Chapter 27

5.1K 141 4
                                    

Chapter 27

Klein's POV

Pauwi na kami galing Fretaña Island. Nakasakay na ulit kami sa Audi ni Calvin pabalik ng school. Umidlip muna ako saglit.
.
.
.
Nagising ako dahil sa mga halik ni Calvin sa buong mukha ko. Kinusot ko ang mata ko at tatawa tawang tinulak ang mukha nya palayo sakin. Sumulyap ako sa bintana, nasa parking space na pala kami sa loob ng academy.

"Nandito na pala tayo." Sabi ko.

"Ay wala pa. Panaginip mo lang 'to." Pambabara nya sa akin. Haynako.

"Sasapakin kita dyan. Wag ka ngang ano. Teka? Bakit di pa tayo bumababa? Tara na!" Sabi ko at tinanggal ang seatbelt na nakakabit sakin.

"Pakiss muna!" Nilapit nya 'yung mukha nya sakin pero umiwas ako. Aasarin muna kita. Bwahaha!

"Huy! Ang damot mo naman." Reklamo nya sa tabi ko. Tumawa naman ako ng malakas at hinarap sya.

"Kissing monster kana din?"

"Kissing monster na kung kissing monster, ang mahalaga ikaw lang ang nag iisang taong hinahalikan ko." Sabi nya habang nakangiti. Haaaay! Calvin... lalo akong naiinlove sayo. Iba ka.

"Ako na ang ki-kiss sa hubbydude ko!" I said hyperly and kissed him on the lips. Smack lang dapat 'yun, pero unti unting naging passionate kiss.

Pagkabitaw sa halik, niyakap nya ako at hinalikan sa noo.

"I love you, wifeydude." He said genuinely.

Pinisil ko ang pisngi nya, "I love you too, hubbydude! Tara na."

Lumabas na kami sa kotse nya at naglakad na papasok sa mismong academy. Hinatid nya muna ako sa tapat ng Girls Dormitory, pagkarating doon ay inabot nya sakin ang backpack ko na sya ang may dala kanina. Hinalikan nya lang ako sa buhok bago kami mag part ways. Pumasok na ako sa dorm para magpalit ng uniform.

***

Kasabay ko si Yesha na naglalakad papuntang classroom. Nagke-kwentuhan lang kami hanggang sa makarating ng classroom. Pagkapasok namin, halos nakatingin lahat ng mga kaklase namin sa amin—akin. Ewan.

Pinuntahan ko si Calvin sa pwesto nya sa may likuran, may hawak syang isang papel at dalawang pictures na wallet size. He was clenching his fist while holding those.

Nag angat sya ng tingin sa akin, hindi pa ako gaano nakakalapit sakanya. Wala pa sila Bree at Shawn, ang nandirito lang na Black Star Royals ay sila Calvin, Den, Bry at Thunder.

"Calvin? Anong meron?" I asked him. Medyo kinakabahan na ako. Pakiramdam ko, sakin sya galit. Shit, ano bang pictures 'yon?

"Oo nga Calvin? Bakit parang galit ka dyan?" Tanong din ni Yesha na nasa may likuran ko. Sinulyapan ko sila Thunder, nag iwas lang sila ng tingin, maliban kay Denise na diretso lang ang tingin sa amin.

"Ha ha ha. Ano kamong meron? Bakit ba ako ang tinatanong mo nyan, Klein? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Ano bang meron.. sayo?" He said coldly. Halos kilabutan ako sa tono ng pakikipag usap nya sakin.

"A-ano ba talagang problem—" Hindi ko na natapos ang salita ko, padabog na iniabot nya sakin 'yung papel at dalawang pictures. Nanlaki ang mata ko noong makita ang pictures ko na nakikipag suntukan sa limang kalalakihan at 'yung isa na.. may hawak na kutsilyo at nakatutok sa leeg ng isang lalaki. Yung papel naman ay naglalaman ng secret profile ko bilang gangster. Napayuko ako at nabitawan ang mga 'yon. Sinong nagbigay sakanya nito? Bakit ngayon pa? Kung kailan mag qui-quit na ko?

"So you're really a gangster." He said bitterly. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag, hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sakanya ang lahat, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong magawa, ayaw kumilos ng katawan ko at ayaw magsalita ng bibig ko. Tangina naman!

"ANO?! BAKIT HINDI KA MAKAPAGSALITA?! BAKIT HINDI MO SINABING GANGSTER KA? BAKIT NAGSINUNGALING KA?! KUNG ALAM KO LANG NA GANITO KA NUNG UNA PALANG, EDI SANA HINDI NA KITA MINAHAL!" Doon na ako nag breakdown. Umagos ang luha ko ng tuluy tuloy, parang falls, ayaw tumigil. Ang sakit nun! Ganoon ba kababaw ang pagmamahal nya sakin? Dahil lang sa nalaman nyang gangster ako, pinagsisisihan nyang minahal nya ako? Damn it!

