©24 - yes

10 1 0
                                    

Steph's POV

Lumipas ang isang linggo na hindi parin namin nasasagawa yung plano namin ni kris,hindi sumasang ayon ang panahon.Dahil this past few days,laging naulan....

Eto na,sasabihin ko na,hindi naman ako makapag sekreto sa inyo eh.....ganito kasi yun.Ayun Kay Kris....mas magandang sagutin si Justine kung saan nangyari yung mga memories namin na magkasama kaya eto.

1st plan: sunrise trip ulit,kaso dahil laging naulan,hindi kami matuloy tuloy.Kaya ang nangyari,failed!!!!,

2nd plan: Going to amusement park,ok na sana eh dahil may indoor naman ang kaso failed ulit dahil sa may bagyo....hindi kami pinayagan mamasyal,Baka daw mastranded pa kami sa daan dahil sa baha.Kaya wala ulit....

3rd plan: Park,gaya ng reason ng na unang dalawang plano,failed ulit....dahil ulit sa ulan....pesteng ulan,hindi nakisama.

4th plan: ahmmmm.....wala pa kaming idea ni Kris dahil puro epic lahat,pinagpaliban nalang muna namin....

Nandito kami ngayon sa academy,buti nalang natapos narin yung bagyo nung nakaraang araw.Dahil dun hindi na kami nakakalabas after ng klase namin sa hapon kaya nag aya ang mga TRB na mag mall daw kami mamaya....kaya naman excited kaming lumabas ulit kasama ang barkada.

Si Justine ba???? ayun,sweet parin...flowers everyday parin....morning and night greetings sa phone....paggising at bago matulog siya ang katext o kausap ko sa phone....para na talaga kaming mag shota. Sabi ni Kris M.U. daw kami...


"let's go"yaya ng mga TRB samin ni Kris after class. Linapitan naman ako ni Justine at kinuha niya yung bag na bitbit ko.


"Tara na "sabi niya at tumayo narin ako at sumunod na sa iba na nanguna ng lumabas.


"anong gagawin natin sa mall"tanong ko habang papunta kaming parking.


"kahit ano,kakain,shopping,arcade o manood ng sine."sabi nia...


"ah ok"


Nakarating narin kami ng parking lot....wala akong kotse dahil Simula nung sinabi niyang liligawan ako ni Justine,nagkaroon ako ng instant driver, dahil hatid sundo niya ako sa Mansion.Na mas favor sakin,bukod sa tipid sa gas eh hindi pa ako pagod sa pagdrive kahit 5 minutes away lang yung samin mula dito sa academy.



Alam narin ni Ashley na nanliligaw siya sakin,sinabi ng mga unggoy.....kaya ayun,hahaha......tawa nga siya ng tawa nung kinuwento ko sa kanya yung akala kong may something sila.......



After ng ilang minuto nakarating na kami ng mall na pag mamay ari nila Kris kaya naman pagpasok palang namin sa mall eh todo bati na ang mga  employees dun dahil kasama namin si Kris.



Unang ginawa namin,nag shopping kami....todo reklamo na nga yung mga boys dahil ang tagal daw naming mamili ng mga damit.Kaya naman,kahit gusto pa namin magtitingin tingin sa mga boutique na naroon,ay hindi na namin ginawa baka mamaya,mang iwan nalang sila basta.



Pangalawa.....nag arcade kami...parang mga bata lang eh noh..... Inubos namin yung token na binili ni Jayson kanina..



Pangatlo,nanood kami ng sine....anong pinanood namin?kahit ano lang,kung anong showing. Si bryle naman ang taya ng ticket sa sinehan tas si Minhyuk naman ang bahala sa popcorn at mga inumin....



Pang apat,dahil sa nagutom kami,ayun pumasok kami sa isang Korean restaurant na siyang paborito naming lahat.Ang taya?????si Mark at Justine lang naman,dahil sila daw ang wala pang share ayun sa iba.Kami ni Kris,eto makakapal ang mukhang nakikikain lang...hahaha....



Is fate really exist?Where stories live. Discover now