaya naging ganito ako katigas. Ayoko siyang paniwalaan..dahil alam ko sa huli..ako nanaman yung masasaktan. 

-------

Nakaratinng kami sa parking lot ng hindi nag-uusap. Bumaba agad ako para buhatin ang anak ko na natutulog..pagkabukas ko ng back seat kukuhain ko na sana si Kielle ng biglang may humawak ng braso ko....at bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko. 

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon