Chapter fourteen.

70.8K 1.3K 433
                                    

Chapter fourteen.

Buong maghapon kong hindi napansin si Jam sa opisina. Hindi manlang siya nag paalam na mag hahalf day pala siya. Nag-aayos na ako ngayon ng mga gamit para makauwi na..it's been a busy day after all.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit bigla nalang nagbukas ang pinto ng opisina ko..niluwa nito si Almira. Sinalubong ko siya ng yakap at halik sa nuo. "How was your day hon?" She asked. "Tiring..as always." I answered her. Nagpatuloy nalang ako sa pagaayos ko ng gamit ko habang siya ay umupo sa sofa na nandito sa loob ng opisina ko.

"By the way..where's your stupid secretary? Mukhang wala yata siya, di ko napansin ee." Tanong sa akin ni Almira..hinarap ko naman siya para sagutin ang tanong niya. "Actually I don't know too..siguro may inasikaso lang." Sagot ko sakanya..napaisp tuloy ako kung ano yung ginawa ni Jam..di niya naman kasi ugali ang hindi nagpapaalam sa akin, dahil kahit alam kong hindi maayos ang relasyon namin ngayon..magpapaalam parin sakin yun. Ano kayang nangyare?

"Hon?" Napukaw ni Almira ang pag-iisip ko. Tinignan ko nalangnsiya ng tila nagtatanong na mukha.

"You're spacing out..I'm asking kung gusto mo bang mag-stay ako sa unit mo?" She asked. Nagisip muna ako ng isasagot ko..madami kasi akong gagawin at malamang ay hindi ko siya mapagtutuunan ng pansin ko..dahil madami akong kaylangan reviewhin na mga proposal for the company..kaya umiling nalang ako. "Why?" She asked again.

"Madami akong gagawin ngayon." Simpleng sagot ko sakanya. Bago kuhain bag ko.."Okay lang yan..mag stay lang ako dun." Sabi niya pa sa akin bago kumapit sa braso ko. Nagkibit balikad nalang ako at hinayaan siya sa gusto niya..lumabas na kami ng opisina ko.

Nang madaanan namin ang office table ni Jam..hindi ko maiwasang hindi mapalingon doon. Nakakapanibago lang...di kasi umuuwi yun hanggat hindi ako umuuwi, sabagay baka may nasikaso nga..saka hindi pa kami okay kaya siguro ganun..napansin ko din na medyo malinis na ang lamesa niya..tanging telepono nalang kasi ang nakapatong doon, pero hindi ko na pinansin yun dahil hinatak na ako ng Almira papasok sa elevator.

Nag da drive ako pauwi habang si Almira sa sa tabi ko ay kwento ng kwento tungkol sa sarili niya. Wala naman akong maintindihan dahil lahat tungkol sa career at pagpapaganda niya..hindi ako interesado doon dahil wala naman akong kaalam alam..kaya kahit bored yung usapan tumatango nalang ako. 

"Baby, peanut kaba?"
"No."
"Wahh! Ang daya naman ee! Mag bakit ka!  Mag bakit kana please?"
"Okay okay..why?"
"Ayy naks! English! Hahahaha"
"Bahala ka na nga diyan!"
"Ang sungit mo! Bakit kasi itanong mo. Dali dali!!"
"Okay fine. Bakit?"
"Kasi..peanuttitibok mo yung puso ko. Boom! Hahaha ngingiti nayan..ayiee." 

Bigla nalang akong napangiti ng maalala ko ang isa sa mga usapan namin ni Jam tuwing umuuwi kami galing ng trabaho..napailing iling pa ako. 

Desperate Secretary (Completed)Where stories live. Discover now