Chapter 5~Hormones and Visitors

487 27 1
                                    

"Maganda ba sa Emperyo ng Libre? Madaming sorcerrer doon? Makikita ko ba doon si Tamahome,Hotohori,Tasuki, Chichiri,Nuriko,Amiboshi, Suboshi,Nakago?"

Kasama ko si Shin ngayon dito sa waiting shed sa labas ng restaurant namin. Galing ako sa school at dumaan ako dito. Pauwi na ako ngayon.

"Sino ba iyong mga sinasabi mo? Ang kilala ko lang sa mga sinabi mo ay si Tamahome iyong tatlong taon na anak ng kasamahan ko."

"Hindi bata si Tamahome! Binata na iyon! Ang gwapo nga niya eh! Iyong mga sinabi ko sa'yo mga gwapong character yun sa Fushigi Yuugi."

"Ako lang ang gwapo sa Emperyo ng Libre."

Nag-pogi sign pa siya,inilagay iyong kamay niya na naka-pose na baril sa ilalim ng baba niya tapos ay ngising-ngisi sa akin. Siya na nga!

"Hindi lang naman sorcerrer ang nakatira sa mundo namin,mayroon din doong samurai,ninja at witch."

Namilog ang mata ko. Nakaka-amuse.

"Wow ha? Talaga? Nandoon ba si Naruto iyong ninja na mukhang pusa? Mas bet ko iyong si Sasuke astig suplado kasi,tapos nandoon ba si Kenshin Himura iyong makasaysayang samurai na ang bansag e Batosai? Ay,sa witch wala akong kilala,mga bad iyon pinakain ng may lason na apple si Snow White~~"

Napailing si Shin.

"Nandyan na iyong bus,wag kang iinom ng tubig ha baka mapasma iyang bibig mo."

Napanguso tuloy ako.

"Okay,sasakay na ako. Sabay na kami papasok ni Peter Pan bukas dadaanan niya daw ako sa bahay,pupunta na lang ako sa resto sa hapon paglabas ko ng school."

Nawala ang aliwalas ng mukha ni Shin hindi ko na lang pinansin,pagod tiyak ang salamangkero.

"Bye! See you tomorrow!"

Nang makarating ako sa bahay ay umakyat na ako sa kwarto since kumakain naman na ako lagi sa resto kapag dumadaan ako doon. Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng damit. Gumawa ng homework at pagkatapos ay natulog na.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Nagpunta ako sa kusina sa ibaba. Nagtimpla ako ng kape at kinain ko iyong dala kong pandesal at ham kagabi. Sunod ay naligo na ako. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko sa itaas at doon na ako magbibihis.

"Kamusta mga ibon? Ang ganda ng umaga ano?"kausap ko doon sa mga ibon na nagtutukaan pa sa may bintana ko. Ang alam ko pati ibon kaibigan ni Cinderella kaya kaibigan ko din sila.

Tinanggal ko na ang pagkakatapis ng tuwalya sa akin. Isinuot ko na iyong panty ko na ang design naman ay si Dora. Yumuko ako para isuot naman ang bra ko.

Nang madinig ko ang paghampas ng bintana ko at pagaspas ng pakpak sa paglipad ng mga ibon ay nag-angat ako ng tingin.

"Oh Shin ang aga mo naman yata? Naparito ka? May trabaho ka pa ah."

Nakaawang ang labi ni Shin at bahagya pa siyang napalunok.

"Constipated ka ba o nagtatae?"hindi kasi maipinta ang mukha niya.

"Dora this time?"

Nanlaki iyong mata ko. Na-realize ko na kung bakit ganoon ang hitsura niya.

"AHHHHH! HAAAHH! PERVERT SORCERRER!"due on my impulse reaction ay naibato ko sa kanya iyong bra ko tumama nga sa mukha niya! Anla!

Sabay talikod at takip ko sa dibdib ko.

"Kyaaaa! Iyong bra ko! Tumalikod ka?!"

"Nakatalikod na ako."

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now