Chapter 25

5K 125 0
                                    

Chapter 25

Klein's POV

"Damn it, Klein! Palitan mo 'yan. Hindi tayo magsi-swimming ng ganyan ang suot mo!" Sermon ni Calvin sakin. What's wrong with two piece bathing suit?

"Ano bang gusto mo? Mag long sleeves ako at pajama's?" Naiinis kong tanong. 6 am na ng umaga, natulog at nagpahinga lang kami kahapon pagkarating namin sa hotel, magkahiwalay kami ng kama.

"Good idea."

"Hell no! Tara na kasi. Dami mong arte. Beach 'to, okay? Kaya okay lang na naka two piece ako." Sabi ko.

"Pagtitinginan ka ng mga lalaki dun. Ayoko. Kahit patungan mo man lang 'yang pang ibaba mo ng shorts!" Haaay. Wala na akong nagawa, pinatungan ko na nga lang ang pang ibaba ko ng isang white shorts. White kasi 'yung two piece ko.

Pagkalabas ko ng CR, hinagisan nya pa ako ng isang black na see-through tube. Sinuot ko nalang 'yun.

"Better!" Comment nya. Inirapan ko lang sya, hinawakan nya naman ang kamay ko at naglakad na kami papuntang beach habang magka-holding hands.

Pagkarating namin sa may tabing dagat, inilatag ni Calvin ang maliit na blanket. Sakto lang para sa aming dalawa, ibinaba ko naman ang dala kong konting pagkain na niluto ko kanina.

"Kumain muna tayo." I said and sat beside him.

Binuksan nya isa isa ang apat na tupperwear na dala ko. Ngumiti sya sakin pagkatapos.

"Wow. Nagluto ka pala?"

"Hindi hindi, nag walis ako." Yung nakangiti nyang mukha kanina, biglang hindi maipinta. Pinisil ko lang sya sa pisngi at tumawa.

"Joke lang naman! Oo, nagluto ako para sayo." I said sweetly.

"Para sakin lang ba talaga? O para sa sarili mo? Alam ko kung gaano ka katakaw." Sabi nya. Binatukan ko naman sya, tumawa lang sya at hinuli ang kamay ko tapos hinalikan 'yun. Biglang nag init ang pisngi ko. Wagas magpakilig ha! Kainis!

"Joke lang din. I love you! Tara kain na tayo." He said and gave me a quick kiss on the lips. Napangiti nalang ako.

Nagsimula na kaming kumain. Yung mga niluto ko ay adobong baboy, caldereta at sinigang. Yung laman ng isang tupperwear naman ay kanin, nag share lang kami dun pati sa iisang kutsara. Nakalimutan kong magdala ng isa pa eh.

Sinusubuan nya ako habang ngiting ngiti. Minsan pa ay inaasar nya ako sa pamamagitan nang paglihis nya ng kutsara palayo sakin kapag malapit ko ng isubo. Loko talaga.

"Kamusta ngapala ang exams mo?" Tanong ko kay Calvin habang sya naman ang sumusubo ng pagkain.

"Okay naman. Ako pa ba?" He smirked playfully. Tsk "Ikaw ba?"

"Okay lang din. Feeling ko may mga subjects akong na-perfect." Sagot ko. Seryoso 'yun. 'Diba sabi ko nga, nag review ako. Kapag nga hindi ako nagre-review, mataas ang grades ko eh. Ngayon pa kayang nag review ako. Walang halong yabang 'yan. Hihi.

"Inspired ka sakin eh. Ang gwapo ko talaga." Yabang!

"Alam mo namang bonus nalang ang kagwapuhan mo eh. The things I love to you were your smiles, your personality and most especially, your soul." I said and smiled genuinely.

Ngumiti din sya at halatang halata ang sobrang pagka touch nya sa mga sinabi ko. Hinawakan nya ang balikat ko at lumapit sya sakin. He kissed me passionately on the lips, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya.

Pagkahiwalay ng mga labi namin ay nagsalita sya, "You don't know how much I am thankful to have you in my life. I'm beyond blessed to have you, Klein Jordayne. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Calvin. Lahat gagawin ko, wag ka lang mawala sakin tandaan mo 'yan." Seryoso kong sabi sakanya. Gusto kong malaman nyang handa kong bitawan lahat, para sakanya. Kahit pa ang pagiging gangster ko.

"Ganun din ako, Klein. Kung kinakailangang kalabanin ko ang buong mundo, mapanatili ka lang palagi sa tabi ko.. gagawin ko. Lahat gagawin ko, lahat.. para sayo. Para lang sayo." Sabi nya. Damn, hindi ko na napigilan. Napaiyak nalang ako. Sa sobrang tuwa at sa.. sobrang takot. Natutuwa akong malaman na kaya nyang gawin ang lahat para sakin, para sa isang Klein Jordayne pero natatakot akong baka pagdating sa gangster na Klein Jordayne, lahat ng sinabi nya bitawan niya.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now