©17 - kiss

5 1 1
                                    

Justine's POV

Dahil malapit na ang alis ni Ash,hindi na siya nakikisit in sa klase namin.Busy siya sa pag aayos ng mga gagamitin at kakainin namin sa despedida niya,na kami kami lang naman.Siya mismo ang mga nag grocery ng mga kakailanganin.Pinapasama nalang namin yung dalawang maids sa bahay para may makasama siya,gustuhin ko man lumiban sa klase para tulungan siya,ay hindi pwede dahil malalagot kami pareho Kay lolo,strikto si loko pagdating sa pag aaral.

Nagbago ang plano,imbes na sabay sabay kami papuntang subic,nag pauna na si Ashley dun para daw makapag set siya ng mga gamit at kung ano pa ang mga kakaylanganin....

Pinasama ni lolo yung dalawang maids namin na kasakasama niya sa pag gogrocery at isang driver.Susunod naman kami mamayang gabi.Ang bilis nga eh,kaylan lang nung nagplano kami tas ngayon..eto na ang araw at bukas ng gabi na ang alis ni Ash.

Mamimiss ko na naman siya for sure,para ko narin kasi siyang kapatid,at ganun din siya sakin....kaya minsan di namin maiwasan maging over protective kami sa isa't isa.Nag iisa lang din kasi siyang anak nila Tito at tita.At masaya ako at hindi kami distant sa isa't isa,super close nga namin eh,kaya maraming nagkakamali samin.

Kaya pag may nanliligaw sa kanya,ay dumadaan muna sila sakin...I mean saming mga TRB,gaya ko,tinuring narin nilang parang kapatid si Ash,princess of TRB nga ang tawag sa kanya before....which is true. May pagkamaldita man siya samin o sa ibang tao,pero napakasweet at caring naman niya lagi samin at sa pamilya namin.Spoiled nga yun samin eh,lahat ng gusto nakukuha pero alam naman niya yung tama at hindi.

After ng ilang oras,tapos na lahat ng klase namin....happy weekend sa lahat....nagkanya kanya na kaming umuwi para magprepare narin sa mga dadalhin namin.

Nandito na ako sa Mansion.Dito mismo sa room ko,kumuha ako ng backpack bag ko para paglagyan ng damit na dadalhin ko,mahirap na baka maisipan nilang mag swimming, mas maganda na yung ready lagi.Pagkatapos ko,naligo na ko at balak kong umidlip kahit isang oras lang dahil alam kong puyatan na naman ang mangyayari mamaya.

After an hour nagising ako at bumaba na para magmerienda dahil nagugutom na ko.Pagpasok ko sa kitchen,nandun na pala ang mga unggoy at kumakain ng cake na binibake ni yaya kaninang pagdating ko.

"ayos ah,inunahan niyo pa ko"kako habang kumukuha ng platito at tinidor.Dito narin kami sa kitchen kakain,dito na sila kumakain eh alangan lumipat pa.

"tulog ka eh sabi ni yaya"Jayson

"umidlip lang ako dahil mapupuyat na naman tayo mamaya"sabi ko na lang habang nilalagyan ko ng cake ang platito ko.

"bakit ang aga niyo ata?"tanong ko.

"para makakain ng merienda bago tayo lumarga"Minhyuk

"ok,eh si Mark at Kris,asan na?"tanong ko ulit

"ngtxt ako ke Mark kanina,susunduin palang daw niya si Kris sa kanila"Jayson na tapos ng kumain.

"ok,pagdating nila,alis na tayo para hindi tayo masiyadong gabihin."sabi ko.

"ok"yung dalawang unggoy na tapos ng kumain.

After ng ilang minuto,dumating na nga si Mark at Kris kaya umalis na kami para sunduin naman si bryle at Steph.Pagkasundo namin sa kanila...deretso na kami papuntang subic.Kanina pa nga tumatawag si Ashley kung asan na raw kami.Kulit lang nung babaeng yun.

After 1234568899900 hours nakarating din kami sa destination namin.Buong byahe si Jayson ang nagdrive,walang gustong magdrive eh.Mga tamad lang.

Umupa kami ng isang buong bahay na malapit sa beach.... At ang ganda ng pagkakaayos ni Ashley,may videoke na nakaset at meron ding iba't ibang ilaw na naka set parang disco bar lang ganun...tas maraming foods at mga wine at meron ding hard drinks.Ang ganda ng pagkaka ayos nung bahay.Thumbs up for Ashley,you did a great job.....

Is fate really exist?Where stories live. Discover now