©16 - skateboard

5 1 4
                                    

si steph na nag skateboard yung nasa pic.

____________________________________________

Steph's POV

Simula nung so called na "SUNRISE TRIP" na yun ang naging dahilan ng madalas na paglabas at pagsama namin sa mga TRB at kay Ashley.

Ang nakakatuwa pinayagan si Ashley na mag sit in sa mga klase namin dahil boring daw pag nasa Mansion lang siya nila Justine.At hanggang ngayon hindi ko parin alam if anong meron sa kanila ni Justine kung bakit ganun siya kalakas kay Mr.President. At nakakahiya naman na tanungin di ba?baka masabihan pa akong tsismosa o pakialamera di ba????

Pati sa school kasi hindi naiwasan ng mga tsismosa na pag usapan ang tungkol kila Justine at Ashley, dahil sa araw araw ay sabay sila laging dumarating sa school.....at lagi silang magkasama.At nakikita ng lahat kung gaano sila ka comfortable sa isa't isa.

Lalong nagkaron ng ingay ang pangalan nila nung nalaman nilang sa Mansion ng mga Kim umuuwi si Ashley.Kaya kahit sino nagtataka at curious kung ano nga ba ang meron sa kanila.Wala namang naglakas loob na magtanong sa mga TRB......at kahit may mga ganung isyu wala namang pakialam ang TRB lalong lalo na yung dalawang sangkot.Kaya pati kami ni Kris kating kati na kaming magtanong kaso nauunahan kami lagi ng hiya...

Anyway highway,kada matapos ang klase namin.....pumupunta kami kung saan saan gaya ng mall para magshopping,mag arcade o manood ng sine,sa park para maglaro ng skateboard o mag picnic,at pati amusement park pinuntahan narin namin...at pati ang halos lahat ng restaurant na nakapalibot malapit sa school ay sinubukan narin namin.

Sa pagsama sama namin ni Kris sa kanila,napagtanto namin na mas masaya pala ang may adventure sa buhay kaysa sa plain lang na yun at yun lang ang ginagawa mo araw araw.

Kaya masasabi kong worth it at hindi ko pagsisisihang naging friends na namin sila.Unti unti narin kaming nasasanay ni Kris na kasama sila lagi,parang may kulang na samin pag wala sila,na dati naman gustong gusto namin pag wala sila dahil tahimik ang mundo namin lalong lalo na ako.

Kaya naman excited kami lagi twing tapos na ang buong araw na klase namin dahil ibig sabihin nun,gagala ulit kami.Yeheyyy!!!!!parangg bata lang eh noh???eh sa masaya ako eh!!!!

Gaya ngayon,nakapagsunduan na pupunta kami ulit ng park para mag skateboard. Actually hindi kami marunong nung una,pero tinuruan nila kami.Nakakamangha nga kasi lahat sila marunong eh,samantalang kami ni Kris,1st time namin gawin yun.Nung una mahirap,pero dahil determinado kaming matuto,so ayun nagawa namin.Nakakatuwa di ba???,ang bilis naming matuto...

"let's go na sa park"Ashley na super hyper,well lagi naman.Ang cute cute nia tuloy.Lagi kaming may baon na extra damit pangpalit para ready na lagi sa galaan.

"tara na..."sabi naming lahat at nagkanya kanya na kaming sakay sa kotse namin.At yes,ginagamit ko na ang kotse ko ganun din si Kris.Nakakahiya kasing magpasundo Kay Manong Jay pag ganitong galaan ang punta namin,at hindi ko narin aabalahin pa si bryle para magkasabay kaming umuwi kasi minsan after ng gala namin,may gala for the boys only kaya naman,ayun sa wakas sinipag akong magdrive.....nakakamiss din pala ang magdrive.

Ang gara nga eh,pag ganitong may pupuntahan kami  magkakasunod na naggagandahang kotse ang nasa daan kaya yung mga nakakakita minsan matitigilan pa sa mga ginagawa nila para lang tingnan ang mga kotse namin pati na rin sa pag nag pa papark  kami,ang lakas makaganda lang ang peg....hahaha....parang celebrity lang ang dating namin.Kaya minsan nakaka conscious dahil sa tinginan ng mga tao.

Nakarating na kmi dito sa park at gaya ng dati,sunod  sunod ang kotse namin na nag park at ayun nakakuha na naman kami ng attention sa mga taong nasa park.

Is fate really exist?Where stories live. Discover now