©12 - Ashley

9 1 0
                                    

Justine's POV

Natapos ang weekdays na hindi ko namamalayan...dahil sa sobrang busy namin sa research project namin...natapos narin namin yun kahapon dito sa Mansion.

Buti naman kahit papano naging maganda na ang samahan namin ngayon ni steph,aminin ko man o hindi sa sarili ko,natutuwa talaga ako kung anong meron samin ngayon.Wala ng away,wala ng bangayan...ngayon nagagawa na naming kausapin ang isa't isa na hindi nagtataasan ng boses o galit sa isa't isa.Nakakapanibago man,pero ang sarap sa pakiramdam.


Bumangon na ko sa kama ko at naligo na...nagugutom narin ako,anong petsa na pero di pa ako nagbebreakfast. Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ko para kumain.

Malapit na ko sa dining area nung may marinig akong nag uusap.Nagtatawanan silang lahat.May bisita ba kami??Alam kong si lolo yung isa plus si yaya pero kanino yung isang boses ng babae. 

Pagpasok ko nakita ko lang naman siya na nakikipagtawanan ke lolo at yaya.
Kailan pa siya dumating???Nang bigla naman siyang tumingin sakin at nakita niya ako kaya bigla na lang niya ako sinugod ng yakap na tuwang tuwa.

Well namiss ko rin naman siya,ilang taon narin na di kami nagkita.Pero anong ginagawa nia dito???

"kailan ka pa dumating?"tanong ko sa kanya.

"hahaha....kanina lang,ayaw naman kitang gisingin dahil alam kung ayaw na ayaw mung ginigising"sabi nito at bumitaw na kami sa yakap naming dalawa.

"lalo tayong gumaganda ah"biro ko sa kanya na ikinatawa naman niya.

"I know ryt"sabi nito sabay flip nito sa hair niya....tsk tsk mga babae talaga oh.

"pero anyway,I miss you jaz,did you miss me too?"tanong nito sabay angkla niya sakin.

"nope"biro ko na kinasimangot naman niya...hahaha...sarap talagang biruin 2ng babaeng 2..

"naniwala ka naman"sabi ko sabay pisil ko ng isang pisngi niya na lalong kinasimangot niya.

"Oh halina kayo dito,maya na kayo magkamustahan Jan"tawag samin ni lolo.Kaya naman naglakad na kami at katabi ko nga siya sa upuan.

"bat ka nga pala nandito"tanong ko pag kakuha ko ng foods.

"bakit ayaw mo ba akong nandito?"tanong nito..."sabihin mo lang"sabi nito at alam kong nagtatampo na siya.

"hahahaha...kaw talaga,di parin nagbabago...tinanong ko lang bakit biglaan ata ang pag uwi mo dito?"sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

Uminom muna siya ng juice bago siya sumagot,tapos na ata siyang kumain....dahil bago pa ko dumating eh kumakain na silang 3.

"wala lang...namiss ko kasi ang pinas....you know,kaya umuwi muna ako....at namiss ko kayo noh"sabi nito na nakangiti at tumango tango nalang ako.

"kumusta naman sila"tanong nito na ang tinutukoy nito ay ang mga unggoy ay este ang TRB members.

"ganun parin,wala parin naman nagbago bukod sa lalo kaming gwumapo"sabi ko na nagpailing iling na lang..

"grabe siya oh....umagang umaga nagbubuhat ng sariling bangko.....baka mabigatan ka brad,sabihin mo lang"sabi nito na tinapik tapik pa ang balikat ko.Habang nagtatatawanan naman sila lolo at yaya sa sinabi niya.

"tsk!!!!"kahit Kailan ...wala talaga akong laban sa kanya..lagi nalang basta asaran..

"punta tayong mall jaz...tawagan mo sila dali"sabi nito,nakikitang kumakain ako eh noh!!!!

"Kaw na lang,tingnan mong kumakain pa ako eh" reklamo ko.

