Chapter 14~Let go

328 16 2
                                    

Si Miyata ay kausap si Hiromi,hindi ko alam kung siya ba ang tunay na Hiromi. Hindi talaga ako makapaniwala na dalawang Emperador Hiromi ang nakita ko.

"Shin ikinalulungkot ko ang nangyari sa inyo ni Nayumi.."

Nagulat ako sa sinabi ni Yumi.

"Alam mo?"

"Oo,nakausap ko si Toru sa isipan ni Maru at sinabi niya lahat sa akin ang tungkol sa pagkakapunta mo sa aming mundo at relasyon nyo ni Nayumi."

May kadaldalan din si Toru bukod sa kayabangan eh.

"Kailangan kong pakasalan si Elisha kung ayaw kong magkagulo ang Libre."bumuntong hininga ako.

Hindi ko pa muna sinabi kay Yumi ang tungkol sa nakita ko. Kailangan siguraduhin at alamin ko muna lahat.

"Kung may magagawa lang ako Shin..ayokong magpakasal ka sa hindi mo mahal.."napakabait talaga ni Yumi sinwerte pa si Miyata sa kabila ng kasungitan niya.

"Yumi mahal ko tayo ng umalis.."bumaling naman sa akin si Miyata."Isasama namin si Tama..babalik kami dito sa araw ng kasal mo.."

"Baka sa araw ng sakal..tss."inis kong sabi nginisihan lang naman ako ng gago.

Umalis na din agad sina Miyata at Yumi.

At ako?

May mahalaga pa akong gagawin kaya mabilis na din akong kumilos. Lumulutang na dumaan ako sa pasilyo ng palasyo,tinatamad ako maglakad at isa pa mas tahimik dahil walang yabag.

Malapit na ako sa silid ko. Nandoon pa kaya ang isang Hiromi?

Nang makita ko na nagbukas ang pintuan ng silid ko. Lumabas si Hiromi. Nagkubli ako sa gilid. Ang lawak ng pagkakangiti niya, mukhang solve much ah.

Napangisi naman ako.

Pasipol-sipol pa ang g*go habang naglalakad. Madadaanan niya itong pinagkukublihan ko. Humanda siya sa akin. Lumiko na siya sa pwesto ko kaya mabilis akong kumilos.

"Sino ka?! Ako ang emperador! Bitiwan mo ako! Ipapadakip kita!"

Hinuli ko kasi siya. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya habang ako ay nasa likudan niya.

"Ikaw nga ba Emperador Hiromi?"nang-uuyam kong sabi.

"Sino ka!? Humanda ka kapag nakawala ako ipapahuli kita sa kawal!"

"Nakita mo na? Kahit boses ko hindi mo kilala. Isa kang impostor. Subukan mo pang pumalag at aalisin ko lahat ng hangin mo sa katawan...at hindi mo dapat pagdudahan iyon dahil ako si Shin ang pinakagwapong nilalang na kumokontrol ng hangin..titiyakin kong wala ka ng ihihinga kapag kumilos ka pa.."malamig ang boses na sabi ko.

Kaya ko talaga iyong gawin. Matagal na sanayan bago ko iyon natutunan. Delikado iyong technique n iyon dahil para na din akong naging kasing lupit ni Liu na kayang kontrolin lahat ng likido sa katawan kabilang na ang dugo,ang kakayahan niya kasi ay kumontrol ng tubig at yelo.

Mukhang natakot ang Hiroming kasama ko ngayon kaya nanahimik. Lalong lumawak ang ngisi ko.

Solve siya kay Elisha..

Pwes,ako..

Solve din ang problema..

******

"UWAAAHH! UWAAHHH!! WALA TALAGANG FOREVER! HUHUHU!"

Walang araw na hindi ako naiyak lalo at mag-isa lang ako simula ng makausap ko si Ate Yumi.

Hindi na babalik si Shin.

Nakabuntis siya at magpapakasal na siya sa iba. Siguro iyon ang rason kung bakit siya nandito sa aming mundo kaya hindi niya magawang sabihin sa akin. Sana sinabi niya sa akin ng mas maaga para hindi ko hinayaan na mahulog ang sarili ko sa kanya.

GO TO HELL AND ROT IN HELL SA NAKAIMBENTO NG FOREVER!

Noong araw na kinausap ako ni ate Yumi ay sinabi niya sa akin na dadalhin niya ako sa Emperyo ng Libre  kung nasaan si Shin,na kailangan ko daw pigilan ang pagpapakasal niya. Pinakiusapan niya ako na sumama sa kanya pero hindi ako sumama. Gustuhin ko man na pigilan ang pagpapakasal ni Shin pero nanaig sa akin ang kabutihan ng kalooban ko kahit na napakasakit noon sa akin. Tumanggi akong sumama kay ate Yumi.

Masakit man pero may pananagutan na si Shin. Ayokong matulad sa akin ang magiging anak niya na walang ama na nakasama sa batang edad. Hindi man niya mahal ang ina ng kanyang anak ay ayokong maging hadlang para maging ama siya sa bata. Si dad ay iniwan si mama dahil hindi naging sapat ang pagmamahal niya dito kumpara sa step mom ko na first love niya. Mas pinili ni dad ang mahal niya kaysa kay mama na nabuntis niya.

Ang sakit-sakit.

Every damn time i thought of him with another woman breaks my heart into million pieces.

I felt alone.

I miss his grin,i miss his laugh, i miss his naughtiness,i miss his sweetness.

I miss my hotsy.

I miss my sorcerrer.

I miss hot Shin.

I love him and now,only the wind will know the misery i am feeling without him by my side..

Nang may mapansin ako na piraso ng papel sa ibabaw ng study table ko..

Iniwas ko doon ang tingin ko. Gusto kong makita si Shin ngayon pero pakiramdam ko hindi ko kaya..

Dahil sa oras na makita ko siya ay hindi ko na kayaning pakawalan pa siya..

I need to move on..

Let go..

*****

Yah! Bear with this very short update! ♡♡♡ Thanks sa nag-votes nitong story na 'to. Thanks sa comments! Sa mga new readers madami pa po akong ibang Muryou stories..yah can check it out. Sa mga followers and readers ng story ko share-share nyo din po pag may time sa mga friends nyo na mahilig sa anime/cartoons,may romance din naman and kulit part iyong mga scenes ko..\^ ~/♡♡♡♡
Yah! Thanks! Kamsahamnida! Gracias! Arrigato! Salamat!

yuki_tin13

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now