Chapter 2~What a day with a Sorcerrer!

640 28 1
                                    

Mula sa mundo ng apat na mandirigma sa Emperyo ng Libre ay nagpunta ako dito sa mundo ng mga mortal.

Walang nakakaalam na nandito ako kundi si Ken..at ang mangkukulam na si Dilan at Nobu. Pinilit ko si Ken na samahan ako kay Dilan kahit na nasa gitna ng digmaan ang palasyo,salamangkero laban sa mga kanibal. Si Nobu ang nagbukas ng lagusan para sa akin. Ayoko na munang isipin ang tungkol doon ngayon. Ang mahalaga ay wala ako sa Libre ngayon.

Kaya lang pagdating ko dito sa mundo ng mga mortal ay may wirdong babaeng may kulay berde na buhok kaagad ang nakakita sa akin. Hindi lang niya ako basta nakita kundi nakita niya ako na nakalutang. Hindi maaring makita ng mga mortal ang kapangyarihan namin dahil matatakot sila o kaya ay magpapanic. Pero ang babaeng ito ay mukhang tuwang-tuwa pa,mukha tuloy siyang eng-eng.

Naglalakad ako ngayon at sumusunod sa babaeng may buhat na timba ng tubig. One thing i hate is walking at dahil nandito ako sa mundo ng mga mortal ay kailangan kong maglakad,nakakatamad.

"Uy Shin,genie ko lumipad ka ulit! Yey may genie na ako!"

Napapangiwi ako sa kanya. Bukod sa ang weird niya,she is so loud too.

"Hindi sabi ako genie,salamangkero ako."

"Basta ganoon na din iyon,genie kita lumabas ka sa tumbler ko eh! Sa tumbler ka ba nakatira?"

Nawawala ang pagiging cool ko sa babaeng ito,iyong forehead ko naiistress.

"Are you stupid? I am not a genie,i am a sorcerrer at hindi ako sa tumbler nakatira,sa Muryou Empire or more likely Emperyo ng Libre ako nakatira."

Mabuti na lang at marunong na ako ng salitang ingles sa mundo ng mga mortal.

"Nagtatanong lang stupid agad..e kasi naman doon ka lumabas eh.."nanghahaba iyong nguso niya.

Nagpatuloy na kami paglakad nang maisip ko iyong sitwasyon ko.

"Hoy babaeng wirdo slash retard.."

Hindi ko kasi alam ang itatawag sa kanya. Lalong nanghaba iyong nguso niya noong harapin niya ako.

"Nayumi ang pangalan ko..."

Nakataas ang dalawang kilay niya na nagtatanong ang mga mata sa akin hinihintay ang sasabihin ko.

"Wala akong matutuluyan..."

"E di sa tumbler~~este sa Emperyo ng Libre sabi mo..."

"You don't understand..its from a far away land..another world.."

"Wait~~"inilagay niya iyong kamay niya na hugis baril sa baba niya at umaktong nag-iisip habang unti-unting nangungunot ang noo."Ih~~wala pa akong maisip..Paano iyon,hindi ka naman pwede sa bahay lagot ako sigurado baka isipin nag-asawa na ako kaagad! Naku! Erase! Pero kawawa ka naman..sumama ka na muna sa akin habang nag-iisip ako kung saan ka pwede tumira..pero wag kang magpapakita sa step mom at step sis ko ha! Saka iyang suot mo palitan natin,hindi in dito iyang outfit mo.."

Napatingin ako sa suot kong damit. Oo nga pala hindi pwede ang ganitong damit dito. Suot ko pa kasi iyong kimono ko sa aming mundo.

Tumango na lang ako.

"Iyon yung bahay namin. Sa likod tayo dadaan."

Itinuro niya iyong bahay na nakita namin. Mukhang sa likod bahay kami galing dahil walang ibang bahay akong nakita. Siguro paglabas pa sa harap makikita iyong ibang mga bahay katulad ng kina Miyata. Mayroong kaunting kakahuyan sa aming pinanggalingan.

Dahan-dahan niyang binuksan iyong pinto sa likod.Nakasunod naman ako sa kanya habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng pantalon ko. Maingat kaming pumasok.

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now