Chapter twenty two.

72.7K 1.2K 172
                                    

Chapter twenty two. 

"No..we have to talk...gusto kong malaman ang dahilan mo kung bakit mo tinago sa akin ang anak ko." 

Halos manigas ako sa sinabi niya..nakatitig lang ako ngayon sa mga mata niya. Paulet ulet na tumatakbo sakin ang mga katagang..'anak ko.' na nanggaling mismo sa sarili niyang bibig. Pilit kong hindi pinapakita sakanya na kinakabahan ako...paano niya nalaman? 

"Anak? Bakit sino bang anak mo?" I asked him as if I don't know what he's talking about. Binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti niya. What the fuck, bakit ba kasi nasa ganitong pag-uusap kami..the last time I check, nung kalaro niya ang anak ko eh hindi niya naman napansin na magkamukha sila. 

"Sino anak ko? Baka yang buhat buhat mo....anak ko." Sabi niya sakin na para bang siguradong siguardo na siya na anak niya talaga si Kielle...maslalo akong kinabahan..paano ba kami napunta sa sitwasyon na'to? 

"Anak ko 'to." Matigas na sabi ko sakanya bago ko paman siya talikuran..pero katulad lang ng dati marahas niya akong hinarap sakanya. 

"Mag-uusap tayo ng maayos o sapilitan ang gagawin ko makausap kalang?" Pabulong pero madiin na pagkasabi niya..nagtayuan naman ang mga balahibo ko dahil alam kong galit na siya sa mga puntong ito. Maslalo kong hinigpitan ang hawak ko kay Kielle. 

"Sige..sa loob nalang tayo ng opisina ko mag-usap." Sabi ko sakanya ng walang emosyon..binitawan niya naman ako at saka sumunod sa loob. Namamawis ang mga kamay ko..kinakabahan ako. Parang may hindi magandang mangayayare..bakit pakiramdam ko mapipilitan akong sabihin ang isang bagay na ayokong sabihin for almost two and half years..

Bakas sa mukha nila Sophia at Angel ang pagtataka ng makita nilang nakasunod sakin si Franco na pumasok sa opisina ko..itinabi ko naman si Kielle sa sofa na nasa loob ng opisina ko bago ko hinarap ang seryosong mukha ni Franco. 

"Kielle is my son." Sabi niya na para bang yun lang ang sinabi niya sa tanang ng buhay niya na sigurado talaga siya. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko..pag ba sinabi ko ang totoo anong gagawin niya? kukunin niya yung anak ko sakin?

"No. Hindi mo siya anak." Pagsisinungaling ko sakanya sabay iwas ng tingin. Ayoko sabihin saknaya ang totoo..ayoko sabihin sakanya..baka kunin lang niya ang anak ko.

"So anong gusto mong gawin ko para mapatunayan ko? DNA test?" Tanong niya naman sakin. 

"Wala kang dapat gawin dahil hindi mo naman siya anak." Sabi ko habang inaayos yung mga papeles sa harap ng lamesa ko para hindi mahalatang nagsisinungaling ako..ayoko siyang titigan dahil mamalaman niya kung ano talaga ang totoo. 

Nagulat naman ako ng marahas niya akong hinarap sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya na nawawalan na talaga siya ng pasensya. Maslalo naman akong kinabahan sa inakto niya. 

"Ngayon..ngayon mo sabihin na hindi ko siya anak Jam." Galit na sabi niya sakin..nasasaktan nadin ako sa paraan ng paghawak niya. Ano bang nangyayare sakanya..saka ano bang mapaala niya kung malaman nga niyang anak niya si Kielle? Pero hindi ako nakasagot sa paaran ng pagtingin niya sakin..putangina naman Jam. Simagot ka! Sabihin mong hindi niya anak yung anak mo! In the first place, wala naman siyang karapatan kasi gago siya!  

"Ano sagutin mo ako! Diba anak ko siya?!" Nagulat ako ng bigla siyang napasigaw. Hindi ko alam pero nagpantig ang tenga ko sa sigaw niya. Wala siyang karapatan na siagwan ako. 

