©20 - confession

2 1 0
                                    

Stephanie's POV

Pagsapit ng gabi,nag movie marathon kami sa may sala,at may kaharap kaming wine na dala pa pala ni Minhyuk,na kinuha daw niya sa store nila sa manila.....ang dami nga eh,iba't ibang klase....siya na!

Nakakailang movie narin kami at mejo tipsy narin kami dahil sa ilang bote na ng wine ang nainom namin...past 1am na nung nagkayayaang matulog na.

"good night sa inyo"Kris sa mga boys bago kami umakyat sa kwarto namin.

"goodnight sissy"Kris at humiga na siya sa kama.

"goodnight din sissy"sabi ko na tumabi na sa kanya.

Mag iisang oras na akong nakahiga pero hindi pa ako dalawin ng antok,samantalang yung katabi ko,nasa dreamland na.Nagbilang narin ako ng sheep sa isip ko pero wala parin,hindi siya effective tonight.Kaysa sa magising ko si kris sa pagbiling biling ko sa kama ,bumangon na ako para maglakad lakad sa labas baka sakaling dalawin ako ni antok.

Lumabas na ako at nagsuot ng shawl dahil malamig sa labas.Nag iingat ako na di makalikha nang ingay baka magising ko sila.And successful,nakalabas ako na walang nagigising kahit isa.Naglalakad lakad ako nung may makita akong tao na nakaupo sa may bench malapit sa may puno ng mangga.Buti nalang at mejo maliwanag sa kinaroroonan niya dahil narin sa mga ilaw sa paligid kaya nakilala ko siya,kaya nilapitan ko na.


"hindi karin ba makatulog?"sabi ko na kinagulat niya.

"Shit,you startled me"sabi nito sakin na kinatawa ko at umupo na ko sa tabi niya.

"sorry,"apologetic na sabi ko.

"what are you doing here?"tanong niya.

"can't sleep"sabi ko na nakatingin sa kanya.

"me too"sabi nito.

"ang daming stars noh?"sabi ko na nakatingala,tumingala din siya at ilang sandali lang narinig ko ang tawa niya na kinagulat ko.

"anong nakakatawa?"

"nothing, it just that may naalala lang."siya.

"baka gusto mong I share?"sabi ko

"ganyan din kasi yung sinabi mo nung hinalikan mo ko"sabi nito na nagpalaki ng mata ko.Gets niyo na kung sino siya???oo siya nga,ang nag iisang Justine Adrian Kim,siya lang naman ang nahalikan ko di ba???meron pa ba akong nahalikan ng hindi ko alam?

"ipaalala ba,tsk!!!! and FYI lang mister,accident yung nangyari noh,"sabi ko at alam kong nagbablush ako ngayon dahil sa init ng pisngi ko,buti nalang at gabi kung hindi,nakakahiya talaga.

"hahaha.....kaw naman hindi na mabiro"sabi nito.

"remember the time when we were hurting passionately each other before?"sabi ko na kinangiti ko dahil sa mga alaalang dumaloy sa isip ko,nung time na may war pa kami.

"Yap,hahahaha......but look at what we are right now?"sabi nito na nakangiti.

"Oo nga eh,ang laki na ng nagbago satin,nang dahil sa 1st encounter natin sa mall naging enemy #1 kita at ngayon,friends na tayo."sabi ko na nakangiti.

"yah right!!...ngayon natatawa nalang ako sa mga bangayan at away natin this past few years."Justine.

"kung iisipin mo nga naman kasi,Parang imposibleng mangyari na maging magkaybigan tayo."sabi ko.

"but I want more than that"sabi nito na kinakunot ng noo ko....anong ibig niyang sabihin dun?

"ha?anong sabi mo?"tnong ko ulit baka na misheard ko lang.

"sabi ko I want more than what we have right now"

"what do you mean"ang lakas ng tibok ng puso ko,tumigil ka heart baka marinig ka ng katabi ko.Tama ba pang unawa ko sa sinabi niya?

