©15 -sunrise trip

1 1 1
                                    

Steph's POV

Nagising ako sa kumakatok sa may pintuan ng kwarto ko.Anong oras na ba????kinapa ko yung alarm clock kong nasa may table ng lamp shade ko.

0_0 ganyan lang naman ang expression ko pagkakita ko sa orasan.

"past 12 na????"shock kung sabi,grabe lang.......

,umaga na rin kasi nung nakatulog ako,kakaisip tungkol sa invitation ni Ashley,tapos hindi ko pa alam ang nararamdaman ko tungkol sa nangyari kahapon sa Mall.....hindi dahil sa incident kila manang at yung sales lady.Dahil nagkaganito lang naman ako nung pagkatapos ng incident,nung masulyapan ko si Justine kasama si Ash sa isang tabi at nakatingin sakin.From that moment, hindi ko na maexplain kung anong nangyayari sakin.

"Nicole....?"sabi nung nasa pintuan ko na patuloy pa ring kumakatok.

"Nanjan na po"sabi ko at alam kung si yaya yun.Bumangon narin ako at dumeretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kung mag ayos,bumaba narin ako dahil alam kung nag aalala na sakin si yaya dahil 1st time ko kayang magising ng ganitong oras.Naalala ko na naman yung invitation ni Ash,di ko tuloy alam if pupunta ako o hindi.Hay naku bahala na nga,nagugutom na ako.

Nakita ko si unnie at yaya sa may living room,nanonood ng TV.Lumapit naman ako sa kanila.



"ano bang nangyari sayong bata ka at ngayon ka lang nagising?"sabi ni yaya pag lapit ko.Nginitian naman ako ni unnie.

"napasarap lang tulog ko yaya,tsaka wala naman pong pasok ngayon"sabi ko at humalik na sa pisngi nito pati narin Kay unnie.

"oh siya,halika kana at ipaghahanda na kita ng kakainin mo,at alam kung gutom ka na,dahil hindi ka nakapag breakfast kaninang umaga."sabi nito at tumayo na siya at nag lakad papuntang kitchen.

"unnie,kain tau"yaya ko Kay unnie bago ako sumunod Kay yaya.

"tapos na kami,sige na kumain ka na dun.."sabi nito at nagpaalam na nga ako.

Sinamahan ako ni yaya habang kumakain...siya narin ang nag urong ng pinagkainan ko.Ang bait talaga ng yaya ko noh?Pumunta akong living room at nandun parin si unnie at nandun narin si bryle.

"oh ngapala nicole,may pupuntahan tayo mayang gabi"sabi ni bryle habang paupo ako sa tabi ni unnie.

"saan punta niyo?"tanong ni unnie.

"nagyaya kasi si Ash papuntang Batangas...you know unnie,the trip "sabi nito

"oh.... tagal niyo ng di ginagawa yun ah,ngapala kumusta naman si Ashley?"tanong ni unnie,so kilala nia si Ashley?

"ayun panget parin..."sabi nito na nagpalaki ng mata ko,bastos talaga oh...panget pa yun sa paningin niya???eh ang ganda kaya ni Ashley....tsktsk!!!


"hahahaha....kaw talaga,pag narinig ka nun,I'm sure bugbog ang abot mo"sabi ni unnie...

"hahaha...uo nga,basta nicole mayang gabi ha,nasabihan mu na ba si Kris?"tanong nito sakin.

"uo nakausap ko na kagabi....hindi ko pa alam if pinayagan siya."sabi ko dahil  totoo naman,pero if kasama ako,I'm sure papayagan siya nila Tito at tita.


•6pm•


Saktong may pumaradang  van sa gate namin,sakay nito ang TRB at si Ashley,nandito narin pala si Kris..sabi ko naman sainyo papayagan siya basta kasama ako.

So ayun nga,papunta kami ngayun sa Batangas...sa daan na daw kami kakain ng dinner.

"anong bang gagawin natin sa Batangas?swimming???"di ko natiis na tanong sa kanila habang nasa daan kami.

Is fate really exist?Where stories live. Discover now