"So!? Kung anak mo man siya?! Wala ka paring karapatan sakanya kaya bitawan mo ako." Sabi ko sabay hila ng braso na hawak hawak niya.  

"So anak ko nga! Bakit mo tinago sakin?!" He asked looking so frustrated. 

"Ano bang problema mo kung hindi ko sinabi sayo?! Diba ikaw na nga mismo ang nagparamdam sakin na wala lang ako sa buhay mo?! O eh anong ginagawa mo ngayon dito?! Ikaw mismo ang hindi nagbigay ng halaga na bigyan manlang ako ng pagkakataon na kausapin ka tapos ngayon kung kelan wala na ako sayo saka ka mangugulo sa buhay namin ng anak ko?! Gustong gusto mo talagang nahihirapan ako eh noh?!" Hindi ko alam pero habang sumisigaw ako sa harapan niya bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Tangina. Umiiyak nanaman ako dahil sakanya..dalawang taon kong pinigilan yung luha ko..bakit ngayon pa sa harapan niya? Samantalang siya, hindi ko alam pero...para naman siyang nanlambot sa mga sinabi ko. 

"Ano Franco?! Tanungan ba gusto mo?! Oh eto pa! Diba ikaw na mismo nagsabi kay Seb na rebound mo lang ako?! Na si Almira ang tunay na mahal mo, hindi ba?! O bakit nandito ka ngayon?! Wag mo na kaming pakialaman ng anak ko! Mas maayos ang buhay namin ng wala ka!" Hindi ko mapigilan yung sarili ko..gusto kong ilabas ngayon lahat ng sama ng loob ko..hindi ko alam..dahil siguro sa matagal kong kinimkim kaya sumabog nalang ako. Ang kapal naman kasi ng mukha niya na tanungin bakit ko pa tinago yung anak niya. 

Hindi siya nakasagot sa mga tanong ko kaya napailing nalang ako. Nakatayo lang siya na para bang napaka lalim ng iniisip. Tumalikod nalang ako sakanya at inayos ang mga gamit ko para makalabas na ako sa opisina ko. 

"I'm sorry.." Napatayo naman ako ng tuwid ng bigla kong maramdaman ang maiinit na yakap niya sa aking likuran ko at bumulong sa akin. Naramdaman kong biglang dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko...hindi Jam..hindi kana mag-papabulag sa mga salita niya...tandaan mo, hanggang salita lang siya. 

Humarap nalang ako ng nakangisi sakanya. "I'm sorry?" Sarkastikong tanong ko. "Sige nga Franco, kumuha ka ng baso tapos basagin mo sa harapan ko, tapos try mong mag-sorry dun sa baso dahil binasag mo siya...tingin mo ba, dahil lang sa sorry mo, maayos pa lahat? tingin mo ba babalik pa sa dati?" Tanong ko bago ako kumawala sa mga yakap niya. 

Tumalikod ako sakanya at kinuha ang bag ko bago lapitan si Kielle na nakatulala saming dalawa..binuhat ko ang anak ko at dumeresto palabas ng pinto...pero nagulatanng ang buong pagkatao ko ng marinig ang mga sumunod na sinabi niya. 

"Magpapakasal tayo Jam. Sa ayaw't sa gusto mo. Magpapakasal tayo...para sa anak natin." 

-----------------------

Maikli tapos bitin.Tamad na author. Hahahaha. 

Author's note: Pasenysa napo kung hindi ko 'to napost kagabi..inuna ko po kasi yung kahibangan ko kay Jeron Teng ee. Sorry po. Mehehe. ^__^v Damayan niyo nalang po ako sa kahibangan ko..basahin niyo po yung one-shot ko about my bebeJeron. Just click the external link doon sa gilid. Comment nadin kayo para masaya. Thank you! :* 

Dedicated to: StephanieJunio. Ang sipag niyo pong mag comment! Thank you :* >:D< 

Vomments please :))

|Ifitsmeanttobe| Jeron Teng's ♥

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now