Chapter 15~Palos

370 20 1
                                    

Titig na titig ako sa kapirasong papel na hawak ko.

Nanaig ang kagustuhan kong makita si Shin kahit saglit lang,ang maramdaman at mayakap siya kahit na may katapusan..

Kahit ngayong araw na ito lang..

Ngayong araw na ito..

Kumuha ako ng ballpen. Huminga muna ako ng malalim bago ko itinuon ang dulo ng ballpen sa papel na hawak ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko noong simulan kong isulat ang salitang 'Hot Shin',nanginginig pa nga iyong kamay ko.  Kinakabahan at excited ako,iyon ang nararamdaman ko sa kabila ng nalulungkot pa din ako.

Pumikit ako. Pinagdikit ko pa ang palad ko kung saan nakapaloob ang papel at umakto na tila nagdadasal. Nag-concentrate ako sa pag-iisip kay Shin. Parang falls na dumaloy sa isipan ko ang mga memories na kasama ko siya dito sa aming mundo. Nagmulat ako ng mata. Walang Shin sa harapan ko pero hindi ako nawalan ng pag-asa.

"Nandyan ka sa may likod ko ano? Plano mong gulatin ako ano hotsy?"pilit kong pinasigla ang boses ko at pumihit ako sa may likudan ko.

Inikot ko ang paningin ko sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng panlulumo,bumagsak iyong balikat ko.

"H-indi ka dumating...k-ahit ngayong araw na ito lamang.."

Nakatitig lang ako sa papel sa sahig. Dinudurog ang puso ko. Nanlambot ang tuhod ko at napasalampak ako sa sahig..

Nagsimulang mag-una-unahang pumatak ang masaganang luha sa aking mata....

*****

Isasakal ka na..

Isasakal ka na..

Isasakal ka na..

Nagpapanting na talaga ang tenga ko kay Ken at Shugen na kanina pa akong kinakantahan ng lyrics na iyon idagdag pa si Kira na kanina pa din nangangantyaw.

Iyong totoo? Kaibigan ko ba talaga sila?

"Kayo ang sasakalin ko mamaya mga putangina nyo!"

Nagtawanan sila mga gago talaga! Sumeryoso naman bigla ang mukha ni Ken. Hinawakan niya ako sa balikat.

"Nag-aalala din naman kami sa iyo Shin..alam namin na labag sa kalooban mo magpakasal.."Ken.

"Oo nga..alam namin na ayaw mo pa magpakasal.."Shugen.

Gusto ko na..kaso si Nayo ang gusto kong bride. Gusto ko sana sabihin iyon. Concern naman pala sila sa akin. Matino din naman sila kausap pag kinakailangan eh.

"..kasi asawa ka ng lahat..hahaha!"habol ni Shugen.

"..kung kailangan mo ng tulong sa gabi ng honeymoon mo tawagin mo ako pwede akong maging substitute."nakangising dagdag naman ni Ken.

"Mga gago!"

Binabawi ko na iyong sinabi ko na matino sila!

"Pero hindi biro Shin..sabihin mo lang sa amin kung hindi mo talaga kaya tutulungan ka naming harapin si Miyata at ang mga taong anino."seryoso naman si Kira,kahit paano mas mature na si Kira kumpara sa dalawa.

Sumeryoso na din ang dalawang ugok. Problema ko ito kaya hindi na ako humingi ng tulong sa kanila. Akala ko noon ang pagiging pangit lang ang pinoproblema pati din pala pagiging gwapo.

Napatingin naman ako kina Tamahome at Amarah na naglalaro kasama ang anak ni Liu na kambal na babae at lalaki na si Reika at Yohan na dalawang taon na. Nandito na si Miyata at Yumi kasama ang anak nila na si Tamahome,tatlong taon na si Tama ang bilis din ng panahon.

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now