Chapter 26

4.9K 123 3
                                    

Chapter 26

Meanwhile...

Shawn's POV

Okay na kami ni Brianna. Naexplain nya na ang side nya, kung bakit inilihim nya sakin na kasama nya ang dating manliligaw nya nung isang araw. Ayaw nya lang daw na magselos ako sa maliit na bagay na 'yun, kaya lang pala sila magkasama ay dahil sa isang business proposal ng magulang ni Brianna sa magulang nung dati nyang manliligaw. Kaya heto, may date kami dito sa Star City. Kami lang dalawa.

"Grabe 'yung Surf dance na 'yun! Saan tayo next?" Tuwang tuwang tanong ni Bree.

"Ferris wheel?" I said.

"Sige ba! Tara!" At hinila nya na ko papuntang pila ng ferris wheel. Para talaga syang bata, ang cute cute nya.

***

Klein's POV

"Kyaaaah!" Tili ko nung kiniliti ako ni Calvin sa bewang habang nasa tabing dagat kami. Kakatapos lang naming kumain.

"Swimming na tayo wifeydude!" Sabi nya at hinila ako papunta sa tubig. Napadako ang tingin ko sa malulusog nyang pandesal. Shemaaay!

"Gusto mong hawakan?" Tanong nya sabay lagay ng kaliwang kamay ko sa abs nya. Omg!!

"H-hindi pa ko sumasagot, inilagay mo na agad! Pano kung a-ayoko?" Sabi ko. Ang init init ng pisngi ko.

"Alam ko namang gusto mo." Sagot nya sabay kindat pa. Kinuha nya ang isa ko pang kamay at inilagay sa abs nya, kaya heto, dalawang kamay ko na ang nakahawak sa abs nya. Nandito pa naman kami sa hanggang tuhod lang ang tubig kaya kitang kita ng ibang nagsi-swimming ang mga kamay kong nasa abs nya. Lechugas!

Inilayo ko na 'yung kamay ko at hinampas ang dibdib nya.

"Nakakahiya Calvin! Pervert ka talaga!"

"Gusto mo din naman." Sabi nya sabay halakhak. Inirapan ko lang sya. Baliw baliw baliw!

"Halika na. Maligo na tayo." He said huskily and pulled my hand to go on deeper level of the sea.

Huminto na kami nung nasa may hanggang dibdib ko na 'yung tubig at sa may bandang baba naman ng dibdib ang kay Calvin kasi mas matangkad sya ng mga ilang inches sakin. Hindi ko alam ang exact height nya, ako kasi 5'6 lang eh.

"Malapit na ang birthday natin." He said. Naka cling ang braso ko sa leeg nya at sa bewang ko naman 'yung kanya.

"Kailan ba ang birthday mo?" Tanong ko. Ang weird ba na hindi ko alam kung kailan ang birthday nya? Hindi naman kasi namin napag uusapan eh.

"Tomorrow of your birthday." Sagot nya. Ay weh? Magkasunod lang pala kami ng birth date. October 19 ang birthday ko, so supposedly, October 20 'yung sakanya. And today is, September 1, 2016.

"Mag e-eighteen kana din?" I asked him.

"Yes."

"Okay."

Tumahimik kami. Ineenjoy lang namin ang alon na dumadaan sa katawan namin at ang sariwang hangin.

"Klein.."

I looked at him seriously, "Hmm?"

"Saan ka magco-college?"

Hindi ko pa naiisip kung saan ako magco-college. Pero kung ako ang magdedesisyon, sa Black Star Academy pa rin.

Black Star Academy (College department) Nasa kabilang parte ito ng academy, may nagse-seperate sa High School dept. at College dept. na mataas na wall at mga security system syempre.

"Kung ako ang magde-decide, pipiliin ko pa rin ang Black Star Academy." Sabi ko sabay ngiti.

"Patay na patay ka talaga sakin." Sabi nya sabay halakhak. Tsk!

"Kapal mo!" Hinampas ko sya sa braso.

"Hahaha! Joke lang. Pero seryoso na.." Sumeryoso ang mukha nya, "Kung saan ka magco-college, dun na din ako."

Napangiti naman ako ng malapad.

"Syempre, kailangan kitang bantayan at protektahan. Ayokong may mga lalapit at aali-aligid sayong mga lalaki, gusto kong nasa tabi mo ako at ipinagsisigawan na akin ka.. na akin ang babaeng tinitingnan nila." Sabi nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, niyakap ko sya ng sobrang higpit at hinila palubog sa tubig.

Medyo malabo man ang paningin ko sa ilalim ng tubig, kitang kita ko pa din ang nakangiti nyang mukha. Akmang aahon na ako dahil nauubusan na ako ng oxygen nang bigla nyang kinawit ang batok ko at hinalikan ng matiim sa labi, parang pinapasahan nya ako ng hangin galing sa bibig nya. Bumitaw ako sa halik namin saglit at ngumiti, pagkatapos ay hinalikan ko na ulit sya.

This is just so magical... kissing under the water with the one you love.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now