"ai uo nga,sorry po"sabi nito at nilahad yung kamay niya sakin.

"cellphone mo"sabi nito..

"bakit wala ka bang cellphone?"sabi ko na inabot ko sa kanya yung phone ko.

"hello,kakarating ko lang di ba?,natural wala pa akong simcard na pwedeng gamitin dito sa pinas...,bobo lang ang peg jaz?"sabi nito,aba't nasabihan pa ako ng bobo...

Magsasalita na sana ako nung may kausap na pala siya sa phone.

"hey,marky...good morning..."rinig kong sabi niya...malamang si Mark ang nasa kabilang linya.

"yes,kararating ko lang kanina.....hahaha...uo meron,kaw pa malilimutan ko....hahahaha...naman!!!"sabi nito,I'm 100% sure na pasalubong ang pinag uusapan nila.


"sige na pasyal tayo sa mall...kita kits nalang tayo dun somewhere ha"

"uo...sige bye...tell them na lang,ok"at binigay na nito sakin yung phone ko sakto naman na tapos na akong kumain.

"maliligo lang ako...tas punta na tayo ha.."sabi nito at tumayo na siya.

Tumayo narin ako at pumunta ng room ko para makapagpalit ng damit.After kong makapagpalit kinuha ko na yung susi ng kotse,cellphone,wallet at bumaba na ako.

Hihintayin ko na lang siya dito sa baba.In open ko naman yung fb ko at nag status ng....



Good morning people,feeling a "GOOD DAY" coming on....



Nag log out na ko ng nakita ko siyang pababa ng hagdan...kahit gano man kasimple ang suot ng babaeng 2 still bagay na bagay parin sa kanya kahit na nakasneakers lang siya at nakajeans and loose shirt na white.

"let's go"sabi nito at kumapit na siya sa braso ko.

Nagpaalam na muna kami kina lolo at yaya bago kami umalis ng Mansion. Habang binabagtas namin ang daan papuntang Mall,kumakanta kaming dalawa sa loob ng kotse ko....sinasabayan namin ang kanta sa player ko...Photograph by Ed Sheeran,dati pa naman ganito na kami,sinasabayan namin ang kanta sa stereo ng mga kotse namin...Maganda rin naman kasi ang boses niya,kasama rin namin siyang kumakanta dati pero hindi siya kasama sa banda.

Tumunog yung cellphone ko at pinasagot ko na sa kanya...niloudspeaker naman niya.

"hello"pagbati nito.

"Ashley?,ikaw nga ba yan?"tanong ng nasa kabilang linya.

"hahaha...yah,its me...what's up dude?"sabi naman nito na kinangiti ko.


"ok naman...di lang ako makapaniwala na nandito ka nga...tumawag kasi si Mark samin kanina...at sinabing nandito ka at pinapapunta kami sa Mall dahil magkikita nga daw tayong lahat,kala ko nagjojoke lang siya"sabi nito...si Jayson yung nasa kabilang linya,yun ang nakalagay sa pangalan ng caller eh at boses nga ni Jayson ang naririnig ko.


"hahahaha...uo tumawag ako sa kanya kanina ....see you later ok" sabi nito at in end na ang call.


Tingnan mo to,bastos talaga...hindi pa nakakasagot si Jayson sa kabilang linya eh binabaan na niya ng phone.


"bat binaba muna?"tanong ko.


"aistt!!!!Maya nalang...magkikita naman tayo eh..."sabi niya...

"tsk tsk tsk!!!!kakaiba ka talaga ash.."sabi ko na umiling iling pa.

"I know ryt"sabi niya sabay flip ng hair.At sumabay na naman siya sa kanta sa stereo na Like I'm gonna lose you by Meagan Trainor ft.John Legend.

____________________________________________

A/n:

Sino si Ashley sa buhay ni Jaz???

Is fate really exist?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα