Chapter 1-M:MW~~Oh-Em-Genie!

1.2K 35 1
                                    

Nayumi went up the hill..

To fetch a pale of water..

I love to sing. I sing merrily while holding a 'timba'. Pinakukuha kasi ako ng tubig ng anak ng step mother ko sa well. Nawalan kasi ng tubig eh wala silang ipanliligo. Maldita iyong kambal na anak ng step mother ko si Zoraida at Lucila. Mabait naman iyong step mother ko dahil pinapag-aral niya pa ako,pinapakain,binibihisan kahit patay na iyong dad ko pero dumadaan talaga iyong time na mas kinakampihan niya iyong mga anak niyang devil in disguise reincarnation ni Lucifer. Akala ko hindi na uso ang Cinderella ngayon pero akala ko lang pala pero syempre ayoko namang dibdibin ang lahat minsan ko nga lang iyon indahan.

Ang motto ko nga sa buhay eh..

Be happy life is too short..

Dala ko pa iyong magandang bote na kulay rainbow na lalagyan ko ng tubig ko pagpasok sa school. Bigay iyon noong kaibigan kong si Peter Panopio which i fondly call Peter Pan. Nakatira siya malapit sa bahay namin at kaklase ko siya sa school. Parehas kaming first year college habang iyong dalawang chaka ay second year college. Alam niya iyong story ng buhay ko kaya daw ibinigay niya sa akin iyong tumbler na ito para laging may rainbow sa buhay ko. Ang sweet niya na friend ano.

Nakarating na ako sa well. Nag-igib na ako ng tubig. Nang matapos ay binuhat ko na pabalik ang timba.

"Ay! Ay! Kaibigang daga! Kamusta?~~Ay! Nakakakiliti naman! Ahihihi.."

May nakita akong daga kaya ibinaba ko muna ang timba. Para namang may isip na tumigil ang daga at pagkaano ay umakyat sa braso ko dahilan ng kiliti ko. Pakiramdam ko talaga si Cindrella ako at kaibigan ko ang mga daga. May alaga nga akong daga sa bahay eh,iba naman iyon may breed,ang pangalan niya ay Minie. Lalo akong nakiliti nang umakyat iyong daga sa may tenga ko.

"Ayyy! Ayan tuloy nahulog iyong tumbler ko! Kaibigang daga naman eh~~~

My eyes widen. Hindi dahil natapon iyong tubig ko..

"WAAHHH! KYAAA! AHHHHHH!"

"Shit,may nakakita sa akin.."

Ikinurap-kurap ko pa ang mata ko pero talagang hindi nawawala..I really saw a....

"OH MY! A GENIE! A GENIE IN A TUMBLER! MY GENIE! MY GENIE!"napapalakpak pa ako.

May genie na lumitaw noong bumagsak iyong tumbler ko. Color blue iyong eyes at hair niya. May ilang mahahabang hibla iyong hair niya na may buntot na maiksi sa likod. Nakalutang siya ngayon sa harapan ko as in lumilipad siya habang naka-injian sit. Nakakamangha.

Nakakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. Bumaba na siya sa lupa at ngayon ay nakatayo na sa harapan ko.

"Uy bakit ka bumaba? Lipad ka ulit genie ko! Kuh! Kung si Cinderella may fairy god mother ako naman ay may genie!"

Lalo lang nangunot ang noo ng genie ko.

"Weird.."

"Uy lipad ka ulit! Dali na!"

"Hindi ka man lang ba nagugulat o natatakot na makita iyong paglipad ko?"

"Bakit naman,natural lang naman sa genie na may powers! Yey! May genie na ako! Cool!"

"Hindi ako genie,sorcerrer ako."

"Sorcerrer? Katulad ni Harry Potter?"

"Yup."

Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Sorcerrer daw? Eh bakit siya lumabas sa tumbler?

"Anong pangalan mo?"

"Shin...."

*******

Dedicated this chapter to gegeyaya.. Salamat sa pag-votes dito sa story ni Shin at Nayo pati na din sa iba pang Muryou stories ko.

yuki_tin13

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now