Chapter 10~Saw by his Co-Sorcerrer

398 16 1
                                    

Nangunot ang noo ko nang makita ko si Nayo na nakaupo sa lamesa kaharap ang lalaki na pagdadalhan ko ng pagkain.

Nakangiti si Nayo sa kanya kaya bumangon ang inis sa akin. Sa akin lang dapat ang ngiti niya.

Kailan pa siya pwede maki-table sa customer? Tss.

Teka parang pamilyar iyong bulto nung lalaki? Iyong likod at iyong kulay puting buhok?

"Ih~~ang gwapo mo po talaga kuya,ang swerte po sa inyo ni ate na kamukha noong si Julie na dalagang kinatawan ng Seiryu sa Fushigi Yuugi.."

Napatawa naman ang kausap niya.

Bakit parang pamilyar iyong tunog ng tawa?

Teka ang sabi ni Nayo eh..ANG GWAPO MO TALAGA KUYA?!?!

Lalo ng umusok ang ilong ko polluted na nga dito sa kinatatayuan ko.

T*ng ina!

Hashtag : SI SHIN LANG ANG GWAPO!

Malalaki ang hakbang na palapit ako sa kanila. Sugod kung sugod!

"Nakakatuwa ka talaga Nayumi,hindi ka talaga marunong magsinungaling.."

Eh~~?

Napatigil ako kung kailan malapit na ako sa kanila.

Nanlaki iyong mata ko.

Kaya pala  pamilyar iyong bulto! Kilala ko ang boses ng kausap ni Nayo! Iyong si Toru na kapatid ni Yumi! At iyong sinasabi ni Nayo na kamukha noong kinatawan ng Seiryu ay si Tala iyong short haired girlfriend ni Toru na bestfriend naman ni Yumi! Ang liit talaga ng mundo!

Shet paksyet! Nalintikan na! Hindi ako maaaring makita ni Toru dahil malalaman ni Yumi iyon lalong higit ni Miyata!

Sa halip na dumiretso sa lamesa nila ay pumihit ako pabalik sa kusina.

Pero parang nakatadhana yata na magkita kami..

"Hotsy boyfie Shin!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Tinawag ako ni Nayo! At para pa nga siyang nakalunok ng mega phone!

"Shin?"

Napilitan akong humarap na.

"Shin-ina! Nice to see you here! Hindi kita nakita noong nagpunta ako sa ating mundo noong labanan ng salamangkero at kanibal sa isla Basil?"nakangiti na sabi ni Toru na tumayo na sa kinauupuan niya.

Si Nayo naman ay lumapit sa akin. May pagtataka sa kanyang mukha sa pinag-uusapan namin.

"H-ey..."ngumiti ako sa kanya pero pakiramdam ko ay ngiwi ang kinalabasan.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?"nakangisi na tanong ni Toru sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano at paano ko sasabihin sa kanya ang lahat.

"Oy? Magkakilala kayo?"tanong ni Nayo. Nagkatinginan kami ni Shin.

"Yeah~~"mukha namang na-mental block si Toru siguro ay dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Nayo kung bakit kami magkakilala."Kilala mo din si Shin?"nakabawi din naman si Toru at nagtatakang nagtanong kay Nayo.

"Yah! Boyfriend ko si Shin kuya Toru!"

"WHAT THE F*CK??! BOYFRIEND!?!"

Gulat na gulat si Toru.

"KYAAA! MAG-EX BA KAYO?!"nanlalaki iyong mata ni Nayo habang pinaglilipat-lipat iyong tingin niya sa amin ni Shin. Ang epic ng expression ng mukha niya.

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now