Chapter 2

12.4K 338 19
                                    

Chapter 2

Klein's POV

Sa sobrang gutom ko, nakalimutan kong may mga kasama pala ako. Napapakagat labi akong napatingin sa Black Star Royals sabay inom ng juice. Para kasi akong patay gutom kanina habang kumakain ng isang buong large pizza tapos kasunod non agad kong nilantakan 'yung carbonara. At eto nga ngayon, napapatulala silang nakatingin sa akin. Lahat sila konti lang ang inorder maliban kay Denise at Calvin na halos masakop na ang buong table sa dami ng order, pero mabagal sila kumain. Pansin ko din ang sweetness ni Brian at Denise. Hmmm, may something ba sakanila? Or baka ganun lang sila lahat ka-close. Bakit ba ang tsismosa ko. That's none of my business.

"Wag nyo naman akong tingnan ng ganyan." I said innocently. Awkward.

Nagtawanan naman sila maliban kay Calvin at Thunder.

"Cutie!" Sabi ni Shawn habang pinapat ang ulo ko, katapat ko kasi sya.

"Hoy Shawn, inatake ka nanaman ng pagka playboy!" Sabi ni Brian.

"Hoy grabe! Hindi ko type si Klein ha! Saka loyal ako kay Bree!"

"Di rin naman kita type, Shawn." Napapakamot ulo kong sabi.

"Tapos kana kumain, Klein? Pwede na tayo mag kwentuhan?" Brianna asked excitedly. Katabi ko sya at feeling ko mukha akong maid ngayon kasi katabi ko ang artistahin na 'to. Sobrang ganda at sosyal, di kagaya ko na sobrang simple.

"Sige."

"Paano mo nagawa 'yun Klein??" Panimula ni Brian.

"Alin? Yung ubusin ang isang buong large-box pizza?"

Napatapik naman sya sa noo.

"Hindi. Yung patumbahin ang limang babaeng nang away kay Bree."

"Ohhh..." Tumango tango ako.

"Mahina lang talaga sila at puro yabang lang."

"Hindi sila mahina, Klein. They are gangsters." Sabi ni Brianna.

"Talaga? Pero mukhang di naman sila ganon kalakas." I replied slyly.

"Maybe you're a gangster too." Singit ni Calvin. Napatigil naman ako pero agad ding bumawi. I faked a laugh.

"H-ha? Hindi ah!" Sabi ko sabay lagok ng natitirang juice sa baso ko.

"O dahil sadista ka lang talaga at may lahing tarzan. Mukhang tarzan din." Sinamaan ko sya ng tingin.

"Hoy hindi ako unggoy!"

"Wala akong sinabing unggoy ka!"

"Pero sabi mo may lahi at mukhang tarzan ako!" Nakakainis ang isang 'to ah! He's getting on my nerves.

"Hindi unggoy si tarzan! Wag kang bobo please."

"Hindi ako bobo! Ikaw yata dyan!"

"Ikaw!"

"Ikaw oy!"

"No. Ikaw."

"Ikaw kaya."

"Ikaw."

"Ikaw sinabi eh!"

"Ikaw ang bobo!"

"Mas bobo ka!"

"Guys! Awat na!" Napahinto kami sa pagsasagutan nung umawat si Denise.

"Seriously? Ngayon lang kayo nagkakilala tapos ganyan na kayo mag lambingan?" Natatawang sabi ni Shawn. Sinamaan ko sya ng tingin.

"What?!! Asa pang makipag lambingan ako dyan!" Singhal ko sabay duro pa kay Calvin.

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now