Chapter 19

5.8K 152 1
                                    

Chapter 19

Klein's POV

Sa loob ng tatlong linggong pagkukulong nila sa akin, ngayon lang ako napaiyak. Hindi dahil sa mga suntok at sampal na nakukuha ko sa mga tauhan ng Silvestre Mafia, kundi dahil sa panghaharass sakin ni Flame. Nang totoong Flame. Mariin nya kong hinalikan sa ibabaw ng isang kama habang pinipicturan kami ng mafia reaper nya. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak.

Sinubukan ko na silang labanan pero sa sobrang dami nila, ako lang din ang nagiging bugbog sarado sa huli. Akala ko si Freeze (ang totoong Freeze) ang may pakana ng lahat ng ito pero nagkamali ako. Si Flame pala. Ang vocalist ng FIRE na kinikilala ng karamihan na si Freeze. Tangina lang! Gusto ko ng makaalis dito. Mag iisang bwan na nila akong pinapahirapan.

"Kung hindi kayang mag higanti sayo ng tanga kong kakambal, pwes ako ang gagawa para sakanya!" Sigaw ni Flame sa mukha ko isang araw. Nakagapos na ulit ako sa isang upuan dito sa isang gusali pagkatapos akong pwersahang halikan ni Flame at kuhanan ng litrato. Hindi ko alam kung para san 'yon.

"Bakit ka ba naghihiganti?! Wala akong ginagawang masama!"

"Tanga ka ba o ano?! Sinasaktan mo sya emotionally!"

"Hindi ko intensyon 'yun! Nagmamahal lang ako!"

"Hahaha! F*ck your hopeless love! Dahil siguradong pagbalik mo ng Black Star Academy, kamumuhian ka na ng mahal mo!" I gritted my teeth. Mukhang alam ko na ang purpose ng panghahalik nya sakin!

"May tiwala sakin si Calvin! Magpapaliwanag ako sakanya! Hindi mo kami masisira!" Sigaw ko.

"Tingnan natin." He smirked and left me.

***

1 month and a half passed. Dumating si Freeze para iligtas ako. Hindi sya nabigo, pati ako, nakalabas ako sa tanginang gusali 'yun. Hindi muna ako pumasok, nag pahinga muna ako ng isang linggo sa hospital. Freeze insisted.

"Salamat Freeze at sorry din." Sabi ko.

"Ako ang dapat nagso-sorry in behalf of my twin brother. Wag kang mag alala, tutulungan kitang magpaliwanag sa boyfriend mo." Sabi nya. Ngumiti lang ako ng matamlay.

Ipinaliwanag nya din sa akin na kasabay ng pagkawala ko ay tumakas din daw sya ng academy para asikasuhin ang lolo nyang naka confine sa hospital. Nakita ko din ang lolo nyang 'yun, dahil nasa iisa kaming hospital.

Nandito na ako ulit sa Black Star Academy. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ni Freeze, bulung bulungan agad ang narinig ko at nakatanggap agad ako ng masasamang tingin.

"The slut is back!"

"Ang kapal ng mukha lokohin ang Badboy Prince natin!"

"Bitch!"

"Cheater!"

"Manloloko!"

Kung ano ano pang masasakit na salita ang narinig ko. Hindi ko nalang pinansin. Tsk. Mga judgmental, wala kayong alam. Dapat manahimik nalang.

"Don't mind them." Sabi ni Freeze at binigyan ako ng encouraging smile.

"Yea, I know. Irrelevant people got the most to say. What a world." Napapailing kong saad.

Hindi kami agad nakapasok sa unang klase dahil syempre kinausap kami sa President's office dahil sa nagawa naming kasalanan na pagtakas. Medyo nagalit pa sakin si Tito Samuel. Nag sorry lang ako sakanya at hindi ko nalang binanggit ang mismong nangyari.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now