Chapter 20

5.9K 163 4
                                    

Chapter 20

Klein's POV

Two weeks later

Sa wakas last day na ng punishment namin ni Freeze! Wooo. Two weeks. Two weeks ko ng iniiwasan si Calvin. Ilang beses na syang nagtangkang kausapin ako pero dahil gangster ako, mabilis ako kumilos. Hindi ko hinahayaang makalapit sya sakin. Sa loob din ng two weeks na 'yun, si Freeze lang ang kasama ko.

"Hindi mo ba sya bibigyan ng second chance?" Nabitawan ko ang hawak kong mop. Mabilis ko din namang pinulot ulit 'yun at nagpatuloy sa ginagawa ko, umastang parang walang narinig.

"Sa ginagawa mo, parang binigyan mo na din ng satisfaction si Flame." Napatingin ako sakanya.

"Hahaha! Salamat na din sa kakambal mo at nakita ko kung gaano kaliit ang tiwala sakin ni Calvin. Labas na ang kakambal mo dito, iba na 'to." Sagot ko.

"Sabagay. Haaay, bilisan nalang natin. Panoodin natin si Flame mamayang kumanta."

"Ayoko nga. Di ko pa din nakakalimutan ang kasalanan nya sakin 'no!"

Tumawa naman sya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?"

"Wala wala."

Napahinto naman ako sa pagma-mop nung makita ko si Calvin sa harapan ko, habang nasa likuran nya si Elise. Tss.

"Kl—"

"Freeze, dun oh. Madumi." Tinalikuran ko na sya at hinila si Freeze palayo.

"Klein naman!" Ramdam ko ang paghawak nya sa braso ko. Iwinasiwas ko ng malakas ang braso ko, napabitaw sya. Pinandilatan ko sya ng mata.

"Don't touch me."

"Parang awa mo na—"

"Calvin tamana, nagmumukha kanang tanga e—"

"Shut up Elise! And leave me alone!"

Tumakbo palayo si Elise, lumayo naman ako sakanya. Si Freeze naman, umalis na din. Ugh!

"Kle"

"Ano ba? Akala ko ba, leave you alone?" I said and rolled my eyes.

"Ugh! Kausapin mo na naman ako oh! Sobrang nagsisisi na ako. Mahal na mahal kit"

"Tigilan moko! Hindi moko mahal! Dahil kung mahal mo ako, hindi ka makikipaghalikan sa iba!" Sigaw ko at humakbang paatras.

Akmang lalapit sya ulit pero itinaas ko ang kanang kamay ko.

"Wag kang lalapit. Tamana, Calvin. Nasaktan mo na ako ng sobra. Hindi na ako papayag na saktan mo pa ulit ako, kasi baka hindi ko na maisalba ang sarili ko sa susunod." Malamig kong sabi at tinalikuran na sya. Natulala sya saglit kaya tumakbo na ko agad bago pa sya bumalik sa wisyo at maabutan nya nanaman ako. Ayoko na syang makausap.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now