"BAKIT KLEIN?! BAKIT?! NGAYON PALANG NAGSISISI NA AKONG MINAHAL KO ANG ISANG KATU—"

"TANGINA! Tamana! Pwede ba?! Tamana! Binging bingi na ako! Ang sakit sakit na! Tamana! Wag mo ng ipamukha sakin na nagsisisi ka na minahal mo ang makasalanang tulad ko, kasi damang dama ko na! Wag mo ng isupalpal pa! Ano bang gusto mong mangyari?! Sabihin mo lang! Gagawin ko! Ano?! Gusto mong maghiwalay na tayo?! Gusto mong lumayo na ako at wag ng magpakita pa?! ANO?! Sabihin mo lang Calvin! Gagawin ko kahit ano pa 'yan! Kung san ka masaya! Yun lang naman ang mahalaga sakin eh, yung maging masaya ka! Kaya kahit ikamatay ko pa, basta masaya ka, okay lang!" Sigaw ko habang punung-puno ng luha ang pisngi ko. Hindi ko na kaya! Baka sumabog ako kapag hindi ko nailabas ang mga salitang 'to!

Bahagyang lumambot ang ekspresyon nya pero agad ding bumalik sa pagiging galit.

"OO! YUN ANG GUSTO KO, MAGHIWALAY NA TAYO! Hindi ko kayang makasama ang taong pumatay sa kapatid ko!" Napatigil naman ako. A-ano?

"Tangina, Calvin! Wala pa akong napapatay! Wag mo akong pagbintangan!" Sigaw ko pabalik. Nagagalit na din ako, anong karapatan nyang akusahan ako na pumatay sa kapatid nya?!

"Yung kasama mo sa picture na tinututukan mo ng patalim! Kapatid ko sya!" Sigaw nya sakin. Tumawa naman ako ng malakas kahit walang humor. Pinahid ko ang basa kong pisngi. I looked at him with emotionless eyes.

Kinalma ko ang sarili ko, "Kung hindi ko sya tinutukan ng patalim, sa tingin mo ba makikilala nyo ako ngayon? Malamang hindi na, kasi siguradong patay na ako noon pa. Sa tingin mo din ba, kaya kong pumatay ng inosente man o hindi, na tao? Syempre hindi. Hindi ako ang pumatay sa kapatid mo, kung gusto mong malaman, handa akong sabihin sayo pero wag lang dito sa publikong lugar na ito." Tiningnan ko saglit ang mga kaklase ko, nakapalibot na pala sila sa amin.

Muli kong tiningnan ang mukha ni Calvin, tulala sya at parang may narealize, too late. Nasaktan mo na ako, gago. Kinabisado ko ang buong mukha nya dahil baka ito na ang huling beses na matitingnan ko iyon. Mahal na mahal kita, Calvin. Pero ikaw? Mahal mo ba talaga ako? Hahahahahahahaha hindi ko na alam. Saglit kong tiningnan sila Yesha, Thunder, Den, Brian at ang kararating lang na sila Shawn at Bree na gulong gulo sa nangyayari. Hay! Mamimiss ko sila.

"Sorry Calvin. Hindi ko intensyong paibigin ka, hindi ko sinasadyang mahalin ka. Sorry kung nakilala mo pa ako. Sorry kung ganito ako, balak ko na naman sanang mag quit eh, para sayo. Pero nangyari nga ito, napatunayan kong napakababaw lang ng pagmamahal mo sakin. Tingnan mo na ngayon ng mabuti ang itsura ko, dahil baka ito na ang huling beses na masisilayan mo ako. Goodbye, Calvin." Nakita ko ang sunud sunod na pagtulo ng luha nya. Hinawakan nya ako sa braso para pigilan pero iwinasiwas ko lang ang kamay nya.

"Wag mo akong hahawakan!" Sigaw ko sakanya at tumakbo na palayo. Palayo sa mapaglarong mundo...

Narinig ko pa ang mga boses nila Yesha, Bree... nilang lahat na tinatawag at isinisigaw ang pangalan ko pero nakapag desisyon na ako. Ayoko na. Hindi ako karapatdapat dito, hindi ako karapatdapat sakanya. Kung kaya nya akong itaboy ng isang beses, kayang kaya nya ulit akong itaboy ng ilang beses. Once is enough. I learned my lesson.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now