Chapter 4~Nightmare turns into a Dream come True

424 22 1
                                    

Sumapit na ang gabi ng first day ni Shin sa trabaho. Nandoon pa siya sa labas,kasama siya noong mga nagliligpit ng mga upuan at lamesa habang ako ay nandito sa kusina at naglilinis ng mga plato,kaldero at pinaglutuan.

"Good thing your still here weirdo.."Zoraida came in the kitchen.

Kasama niya din ngayon sa kusina si Lucila. Kakadating lang nila pero si Shin agad iyong inatupag nila kanina. Nagsawa na yata silang magpapansin kay Shin and they are back in bullying me.

"Bagay sa iyo iyang apron."nakangisi naman si Lucila.

"Girls,boys..iwan nyo na kay Nayumi iyang lahat ng linisin siya na ang bahala sa lahat..magpahinga na kayo."utos ni Zoraida sa mga waiter at waitresses na kasama ko.

Noong hindi kumilos ang mga ito ay tinaasan sila ng kilay ng dalawa. Naaawang napatingin sa akin ang mga kasama ko. Ngumiti ako sa kanila.

"Sige na kaya ko na ito.."

Ayoko naman kasi na pag nainis ang kambal sa kanila ay i-fired sila. Ang iba pa naman sa kanila ay may asawa at anak ng binubuhay.

Umalis na ang mga kasama ko sa kusina.

"Hindi ka pwedeng umuwi ng hindi malinis lahat dito naiintindihan mo?"nakataas ang kilay ni Zoraida.

"Oo nga,naiintindihan mo?"iniangat ni Lucila iyong lalagyan ng ketchup at mayonaise. Pinasirit sa sahig saka ngumisi sa akin. Umalis na sila pagkatapos.

Hayyzz...mga bruha talaga..

Ang daming kalat nakakalunod tingnan. Tumingin ako sa wall clock,its already eight o'clock. Siguradong aabutin ako ng eleven paglilinis dito. O baka dito na ako matulog kung hindi naman ay tiyak maglalakad na ako pauwi dahil wala na akong masasakyan. Buti na lang at linggo bukas walang pasok.

"Bakit mag-isa ka lang naglilinis?"

Sumulpot si Shin sa kusina. Nakakunot ang noo niya habang iniikot ang tingin sa buong kusina. Napatingin ako sa paa niya na nakaangat sa sahig. Nanlaki iyong mata ko.

"Oy baka may makakita sa'yo!"

Inilang hakbang ko ang pintuan ng kusina at isinara,ini-lock ko pa nga.

"Wala na ang mga kasama ko pinatulog na sila noong kambal na pangit sa quarters namin. Tinatamad ako maglakad. Know what? One thing i hate is walking. Let me handle this trash."

Iniangat ni Shin ang dalawang kamay niya. Sa parehas na hintuturong daliri niya ay may maliit na pressure ng namumuong hangin. Nagpapaikot-ikot iyon sa daliri niya.

"Ano ang gagawin mo?"he just grin.

"My power is air baby..just watch and learn.."he wink at me. God..my undies..

Ibinato niya parehas iyong dalawang hangin na nilikha niya sa direksyon ng basahan at map. Umangat ang map at basahan. The map sweep the soaking floor on its own with Shin's air around it. Hence,the piece of cloth clean the tables and anything it can use.

Hanggang sa nalinis na lahat.

Amazing...

Napangisi ako.

"Hindi ka lang tamad maglakad ano,tamad ka din maglinis."

"Why make it hard when in fact i can make it the easiest way."

"Well,thanks.."my smile were wide."Magpahinga ka na maaga pa bukas..uuwi na ako.."

Pumihit ako para buksan na iyong pintuan.

"Nayo..."

Natigilan ako. Mariin kong naipikit ang mata ko.

"A-nong itinawag mo sa akin?"i open my eyes at hinarap si Shin.

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Where stories live. Discover now