Chapter 17

6.6K 171 3
                                    

Chapter 17

Shawn's POV

(2 months later)

Nakaupo kaming lahat dito sa bandang likod ng classroom. Lumipat din ng upuan sila Klein at Yesha dito sa may pwesto namin. Ang clingy nila kina Thunder at Calvin. Well, si Klein pala ay hindi naman masyado. Itong si Klein at Calvin, aayaw ayaw pa sa isa't isa nung una, tingnan mo naman ngayon. Although, nagbabangayan pa rin sila pero iba pa din kasi alam mong inlove sila sa isa't isa. Ako kaya? Kailan sasagutin ni Bree? Gusto ko na din maging kami!

"Good morning class. Let's welcome our new students!" New students? 4 months na on going ang class ah? Tumatanggap pa din sila? Gusto kong tanungin si dad. Hmm.

Pumasok ang isang lalaki at babae. Nag bubulungan sila bago humarap samin, magkakilala na siguro sila. Pero teka? Si Freeze 'yun ah? Paanong naging new student sya? Sya 'yung vocalist ng FIRE band sa Circle Park.

"Kyaaaah! Ang gwapo naman!" Bulong ng isa naming kaklase na babae, madami ding ibang nagbulungan na.

Yung mga lalaki naman, "Ang ganda nya tol."

"Sus. Mas maganda pa din si Klein!"

Tiningnan ko si Calvin. Sabi na eh! Hahaha. Nakatingin sya ngayon ng masama dun sa lalaking huling nagsalita.

"Name, age and former school please." Sabi nung adviser namin. Hindi ko pa din maalis ang tingin kay Freeze.

"Hi. I'm Elise Margareth Shin! I'm 17 years old, from DLSU Dasma. Just call me Elise!" Nakangiting pakilala nya sa sarili. Naupo sya sa may unahan namin, sinulyapan nya pa kami at kumaway. Walang nag react samin, pero ramdam ko ang tensyon nung...

"Calvin! Kamusta kana? I miss you!" Sabi nito kay Calvin.

"Oh, Elise. I'm good, ikaw?" Tipid na sagot ni Calvin.

"Good na good lalo pa at nagkita tayo ulit!" Magkakilala sila? Paano? Bakit di namin alam?

"Calvin." Narinig namin ang malamig na boses ni Klein. Paktay na! Tsk.

"K-klein?"

"Mag uusap tayo mamaya." She said still using her cold tone.

Maya maya pa, napatingin na ulit kami sa unahan dahil nagsalita na si Freeze.

"Flame Silvestre. 18 years old. From DLSU Dasma." Flame?! May kakambal pala si Freeze? Akala ko si Freese mismo, sobrang magkamukha. Naupo sya sa tabi nung Elise. Pero talagang nagulat nanaman kami dahil kinausap din nung Flame si Klein. Teka ano na bang nangyayari? Bakit parang magkakakilala sila?

"Jord." Jord? Napaisip ako. Klein Jordayne... Jord. Takte anong meron?

Nakita ko ang pamumutla ni Klein.

"A-are y-you talking to m-me?" Tanong ni Klein.

"Yeah. Long time no see, Jord." He said and smirked.

"Klein?"

"C-calvin.."

"Mag uusap talaga tayo mamaya." Wengya! Mag uusap talaga sila! Parehas silang nasa tensyon. Kami naman nila Bree, Den, Bry, Thunder at Yesha ay tahimik lang dahil clueless talaga kami.

Nagkatinginan kaming lahat at napasinghap nalang. What now?

***

Klein's POV

Tangina. Bakit sya nandidito? At talagang dito pa talaga sa section ko. Halos maubusan na ako ng dugo sa mukha dahil sa pagkaputla ko. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari ngayong nandito si Freeze, ang totoong Freeze. Paano kung... paano kung guluhin nya kami ni Calvin? Pati 'yung babaeng 'yun, pakiramdam ko may hidden agenda sya kay Calvin. Huminga ako ng malalim, wala akong dapat ipag alala, pro-protektahan ko ang relasyon namin ni Calvin. No matter what.

Lunch break na. Pinauna na namin ni Calvin sila Brianna na kumain sa cafeteria. Nandito kami ngayon sa leisure room, kami lang dalawa.

"Klein.."

"Calvin.."

"S-sino sya Klein?" He asked.

"He's m-my ex boyfriend." Diretso kong sagot. Walang rason para ilihim ko 'yon. Binalik ko naman sakanya ang tanong, "Sino naman sya?"

Huminga sya ng malalim, "She's Elise.."

*boink*

Yan tayo eh! Ang seryoso na ng moment, sinira mo pa. Binatukan ko nga. Nakakaloko talaga 'tong lalaking 'to!

"Aray naman! Bakit ba?" Nakasimangot nyang sabi habang hinihimas ang batok nya.

"Alam kong si Elise sya! Hindi ako bingi, narinig ko sya kanina! Ang tinatanong ko, sino si Elise sa buhay mo? Bakit kayo magkakilala?"

Nakakabaliw sya kausap. Haynako!

"I met her a year ago sa Canada. Inirereto sya sakin ng mga magulang ko pero ayaw ko sakanya noon pa. At lalo naman ngayong ikaw na ang mahal ko." Kainis 'to! Magpapaliwanag na nga lang magpapakilig pa!

"Ganun ba. Okay." Sagot ko.

"B-bakit kayo nag break ni Flame?" Ugh. Nakakairitang marinig na si Flame ang naging ex ko. Yung gagong 'yon? Bakit kasi nagpalit pa silang name. Ampupu!

Pero teka? Ano ulit 'yung tanong? Bakit kami nag break? Holy shit! Anong isasagot ko. Masyadong magulo ang mga nangyari. Dapat ko pa bang ikwento sakanya ang lahat?

"Oh ano na?" Tanong nya ulit.

"F-fall out of l-love." I lied. Shit! Nakakaguilty. Pero sa tingin ko kasi, mas mabuti ng ilihim ko sakanya 'yung magulong pangyayari na 'yun at ayokong mag alboroto sya kapag nalaman nyang wala pa kaming official break up ni Freeze.

"Pwede pala 'yon? Nakakatakot. Paano kung isang araw, mawala nalang din bigla ang pagmamahal mo sakin?" He asked sadly. Nakita ko ang paglambot ng expression nya. Aish!

"Hinding hindi mangyayari 'yon. Magkaiba kayo ni Fr—Flame! As long as hindi mo ako lolokohin at ipagpapalit sa iba, mananatili akong nagmamahal sayo." Sabi ko habang nakatitig sakanya. Ngumiti naman sya, sa wakas!

"Hindi kita lolokohin at ipagpapalit sa kahit kanino! Inlove na inlove yata ako sayo 'no. Hindi ko na nga masagip ang sarili ko, hulog na hulog na ko sayo." He said sincerely.

"I love you, Calvin!"

"I love you more, Klein." He said and pulled me closer to him then he kissed me on the lips. It's a long passionate kiss full of emotions.

Tumama ang mata ko sa labas ng leisure room dahil parang may naramdaman akong nakatingin samin, nakita ko naman agad ang pares ng matang iyon dahil na rin sa gawa ang dingding ng leisure room sa transparent glass. I saw Freeze looking at us while kissing. Nakita ko ang lungkot sa mata nya, bigla nalang akong napabitaw sa halik.

"What's wrong?" Tanong ni Calvin.

"W-wala. Kain na tayo."

Nung sulyapan ko si Freeze sa labas, wala na sya.

Damn! What. the. f*ck. was. that.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now