©4 - The Mansion

6 1 1
                                    

Mansion nila Jaz sa taas.Laki noh?hehehe
___________________________________________

Justine's POV

  Nandito kami ngayon sa Mansion namin,jamming ulit.Dito lang naman madalas ang barkada,jamming sa kantahan at kwentuhan sa mga sports na hilig namin.Madalas wala si daddy at mommy dito sa Mansion,business as usual,si lolo at mga maids lang kasama ko dito.

"Mga anak tama muna yan,kain muna tau ng dinner" si yaya yan.
   

  Anak na talaga ang tawag nia saming lahat,dahil para narin daw nia kaming mga anak.Dahil Simula pa mga bata kami magkakasama na kami,at madalas din ang barkada sa mansion namin sa Austria nun,dahil simula elementary hanggang highschool kami nuon,iisang school lang kami nag aaral.Sa St. Gilgen International School, kabilang siya sa top 13 most expensive school sa buong mundo,a international coeducational boarding and day school.Kaya kahit di man kami makinig sa lectures ng mga prof. namin ngaun,eh nasa 1 plus parin naman lahat ng subject namin,dahil narin sa matatalino kami..hahaha.

"Opo yaya,nanjan na po" oh di ba ang bait ng mga unggoy kala mo walang gagawing kalokohan sa buhay.

Gaya ko mahal na mahal rin nila si yaya Maria.Tinuturing na namin siyang 2nd mom namin,kasi ramdam namin ang pagmamahal nia saming Lima lalo na ko,kaya isa rin yun sa dahilan kaya madalas ang barkada dito para makasama si yaya.

    Pinagpapasalamat ko nalang  ke mommy at daddy na pinasama sakin si yaya dito sa pinas.Kahit papano hindi ako nalulungkot kahit wala sila mom and dad.

"Oh kain lang kayo ng kain ha"sabi ni yaya.

"Uo naman yaya,kahit di mo sabihin kakain kami ng marami.The best kasi ng luto mo yaya"sabi ni Jayson.

Tama kayo ng basa.Si yaya mismo ang nagluluto dito sa mansion,depende nalang kung may okasyon.

"kaw talagang bata ka nambola ka pa" tumatawang sabi ni yaya.

"hindi kaya yaya,promise"Sabay taas ng kamay ni Jayson yung parang nanunumpa,basta ganon..

Tsk!kahit kaylan may pagkachildish talaga si jayson.Kami naman tahimik lang kumakain,masarap naman talaga luto ni yaya,the best.

"Uo na sige na kumain ka na"sabi ni yaya na nakangiti.

"Kain ka nrin ya,"sabi ko kasi nakatayo lang siya dun at tinitingnan niya lang kami habang nakangiti.

"Maya nalang anak,papanoorin ko pa si Kardo,iwan ko muna kayo Jan,magsisimula na eh."sabi niya at lumabas na ng dining area.

Gets niyo ba kung ano yung papanuoorin ni yaya?

Well sa mga hindi po nakakaalam jan,don't worry,sasabihin ko sa inyo.

Tuwing gabi sinusubay bayan nya yun.Ang probinsyano ni Coco Martin (oh alam niyo na?hehehe) minsan kasi sinasamahan ko si yaya manuod nun.E1 ko ba ang hilig niya dun.

After namin kumain balik ulit kami sa pagkanta.May isang room kasi dito sa mansion na kumpleto ang musical instruments. Pinasadyang ipagawa ni daddy yun bago ako bumalik dito sa pinas.Dahil kahit nung nasa Canada pa kami,tumutugtog na kami,at meron din ganung room sa Mansion namin sa Canada.

After an hour

"Jaz uwi na ako,kita na lang tau sa school bukas" sabi ni taeyang sabay kuha ng bag nia sa couch sa loob ng music room namin.

"Sabay na ako"sabi rin ni jayson,tumayo narin siya at kinuha narin ang bag nia.

"ako din"si minhyuk na kakalabas lang ng cr.,kinuha narin niya ang gamit nia.

"ikaw?"tanong ko ke mark dahil ang sarap pa ng pagkakaupo niya sa isang couch..

"Ok"Sabay tayo narin at nanguna pang lumabas sa kwarto.

Bumaba na kami at nakita namin si yaya na sa may living area na nanood parin ng drama.

"Oh alis na ba kayo mga anak? Sabay tingin nia samin.

"Uo ya,gumagabi narin po"si taeyang.

Tumayo na si yaya at kasama ko siyang naghatid sa mga unggoy sa may pinto.

"Mag ingat kayo sa pag uwi ha"sabi ni yaya at inisa isa niyang bineso ang mga unggoy..

(A/n: grabe makapag sabing unggoy..ang gagwapo namang unggoy yan!!!)

hehehe...wag ka maingay author,hindi nila alam yun ang tawag ko sa kanila.

(A/n: ang bad mo talaga ..tsk tsk tsk!!!)

,,hindi ah..hehe

"Cge Jaz,,bye yaya" sabay sabay nilang sabi at sumakay na sila sa mga kotse nila.

Pumasok na kami ni yaya sa loob at ako diretso sa room ko..Diretso ako sa closet ko at kumuha ng pangtulog at diretso sa banyo para maligo.

After 1233456667 years natapos narin ako sa pag ligo.

Sa twing ng iisa ako,di ko mapigilan isipin ang isang taong naging bahagi ng buhay ko sa nakaraan..

Kumusta na kaya siya?

Ano  na kaya itsura niya ngayon?

Kilala pa kaya niya ako?

Magkikita pa kaya kami?

Yan lang naman ang laging tanong ko sa isip ko.Dahil ang totoo niyan namimiss ko na siya.Gustong gusto ko na siyang makita.

Curios ba kayo?????












Oh well,siya lang naman ang batang babaeng minahal ko at pinangakuhan ko ng kasal nung mga bata pa kami.Its been a decade since nung araw na yun.

Kumusta ka na???

I miss you so much.....






















Nic.

____________________________________________

Sino kaya si Nic?

Alamin....

Is fate really exist?Where stories live. Discover now