"I don't want to worry about you secretly anymore"Justine,

shocks......eto na ba yun???hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.

"and I'm tired of secretly paying attention to you"justine na nakatingin sakin.

shet!!!!!ano daw?oh may god heart....huminahon ka muna...


"And above all I'm tired of beating around the bush"justine


ako,eto nganga,speechless.......may gusto rin siya sakin????shocks......

"understand what I'm trying to say,already!"justine.

peste ka Justine,wala ka man lang babala,hinay hinay lang ha heart...wala pa eh,masyado ka namann excited Jan.

"Stephanie Nicole Lee I like you,no I think I love you already"Justine na nakatingin parin sakin....eye to eye kami.

,hoy Nicole nananaginip ka lang di ba....peste ka heart,makacardiac arrest pa ata ako,hinay hinay lang pwede....feeling ko tumakbo ako ng ilang kilometro dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"wala ka man lang bang sa sabihin"Justine

,nakatingin lang ako sa kanya,unexpected eh,Malay ko bang may confession palang magaganap ngayon,di ako ready......anong bang dapat gawin sa situation na to??????Oh my God,help me....gusto ng lumabas ni heart sa dibdib ko.


"nabigla ba kita?"Justine at tumango nalang ako,speechless parin ako,asan na ba yung dila ko at boses ko at hindi man lang nakisama....

"sorry....hindi ko napigilan eh"Justine na napakamot pa sa ulo.

"I....I don't know what to say"yun nalang ang nasabi ko na kinangiti niya.

"its ok,you don't have to answer me right now"justine

"I'm just letting you know how I feel and its not that I don't know how you feel"Justine na lalong kinabigla ko,ano bang nakain niya kanina at San siya kumukuha ng tapang sa mga pinagsasabi niya ngayon?

"remember nung accidentally kiss natin?"sabi niya,haistttt......yun na naman?Bumalik na naman kami sa topic na yun.

"sinabi mo sakin nun kung ano ang nararamdaman mo sakin,and at that time natutuwa ako dahil parehas tayo ng nararamdaman,kaya yun yung pinanghahawakan ko ngayon ng lakas ng loob para mag confess sayo"sabi niya,ano nga ba sinabi ko nun???

*Flashback

"alam mo ba ha....na kapag ang lapit lapit mo sakin ha...."

"pag malapit ka sakin ha......sabi ng heart ko.....dug dug dug dug dug ganun!!!"

*end of flashback*

Shet!!!!!!oo nga pala,haistttt!!!!kakahiya ka Nicole....at bigla na lang siyang tumayo.

"Tara na,pasok na tayo,past 3 na,lumalamig na at kaylangan na rin natin matulog"sabi nito at tumayo narin ako at sabay na kaming pumasok sa bahay.Hinatid niya rin ako sa labas ng kwarto namin ni Kris.

"goodnight ay este good morning na pala....."sabi nito na kinangiti ko.

"Mornight"sabi ko at papasok na sana ako sa  loob ng kwarto namin ni Kris nung tinawag ulit ako ni Justine.

"steph"sabi nito at lumapit sakin at hinalikan ako sa labi,nabigla ako dun.Smack lang naman siya.Magsasalita na sana ako,nung tumalikod na siya at pumasok sa kwartong malapit sa kwarto namin.Bastos ah,hindi naman lang ako pinagsalita pagkatapos niya kong nakawan ng halik.Kaya pumasok nalang ako sa loob ng room namin.

Humiga na ko sa kama at hanggang ngayon damang dama ko parin ang labi niya sa labi ko.Yung 2nd kiss ko nakuha rin niya.Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.Yung heart ko ayun na stroke na ata sa kilig.....Nakatulog ako na may ngiti sa aking labi.

____________________________________________

A/n:

Kinilig ba kayo?????

Is fate really exist?Where stories live. Discover now