Chapter 1

21K 383 38
                                    

Chapter 1

Klein's POV

Tumayo ako ng kama para bumaba at kumain sa dining hall ng Girl's Dormitory nang bigla akong kinausap ng babaeng kasama ko sa dorm. Kanina pa kaming magkasama pero di pa kami nag uusap.

"Hi. Ako ngapala si Yesha Gutierrez. Sorry ha di kita agad na-approach, medyo busy kasi ako at wala sa mood kanina eh pero don't worry I'm not masungit!" Nakangiti nyang sabi habang inaabot ang palad nya sakin. I didn't think na masungit siya.

"Uhm, hi! I'm Klein Jordayne Glamorre, just call me Klein. It's okay, ano ka ba." I smiled sweetly then we shook hands.

"Bakit ngayon ka lang dumating ng academy? And also ngayon lang kita nakita dito." Tanong nya habang naglalakad kami palabas, sabay na lang daw kami kumain.

"My dad died a week ago kaya nahuli ako sa pag enroll. I'm a transfee."

"Aw. Ganon ba. Condolence ha? Are you alright now?"

Natatawa akong tumango.

"I need to. Dad won't be happy up there if he saw me miserable here."

"That's right. What a strong girl. Cool." She smiled at me. I think I'll like this girl.

***

Magkasabay kaming naglakad ni Yesha papunta sa classroom namin. Magka-section kami. Nice.

Nagke-kwentuhan lang kami ni Yesha tungkol sa buhay namin pero syempre hindi ko sinabi lahat lahat ng tungkol sakin.

Habang nag uusap kami ay bigla nalang tumahimik ang buong klase, akala ko dumating na ang instructor pero hindi pala, may mga dumating na students. Nagkibit balikat lang ako at tumahimik para mag obserba sa paligid. Anong meron?

After a while,

"Good morning Black Star Royals!" Tumayo ang mga kaklase ko including Yesha para lang batiin 'yung anim na students na dumating. Nanatili akong nakaupo, wala akong idea sa nangyayari. Napakamot nalang ako ng batok ko habang nakatingin sa labas ng bintana sa tabi ko.

Sinesenyasan ako ni Yesha ng kung ano pero hindi ko naman ma-gets.

"Ehem." Muntik na kong mapatalon nang may biglang tumikhim sa may likod ko, nakaupo na ang mga kaklase ko pero 'yung anim na students na mukhang mga VIP nasa likod ko lang. Yung tumikhim ay isang lalaking mukhang masungit at galit sa mundo.

"May ubo ka?" Tanong ko habang nakatingala sakanya dahil nakatayo siya.

"Wala. Ikaw meron?" Kita ko ang pagkuyom nya ng kamao, hala bakit siya galit? May problema ba 'to sakin? Di ko nga siya kilala eh.

Sa halip na magmatapang, "Wala din."

"Ano ba Calvin? Diba sabi namin, hayaan mo na lang. Can't you see? She's a newbie." Sabi nung isang babae na kasama dun sa mga VIP, ang ganda nya. Ang kinis ng balat at ang puti, naka-light make up sya. Ang taas din ng heels nya. Fashionista.

"Tsk. Sana man lang tumayo sya diba?" Sagot nung lalaki.

"Tama si twinny! Hayaan nalang natin. Tara na." Sabi naman nung lalaki na sobrang kamukha nung babaeng nagsalita kanina na fashionista.

Tatalikuran na sana nila ako nung magsalita ulit ako. Ugh. Bakit ba ang kati ng dila ko! Nakaligtas na sa atensyon eh.

"Artista ba kayo?" Napatanga ang buong klase sa akin. May mali ba sa tanong ko? Eh halos lahat sila mukhang artista eh. Malay mo naman.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now