Chapter 6~Hotness

434 17 2
                                    

"Ih~! Sigurado ba kayo na mga warriors kayo at hindi Olympus Gods? Saka sa Mundo ng Mandirigma ba kayo nagmula o sa Mundo ng mga Gwapo?"kumikislap iyong mata ko na pinaglilipat-lipat ang tingin kina Shin,Shugen at Ken.

Grabe super pogi nila daig pa nila ang artista dito sa aming mundo. Nandito pa kami sa kwarto ni Shin.

"Tss,ang bano mo talaga Nayo."nakasimangot na naman si Shin daig pa ang may regla.

"Bano agad? Hindi ba pwedeng nakaka-appreciate lang ako ng kagwapuhan?"

"Sang-ayon ako dun."wika naman ni Ken. Nakangisi lang si Shugen. Shin tseked.

Nang maalala ko iyong sinabi ni Shin tungkol kay Shugen. Kaya bigla ay natahimik ako.

"Hanggang kailan kayo dito?"tanong ni Shin.

"Hanggang tatlong araw lang kami baka hanapin na kami sa palasyo nagpaalam lang kami na pupunta sa Jumon dahil inimbitahan kami ni Dilan sa kapistahan doon kuno. Pero pupunta kami talaga doon sa mismong araw ng pista mayroon na nga lang selebrasyon kahit ilang araw pa bago ganapin."paliwanag ni Ken.

"Pasalamat ka at nakontyaba natin iyong mangkukulam na iyon at tinulungan ka. Alam ba nila pinuno na nandito ka din sa mundo ng mga mortal?"wika naman ni Shugen.

Pinaglilipat-lipat ko lang ang tingin ko sa kanila.

"Hindi nila alam tiyak mapapabalik ako ng wala sa oras sa Libre."Shin.

"Tiyak iyon si pinuno pa,yare ka doon. Puro kasi libog iyang laman ng utak mo."Shugen.

"Hoy nakakahiya naman sa libog mo ulol ka eh parehas lang tayong na-devirginize sa edad na trese. Saka hindi ko alam kung paano nangyari iyon."wika ni Shin na salubong na ang kilay.

Err..? Nanuyo yata ang lalamunan ko dun kaya napalunok ako ng wala sa oras. Ang bata naman nila nagka-sexperience? Hindi ko pati maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Paano kayo sa loob ng tatlong araw saan kayo tutuloy eh hindi naman kayo pwede kina pinuno.."

"Eh di dito.."Ken.

"Nayo pwede ba silang dumito muna sa loob ng tatlong araw?"Shin.

Bumaling sila ng tingin sa akin.

Eh..?

"Oy Nayo?"nakakunot na iyong kilay ni Shin.

"Any problem miss beautiful? Cat got your tongue? Hindi ka na nagsalita eh.."Shugen

Natauhan naman ako.

"Ha? Eh..s-abi kasi ni Shin nananapak ka daw ng sobrang daldal? Saka Nayo ang pangalan ko. Hindi ako beautiful cute lang,hindi din ako valoptous slim lang."nakagat ko iyong labi ko sa hiya sa sinabi ko,hindi ko naman mapigilan na hindi sabihin.

Namilog iyong mata ni Shugen.

"Ulol ka talaga Shin!"

Pagkasabi noon ay mabilis na nakalapit si Shugen sa akin. Nag-init iyong mukha ko noong hinawakan niya ang kamay ko.

"Ang mga magagandang dilag na katulad mo hindi sinasaktan..sinasapak at tinatadyakan~~

Nanlaki iyong mata ko at napaurong hinigit ko nga iyong kamay ko sa pagkakahawak ni Shugen kaso ay ayaw niyang bitawan.

"~~wag po! ~~wag po! hindi na po ako dadaldal! Promise!"

"Hahaha..nakakatuwa ka naman..ang ibig kong sabihin sinasapak ng pagmamahal at tinatadyakan ng kaligayahan~~"

"Eh~~"lumuwag yata yung garter ng panty ko nung halikan niya ang likod ng palad ko sabay kindat.

Kasunod noon ay nagulat ako.

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now