Chapter ten.

66.3K 1.1K 246
                                    

Chapter ten.

Hindi ko namalayan sa sobrang iyak ko kagabi nakatulog na pala ako sa dining table ni Franco, kaya naman nagising ako ng medyo masakit ang leeg ko at namumugto ang mga mata. Pagkatingin ko sa relo ko nakita kong 6:09 am na, hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi kakaiyak. Ayoko ng alalahanin pa ang mga nangyare kagabi..kaylangan doon ay binabaon na sa limot..ang importante lang naman ay mahal ko si Franco.

Pinaghanda ko ng agahan si Franco, pinagluto ko siya ng sinangag, hotdog, itlog at bacon..tinimplahan ko nadin siya ng kape. Habang inaayos ko yung mga pagkain sa lamesa narinig kong bumikas ang pinto sa kwarto ni Franco, tinignan ko siya na halatang gulat dahil nadatnan pa niya ako dito..marahil ay inisip niyang umuwi na ako kagabi. Nakaayos na siya para pumunta ng opisina.

Nilapitan ko siya dahil hindi pa masyadong nakaayos ang neck tie niya. "Ako na." Sabi niya ng akmang aayusin ko na ang neck tie niya. "Hindi ako na.." Sabi ko sakanya ng nakangiti. Napakalapit namin sa isa't isa..ramdam ko ang malakas na pagpintig ng puso ko. Nag angat ako ng tingin at nakitang nakatigtig lang din siya sa akin..gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya..gusto kong marinig ang mga paliwanag niya sa mga nakita ko kagabi..pero alam kong masasaktan lang ako kaya mas maganda ng..wag nalang.

"Ayan ayos na, sobrang gwapo mo na ulit." Sabi ko sakanya ng may malapad na ngiti sa aking mga labi. Ewan ko kung anong itsura ko..siguro mukha na akong tanga na ang lapad ng ngiti habang namumugto yung mga mata.

"Tara kain ka na muna..pinagluto kita ng breakfast mo, masarap yun." Sabi ko habang hinahatak ko siya papunta sa dining table..pinapakita ko sakanyang okay lang ako, pinapakita kong parang walang nangyare..sa ganung paraan kasi mas makakalimutan ko ang lahat.

"Tsenen! Masarap yan baby, kain ka muna diyan maliligo lang ako para sabay na tayong pumunta ng office okay?" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya at takbo sa sofa kung nasan yung bag ko na pinaglagyan ko ng damit ko kagabi dahil plano ko na talaga dito matulog..ang kaso dito nga ako natulog hindi naman..haynaku Jam, forget about it! Wala yun..hindi nangyare yun.

Ang kaso..pagkabagsak ng mga tubig na nanggagaling sa shower, sumabay naman ang pagbagsak ng mga luhang nagsisimbolo na kahit gaano ko sabihin sa sarili kong..kalimutan ang lahat..alam kong hindi magagawa ng puso ko ang makalimot ng basta basta. Napapikit nalang ako at hinayaang lamunin ang sarili ko ng sakit...sakit na dapat kong kalimutan dahil kung hindi mawawala sa akin ang rason kung bakit pa ako nabubuhay.

--------

Nandito na kami sa sasakyan niya at namamyani ang katahimikan..iniwan ko na sa building ng penthouse niya yung kotse niya na pinahiram niya sa akin, babalikan ko nalang mamaya. Binuksan ko ang radio ng sasakyan niya dahil nabibingi na ako sa katahimikan na mayroon sa pagitan namin.

♪ ♫ 'Cause someday, someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday, someone's gonna take your place
One day, I'll forget about you
You'll see, I won't even miss you
Someday, someday..' ♪♫

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon