©19 - farm

2 1 0
                                    

Stephanie's POV

Gaya na ng nakagawian,magkakasama na kaming lahat sa loob man ng academy o sa labas kahit wala si Ashley dito still lumalabas parin kami ng mga TRB and Kris almost kada matapos ang klase,we hang out sa coffee shop nila Mark,magpunta ng park,and etc.

Sobrang bilis ng araw,hindi ko akalain na 1 month na palang wala si Ashley pero may communication parin naman kami sa kanya,lagi lagi nga,sa chat....bumuo siya ng group sa chat, named prince's and princesses..... Nakakatuwa,seriously yun talaga ang group name namin....mga royalty ang peg namin lahat.

Kung tatanungin nio kung kamusta kami ni justine ,ayun OKs na OKs naman,kaso hindi ko maiwasan minsan na tumingin sa kanya lalo na kapag nakangiti siya,lalo siyang gumagwapo.Inaamin ko naman,a big YES na gwapo siya at may thumbs Up pa both kamay at paa....hahaha,hindi ko lang maamin nung time na war pa kami.At eto,lalong lumakas ang tibok ng puso ko kapag malapit siya,minsan nga feeling ko,lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas o makacardiac arrest ako.Pesteng puso,ayaw kumalma.....Hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng mga lalaki dito sa earth eh siya pa talaga ang natibok ng aking heart.

Love happens whether you want it to or not nga naman,unexpected.....bigla bigla nalang,hindi man lang ako binalaan ni kupido.Walang manners ang aking heart,ayaw sumunod sakin.....pinagsasabihan ko na ngang wag siya eh iba nalang pero ayun,pasaway talaga dahil sa araw araw ba naman mas palalim ng palalim ang pagkakagusto ko ke Justine.

1st time ko tung maramdaman,kaya hindi ko alam if anong gagawin ko. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko dahil nahihiya akong I open up kay kris.Dahil alam ko na pagtatawanan niya lang ako dahil kinain ko yung mga sinabi ko nung war pa kami ni Justine na kahit siya pa ang natitirang tao dito sa buong earth ay hinding hindi ko siya papatulan pero anong nangyari???? Tagos sa heart ko ang pana ni kupido.

Anyway highway,pabyahe pala kami ngayon sa rest house nila Jayson sa may bandang bulacan,actually farm siya,dahil Saturday naman,kaya gogo kami....nauna na ang mga TRB dun except Kay bryle dahil siya ang driver namin ngayon ni Kris at tsaka hindi namin alam if saan yun noh.

After ng ilang oras nakarating din kami sa wakas,ang ganda ng farm ang daming puno ng mangga.Bumaba na kami pag kapark ni bryle.

"hmmmm.....ang sarap ng simoy ng hangin"sabi ko paglanghap ko.

"oo nga sissy,fresh air...."Kris na gaya ko nilalanghap din niya ang fresh air.

"oh kumusta byahe?"Jayson na sinalubong kami sa may pintuan nila.

"eto,naging driver lang naman ang gwapong si ako"bryle

"alangan na kami ang magdrive,eh mga babae kami tsaka di namin alam ang papunta dito noh!"sabi ko na kinatawa ni Jayson.

"tsk!!!,Tara na nga sa loob"bryle.

"ngapala,asan sila?"si kris,hay....buti naman at tinanong niya,nahihiya akong magtanong.

"ah nandun sila sa ilog,nagpaiwan talaga ako para hintayin kayo"Jayson

"ilog?,may ilog dito?"tanong ko at excited akong magtampisaw sa ilog...1st time kung makikita ng ilog sa farm.

"Oo,Tara na,sunod tayo sa kanila after niyong mailagay ang gamit niyo sa mga kwartong gagamitin niyo"Jayson at naglakad na papasok ng bahay.Actually,ang laki ng bahay pero hindi naman siya Mansion........ilang rooms kaya ang meron dito?

Pinili namin ni Kris ang magkasama sa room kahit marami namang vacant rooms samantalang yung nga TRB,tag iisa sila.After namin,pumunta narin kami sa ilog. Sumakay kami sa may kolong kolong o intraktor,yung ginagamit sa pagsasaka...basta ganun.Ang saya nga eh at oo,1st time ko ulit sumakay sa ganon. Ang dami kong 1st time.

Malapit lang naman pala siya dahil wala pang 5 minutes,nandito na kami at tanaw namin sa may ilog na nagkakasiyahan na ang mga boys. At ang ganda ng ilog......dahil mula dito sa taas,kita mong malinaw ang tubig at bago mo marating ang ilog,kaylangan mo munang maglakad pababa sa mabatong daan.At ang daming puno sa paligid na siyang ginawang silong na ng ilog,kaya kahit tanghali na ay hindi masakit sa balat dahil narin sa mga punong nakatayo sa mga gilid ng ilog.

"oh nandito na pala kayo!"Mark

"ai wala,ilusyon mo lang yun"Kris....kakatuwa tung dalawang to,ganyan sila kung magbiruan.

"hahaha,funny"Mark na umahon na sa ilog,sumunod naman yung iba.

"Musta byahe?"Justine na umupo sa tabi ko,sa tabi ko tlaga?eh dami namang pwedeng upuan,sa tabi ko pa talaga kaya eto na naman si heart nag dugdugdug na naman.

"ok naman dahil may driver kami"sabi ko na kinatawa ni Jayson na siyang pinagtaka nung iba except Kay bryle,ako at Kris.

"anong nakakatawa?"Justine

"kasi ginawang driver lang naman si taeyang bryle lee"Jayson na tinapik tapik pa ang balikat ni bryle na ikainatawa naman nilang lahat.

After ng tawanan,ayun kumain narin kami kasi lunch time na kaya,isinabay na namin ang mga foods na niluto ng maids nila Jayson dito since luto naman na lahat,dito narin kami sa ilog kumain,ang saya lang,parang picnic sa tabi ng ilog.

Sana ganito kami lagi,pansin niyo ba??kada may ganitong kasiyahan kami, lagi kong pinagdarasal na ganito kami lagi,walang iwanan at walang sakitan na magaganap puro tawanan lang.Dahil alam ko,pagka graduate namin ng college,kanya kanyang buhay na kami,haharapin na namin ang totoong hamon ng buhay.

Pagdating kaya ng araw na yun,makakapag bonding pa kaya kami?Mangyayari pa kaya lahat ng ganito?May mga oras pa kaya kami sa isa't isa pag nagkataon?Ang dami kong tanong sa isip ko na hindi ko alam ang sagot dahil hindi paman nangyayari kundi mangyayari pa lang siya sa future.

Nagstay kami sa ilog ng halos tatlong oras....umuwi kami na sakay ulit ng intraktor,pagkauwi namin,nagbihis na kami agad at umalis na para kumuha ng mangga na nasa paligid lang ng bahay.Ang lalaki ng bunga,may Indian mango at native.May mga suha rin sa paligid at puno ng rambutan na wala pang bunga.

Ang mangga at suha na ang ginawa naming merienda.Ang tatamis,pinagluto kami ni aling Trining na siyang katiwala dito sa bahay nila Jayson ng alamang na may sili.Ang sarap,at sa suha naman,hindi mo na kaylangan pa ng sawsawan dahil parang pinag lihi sa asukal yung suha sa tamis nito.

____________________________________________

A/n:

Sorry sa update,anyway sino ng nakatikim ng suhang matamis????may ganun talaga,hindi ko yun imbento dahil nakatikim na ko nun ng ilang beses,hindi ko nga lang alam if anong suha yun.

Is fate really exist?Where stories live. Discover now