Chapter 12

7.8K 221 10
                                    

Chapter 12

Yesha's POV

Third day na ng pagpa-practice namin para sa performance namin na mapapanood ng buong Black Star Academy's students. Ang magcha-champion na band/students ay makakakuha ng pinakamataas na grades at free tickets sa EK, tapos papayagan ka pa nilang lumabas ng academy for 2 days para magamit ang tickets na napanalunan mo. 1 week preparation lang ang binigay samin at eto nga, may 4 days nalang kaming natitira para pagandahin ang performance namin. Kaso kadalasan nagugulo ang pagpapractice ng group namin dahil nila Kl-

"Second voice ka sa part na 'to diba? Bakit moko sinasapawan?!" Sigaw ni Calvin. In speaking of... lagi nalang silang ganyan haynako! T___T

"Sorry naman! Bawal na magkamali?!"

"Hindi naman. Pero pag paulit ulit nakakaurat na!"

"Hoy kapal mo! Hindi naman ako lagi nagkakamali!"

"Hindi daw! Wag ako!"

"Gago hindi talaga ik-"

"TAMANA! Back to practice! Aish!" Pagputol ko sakanila. Nagsamaan muna sila ng tingin bago bumalik. Tsk tsk tsk, wala na silang pag asang dalawa pero somehow, winiwish ko na maging sila sa huli. Hihihi.

Nagsimula nang sumignal si Thunder gamit ang drum sticks nya at tumugtog na kami. Kumanta na naman ulit ang dalawa on their parts. Ang ganda ng boses nilang dalawa!
.
.
.
Lunch break na at nagpasya kaming dito sa Black Star Mall kumain.

"Sana manalo tayo 'no?" Sabi ko kay Thunder habang naglalakad sa BSM.

"Yeah. Hmm, gusto mo na bang lumabas ng academy?" He asked me.

"Oo eh. Namimiss ko na 'yung kapatid ko." Sagot ko ng medyo malungkot. Miss ko na talaga 'yun!

"Yves?" Napatingin naman ako sakanya.

"H-how did you know my brother's n-name?" Nauutal kong tanong.

"Naaalala ko na lahat." And for the first time, he smiled at me. Gosh! Pero teka-naaalala nya na lahat?

"Including m-me?"

"Yes."

"Oh my God!" Bigla nalang akong nahimatay.

"Yesha!" Yun lang ang huli kong narinig at unti unti nang naging itim ang paligid.

***

Klein's POV

Anak ng tofu! Bakit nahimatay si Yesha?! Hindi kaya... hindi kaya...

"Yeshaaaa! Bakit hindi mo sinabing may cancer ka?!" Naiiyak kong sigaw habang karga karga sya ni Thunder. Papunta kaming clinic.

"What are you talking about?" Takang takang sabi ni Thunder.

"Bakit? W-wala ba syang cancer?"

"As far as I know, wala. Bakit mo naman naisip yan?" Nag aalala nyang tanong.

"Kasi nahimatay sya." Naramdaman ko namang may nambatok sakin. Lumingon ako sa likuran ko.

"Ano ba Calvin?! Bakit ka nananakit?"

"Ang tanga mo kasi. Nahimatay lang may cancer agad? Di ba pwedeng ulcer lang muna?" Sabi nya. Binatukan ko naman sya. Ayan, it's a tie!

"Pina-mild mo lang eh pero may sakit din ang kinalabasan!" Sigaw ko. Nakakaurat! >____<

"Kayong dalawa, tumahimik na nga kayo. Hindi nakakatulong ang pag aaway nyo." Pagsaway samin ni Brianna. Kaya ayun, shut up nalang ako. Huhu baka magalit pa sya eh.

Black Star AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon