Chapter 13~Shadow Clan in Libre

338 18 1
                                    

"Shin-ina kang malibog ka! Nagpakita ka ding gago ka!"sigaw ni Kira.

"Ulol ka ang alam mo lang magpaputok!"dagdag naman ni Mito.

"Wow lang ha? Nagsalita ang hindi malilibog ha eh parehas nga kayong may pabukol sa mga asawa nyo. Hindi naman kayo excited sa pag uwi ko ano? Ang sweet nyo eh.."sarcastic kong sabi. Namumula ang mukha ng asawa ni Kira,mahiyain kasi iyong si Tamara habang nausok naman ang ilong at tenga ni Rima,dragon kasi ang asawa ni Mito.

Tang ina lang kapit na kapit ang mura kahit yata magsabon ako at magbanlaw ng ilang ulit sa lawa ng kalinisan e kapit pa din,tss.

"Maligayang pagbabalik sa iyo gago kang manyakis ka!"masiglang bati naman ni Zak.

"Isa ka pa,mas manyakis kang gago ka!"ni-pakyuhan ko nga tumawa lang naman,isa ding baliw.

Sina Akeru at Liu katulad pa din ng dati nakangisi lang,ang creepy nga eh. Nandito din sa bulwagan sina Yona at Rima.

Si Ken at Shugen ay gulat na gulat na umuwi na ako,hindi ko kasi sila nasabihan.

"Hindi mo sinabi sa akin kahapon ng umaga na uuwi ka na e di sana isinabay na kita.."mahinang sabi ni Ken sa akin.

"Hahaba lang yung usapan eh may appointment pa ako.."

"Tang ina,showbiz lang?"napangisi na si Ken,hindi ko na siya sinagot.

"Wanted ka dude.."nag-sign pa si Shugen sa akin na ginigilitan ang leeg. Tss.

Nandito si Miyata at seryosong nakatingin sa akin. Si Yumi ay siyang kasama ko pag-uwi dito sa Libre,dumaan kami sa lagusang salamin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid,na-miss ko din dito.

Napabuntunghininga na lang ako. Pakiramdam ko ay lilitisin na ako..

*****

"WHAT THE FUCK ARE YOU SAYING?!?! I WON'T MARRY HER OVER MY DEAD HOT BODY!"

Ang mga bwisita namin ay nakanganga ngayon sa harapan ko. Shit,sa stress ko napa-english na ako. Hindi nga pala maiintindihan ng mga gunggong na ito ang salita ng mga mortal. Iyong mga kasamahan ko naman na mandirigma ay napaangat ang kilay,bakit ba eh ako naman ang bida dito kaya wag silang mag-aangas sa akin. Nasuklay ko ng daliri iyong buhok ko. Umubo ako bago ulit nag-react.

"PUT*NG INA ALAM KONG PATAY NA PATAY SA KAGWAPUHAN KO ANG BABAENG IYAN PERO HINDING-HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA KANYA!"

"KAPAL MO GAGO!"sabay na apela ni Shugen at Ken. Aba at hindi pa nila nagawang tiising tanggapin ang katotohanan.

"Parang kapatid man kita pre pero tangna pagdating sa kagwapuhan tabla-tabla!"banat ni Ken sa akin.

"Takte! Kung batayan ng kagwapuhan ang pinag-uusapan ipaglalaban ko ang walang ubos kong kapogian!"wika naman ni Shugen.

"Hoy baka magkalimutan nandito pa ako! Mahiya nga yang makukunat at makakapal nyong balat sa gandang lalaki ko!"hirit naman ni Kira.

"Magsitigil nga kayo sa pagpapantasya nyo. Mga ambisyoso. Upakan ko pa kayo. Umpisa pa lang ng istoryang ito ako na ang batayan ng kagwapuhan. Seryoso ang pagpupulong na ito kaya umayos kayo kung ayaw nyong maumbag."seryosong wika ni Pinunong Miyata.

Weh? Nagyabang din ba si Miyata? At siya simula talaga ng simulan ang istoryang ito ay napaka-KJ na.

Nandito ngayon ang mga angkan ng taong anino na namumuno sa lahi nila. At nandito din ang isa sa anak nilang prinsesa na gustong gusto akong pikutin,nalaman ko na patay na patay pala sa akin ang babaeng anino na ito na nagngangalan na Elisha. Hindi na siya iyong balyena na nakita namin sa bolang kristal,sumanib lamang pala siya sa isa sa mga tagasilbi para hindi din maramdaman ang kanyang presensya dito sa loob ng palasyo,pumuslit lang kasi siya dito kahit bawal naman silang pumasok para makita lang ako. Ang kakayahan nila ay manlinlang at sumanib sa ibang katawan. Kaya din nilang kopyahin ang mukha ng isang nilalang pero hindi ang kapangyarihan hindi kagaya ng nagagawa ni Dilan na pati kakayahan ay kayang kopyahin. Paano malalaman kung taong anino sila? May marka silang pula sa kanilang katawan.

Muryou:Mischievious Warrior[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon