©11 - 1st encounter

5 1 0
                                    

Steph's POV

Hindi ko maiwasang alalahanin ang unang pagkikita namin ni Justine sa mall na pag aari nila Kris.

Flashback

Nandito kami ni Kris sa mall na pag aari nila.Dito sa office ng daddy nia,dahil wala naman akong ginagawa sa bahay,sumama na ko sa kanya.Kakagraduate palang namin ng highschool pero e2 si Kris gusto na raw niyang matuto sa pasikot sikot ng company nila para pag kagraduate niya ng college eh kabisado na niya ang kalakaran ng company nila.At para narin makilala daw niya ang mga employees ng daddy nia.

Ako naman kasi inienjoy ko muna ang pagiging estudyante para kapag grumaduate na ko ng college eh sabak agad ako sa trabaho which is sa company namin,at kahit papano naman nakakavisit naman ako sa company namin sa america at korea,dahil isinasama ako minsan nila daddy at mommy pag may gathering talaga o mga events ng company namin.

Nagpaalam na muna ako Kay Kris na magiikot ikot muna ako sa baba...dahil nasa pinakataas na floor ang office ng president.Ibig sabihin nandito kami ngayon sa taas.Pumayag naman siya at iniwan ko na siya dun.

Bumaba nga ako't nag ikot ikot,pag may nagugustuhan ako,binibili ko.Dahil weekend ngayon ang daming tao,bkit kaya hindi nawawalan ng tao ang mall????kahit weekdays ang dami rin kaya...di ba????

Pabalik na sana ako kay kris at may hawak hawak akong coffee ng starbucks ng may nakabangga sakin,at dahil nabigla ako nabitawan ko ang mga pinamili ko and worst pa,naitapon sakin ang coffee na iniinom ko.Shet!ang lagkit nito.

"Tsk!"sabi ng nakabangga sakin.

Aba't siya na ngang nakabangga sakin,siya pa ang may ganang mag sungit!

"Excuse me ha,ikaw ang nakabangga sakin kaya wag kang mag inarte Jan,at di kaman lang marunong mag sorry?"sabi ko naderederetso....nakakahighblood ah.

"Why should I?"sabi nito na pinupunasan ang coffee na tumapon rin sa kanya.

"Aba't wala kang manners ah....hoy mister,courtesy na yun na pag may nabangga ka,magsorry ka sinadya man o hindi"sabi kong mejo tumataas na yung boses ko at dami na rin nakatingin samin.

"ako pa talaga ang magsosorry eh ako na nga ang natapunan ng kape mo?stupid..."sabi nito na talagang nagpainit ng ulo ko.

"ano sabi mo?ako stupid?hoy mister,sino kaya satin ang stupid ha??ikaw itong bigla bigla na lang nangbubunggo tas ako pa ang may kasalanan????and FYI lang mister,hindi lang ikaw ang natapunan ng kape ko,ako rin..."sabi ko na tinuturo ko pa ang damit kong basa.

"tsk!!!!"sabi nito na halata pa rin sa mukha niya ang inis.

"ano?,wala kang masabi dahil totoo?"sabi ko sa kanya.

"Stupid witch"sabi nito at tinalikuran ako.abat talagang binubwiset ako nun ah.Talikuran ba ako na hindi man lang nagsorry sakin.

"Hoy,san ka pupunta?hindi ka man lang mag so sorry?"sigaw ko,wala akong pakialam kung nasa public place pa kami dahil talagang nanggigigil ako sa galit.

"aba't talaga naman...makikita mo" sabi ko dahil para siyang walang naririnig na patuloy parin sa paglalakad,dahil sa inis ko binato ko sa kanya ang hawak hawak ko paring coffee na ngayon ay kalahati na lang ang natitira.

"buti nga sayo"sabi ko dahil nasakto sa kanya at naibuhos nalang ng tuluyan ang lahat ng laman nito tsaka ko pinulot ang mga paper bags na bitbit ko kanina at kumaripas na ako ng takbo papuntang escalator.

"WITCH!!!!!" rinig kong sabi nia....hahahaha....kala mo ha..

"stupid beast!!!!"sabi ko na tuluyan ng nawala siya sa paningin ko.

Bumalik ako sa office ni Tito Arthur na daddy naman ni Kris.Nakita naman nila ako at nagtaka sila kung bakit anong nangyari sakin dahil narin sa mejo magulo ang buhok ko at basa pa ang damit ko na bakas ang kape sa blouse kong kulay puti pa mandin.

"anong nangyari sayo sissy,bakit ganyan itsura mo?"nag aalalang tanong sakin ni Kris.

"may bumangga lang naman sakin na stupid beast at naitapon sakin ang kapeng hawak ko,ang lagkit ko tuloy"sabi ko na naiinis parin.

"ha,sino????stupid beast???"nagtataka niyang sabi.

"nag eexist ba yun sissy???nagjojoke ka ba??"tanong pa nito.

"Hahahahaha. sissy,dami kong tawa mga lima"sabi ko,kahit papano naalis ang inis ko sa pagka slow niya.

"eh,ano ba kasi yun?"sabi nito na di na maipinta ang mukha....inis na eh.

Kaya kaysa tuluyan siyang mainis sakin...kinuwento ko na lang sa kanya ang lahat ng nangyari mula sa umpisa hanggang nga sa tumakbo ako papunta dito sa office ni Tito.

"hahahaha....nakakatawa sissy.....hahahaha"sabi nito na tawa ng tawa,nakahawak na nga sa tyan niya eh,ayaw pang tumigil.Sarap kutusan,pinagtawanan ba naman ako,peste!.

"tsk Jan ka na nga"sabi ko at iniwan ko siya na tumatawa parin.Dumeretso na ako sa cr para magpalit ng damit,at buti nalang din na naisipan kong bumili ng damit kanina.


Nuon pag naiisip ko yung unang pagkikita namin nun,naiinis ako at bumabalik yung galit ko sa kanya nun.Pero ngayon,natatawa na lang ako.Grabeng experience yun ha....kahit kelan hinding hindi ko yun makakalimutan.

Naisip ko tuloy,siguro kung hindi dahil sa 1st encounter namin na ganun eh maganda naman siguro ang pakikitungo namin sa isa't isa.Dahil sakin lang naman talaga siya ganun makitungo...at dahil narin siguro sa pagtrato niya sakin kaya naging di maganda ang pagtrato ko sa kanya,na naging dahilan ng pagiging mortal enemy # 1 o best enemy namin ang isa't isa.

Dahil makita lang namin dati ang isa't isa eh sira na ang mga araw namin.Lalo na kaya kapag nagkabanggahan kami sa salita o sa physical man.Dahil lumalabas ang pagiging maldita mode ko pag dating sa kanya.And i'm sure ganun din siya,lumalabas ang pagiging super sayan niya pag ako na ang kaharap nia.

"haist .......makatulog na nga lang" sabay kumot ko dahil mejo malakas ang aircon dito sa room ko at hindi ako makatulog ng walang kumot at hindi ko alam kung bakit...

"sana magtuloy tuloy na to na hindi tayo ng aaway."sabi ko hanggang sa dalawin na nga ako ng antok..


____________________________________________

A/n:

Nalaman nio na kung pano sila naging best enemy na dalawa.

Is fate really exist?Where stories live. Discover now