Chapter 3~Tumbler

458 25 1
                                    

Dedicated this chapter to PokoNa of watty,ang masipag ko na follower,reader,voter at commenter ng muryou stories ko. Hope maging patient ka paghihintay ng update nitong story ni Shin. Hindi naman about sa labanan itong kay Shin,parang gusto ko kasi iyong light at puro kilig naman...ayiee..anyway thanks! Thank you din doon sa ibang nakaka-appreciate ng stories ko!

yuki_tin13

******

Gising na ako nakapikit pa nga lang iyong mata ko. Tinatamad pa kasi akong magmulat ng mata. Naramdaman ko na may sumusundot-sundot sa pisngi ko tapos lumilikha ng kakaibang tunog. Iminulat ko iyong isa kong mata.

"Good morning Minie.."bati ko sa alaga kong daga na may malagong white at brown na balahibo. Hindi ko siya ikinukulong basta nandito lang siya sa loob ng kwarto ko kaya nga hindi nakakapasok dito si Zoraida at Lucila eh takot kasi sila sa daga.

Naghihikab pa nga ako. I yawn.

Nang maalala ko iyong si Shin. Hindi kaya panaginip lang iyong kahapon na nakakilala ako ng salamangkero na lumabas sa tumbler ko?

Napamulagat tuloy ang mata ko at napabalikwas ako ng bangon. Tiningnan ko si Shin sa kinahihigaan niya. Napangiti ako nang makita ko na natutulog pa siya. Saglit ko siyang pinagmasdan. In fairness ang perfect ng fitures niya.

Bumaba ako sa kama ko at lumapit sa higaan niya. Si Minie ay sumampa sa balikat ko.

Tumalungko ako sa tagiliran ni Shin.

"Totoo ka talaga..hindi ako nananaginip.."

Bigla na lang ay pumasok sa isip ko kung saan pwede mag-stay si Shin.

"Shin! Shin!"dinamba ko siya sa higaan at niyugyog para magising.

"Uhm.."

Pupungas-pungas pa si Shin na nagmulat ng mata at bumangon.

"Alam ko na kung saan ka pwede mag-stay!"yugyog pa more ako.

"Your too loud,katabi mo lang ako. Tyansing pa more,hindi ba sabi ko sa'yo allergy ako sa walang dibdib.."sabi niya na niyuko ako.

"Wow ha,hindi kita tsinatsansingan ano! Nakakainis ka may dibdib nga sabi ako!"

Niyuko ko din ang sarili ko at nakita ko na nakalapat na nga iyong dibdib ko sa braso niya. Sa bigla ay naitulak ko siya palayo sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

"Tangna,napakasadista mo,ang bigat ng kamay mo siguro ay nawawala kang kapatid ni Shugen,tss."napahiga ulit si Shin sa pagtulak ko.

"Ay ang bad ng mouth mo! Masama ang magmura! Sino iyong si Shugen?"

Umupo ulit si Shin.

"Kaibigan ko,parehas kaming warrior sa aming emperyo."

"Nakakalipad din siya katulad mo?"

"Hindi siya nakakalipad,extra ordinary lang iyong body strength niya. Nananapak iyon ng madadaldal na katulad mo."

"Grabe naman iyon.."napalabi tuloy ako.

Nadinig ko na gumawa ng tunog si Minie,noon ko lang naalala na ipakilala siya kay Shin nakatingin din naman si Shin sa kanya.

"Si Minie nga pala alaga ko. Si Shin iyong fairy god genie natin!"

"Retard.."

"Kung makatingin ka naman kala mo tinubuan ako ng helo sa ulo,ay grabe ka!"

"May alaga ding ganyang pusa sa emperyo namin,Kai naman iyong pangalan niya."

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now