Chapter eleven.

65.8K 1K 117
                                    

Chapter eleven. 

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ng maramdaman ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa isang glass wall..teka? Kelan pa ako nagkaroon ng glass wall sa kwarto na overlooking ang buong city? Marahas akong napaupo sa kamang hinihigaan ko kaya napadaing naman ako sa sakit ng kamay ko..oo nga pala may sugat nga pala ako. 

Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Mr. Guzman..unti unti ko ng naalala yung mga nangyare saakin kaya ako nandito, parang gusto ko nalang ulet matulog ng maalala ko ang mga nangyare kagabi. "Oh kamusta na yung kamay mo?" Tanong niya sa akin, napansin ko din na may dala siyang tray ng pagkain. 

"Okay na po..una na po ako sir. Salamat." Sabi ko ng nakayuko..akmang tatayo na sana ako ng itulak niya ako ulet paupo. Tumingin naman ako sakanya ng nagtataka. 

"Mamaya kana umuwi..piangluto pa naman kita ng breakfast tapos dideadmahin mo lang? Sayang naman yung effort ko." Sabi niya sa akin ng nagpapaawa..napangiti naman ako dahil sa expression na pinakita ng mukha niya. Sa lahat ng nangyare sa akin..feelin ko ngayon lang ako nakangiti ng....totoo. 

"Ayan, ngumiti kana..maslalo kang gumanda." Sabi niya sakin..bigla nman akong nakaramdam ng hiya at napayuko..naramdaman ko ding namula ang mga pisngi ko. Jusko. Hindi ako 'to..ang alam ko wala naman akong hiya. "Hmmm! Ang cute mo mag blush. Hahaha." Sabi pa niya habang kinukurot ang aking mga pisngi..maslalo nalang akong nagyuko. 

"Nalinis ko na nga pala yang sugat mo huh. Napano nga pala yan?" Tanong niya sa akin habang ako naman ay tahimik lang na kumakain. Naalala ko nanaman tuloy ang mga nangyare sa akin kagabi..sumagi nanaman sa aking isipan yung halikan nilang dalwa..yung pagsigaw niya saakin, parang naririnig ko ulit ang mga ito. "Hey bat ka umiiyak?" Hindi ko namalayan may lumandas nanaman palang mga luha sa aking mga mata..agad ko itong pinunasan at hinarap si Mr. Guzman. 

"Ahmm..wala po ito Sir. thank you po talaga sa pagtulong..saka pasensya na sa abala." Sabi ko sakanya, naiilang ako sa mga titig na ginagawa niya kaya naman nag-iwas nalang ako ng tingin at bumalik nalang ang atensyon ko sa aking kinakain. Sa pangatlong subo ko ng kinakain ko ay bigla nalang umikot ang tiyan ko at nakaramdam ako ng pagsusuka. Agad agad akong tumayo para pumunta ng banyo at doon mag suka. Ano naman kayang nakain ko?

"Panget ba yung lasa ng niluto ko?" Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Mr. Guzman. Tinignan ko siya ng nanghihina. "Hindi sir..kahapon ko pa talaga nararamdaman 'to..pasensya na po kayo." Sabi ko naman sakanya. 

"Sige..ayusin mo nalang yang sarili mo. Ihahatid na kita sa inyo." Pagkatapos niya itong sabihin lumabas na siya. Naghilamos na lamang ako ng aking mukha at nagmumog pagkatapos ay tinitigan ang aking mukha sa salamin..nagmamaga ang aking mga mata, tanda ng matinding pag-iyak kagabi..iyak..ayoko ng umiyak, pero wala akong mgawa..katulad ngayon umiiyak nanaman ako. Ang sakit sakit kasi talaga..ang sakit sakit. 

---------

"Ano nga palang ginagawa mo dito kung hindi ka nakatira sa isa sa mga unit dito?" Tanong sa akin ni Mr. Guzman habang hinihintay namin magbukas ang elevator sa harapan namin. Tinignan ko naman siya. "Ahh..sir pinuntahan ko lang po si Franco..I mean Sir Frnaco po." Sabi ko sakanya. 

Desperate Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon