Chapter 28

5.2K 134 0
                                    

Chapter 28

Denise's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung nagkahiwalay sila Calvin at Klein. Hindi ko akalaing darating sila sa puntong ito, noon palang alam ko ng gangster si Klein. Wala namang kaso sakin 'yun, hindi ko naman sya hinusgahan dahil hindi nya naman inaabuso 'yon pero kay Calvin, big deal 'yon dahil sa insidente noon between sa kapatid nya at sa mga gangsters.

Simula nung araw na nagkasigawan sila Calvin at Klein, hindi na pumasok si Klein. Walang nakakaalam kung nasan sya, wala na din sya sa dorm. Gabi gabing pumupuslit si Calvin sa dorm nila Yesha at nagbabaka sakali na bumalik ito doon pero ni anino nya, wala. Umaasa pa kami na babalik sya dahil hindi pa naman sya nagda-drop sa school.

Naulit nanaman. Naulit nanaman ang lahat. Ilang beses ba silang masisira ng mga larawan? Sino bang naglalabas ng mga larawan na sumisira sakanila? Dalawang beses na silang nagkaganito. Mas matindi nga lang ngayon dahil sobrang nagkasakitan sila. Narinig ko lahat, narinig namin lahat kung paano pagsalitaan ni Calvin si Klein ng masasakit na salita kaya hindi ko alam kung paano pa sya mapapatawad ni Klein. Naiintindihan ko naman sila both sides eh. Si Calvin, nadala lang sya ng galit at frustration nya, mahal na mahal nya ang kapatid nya tapos dumagdag pa 'yung lecheng picture na 'yun. Si Klein naman, tao lang din sya, nasasaktan—no scratch that, sobrang nasasaktan. Hindi naman kasi sya ang pumatay sa kapatid ni Calvin eh, naiintindihan ko kung magtanim sya ng galit kay Calvin. Haaay buhay.

Kasabay ng pagkawala ni Klein sa academy, nawala din si Flame at Elise. Konektado ba sila sa isa't isa? Hmm, I don't think so. Siguro si Flame lang kay Klein, si Elise, labas na sya dun. Wait, hindi kaya si Elise ang nasa likod ng mga pictures na 'yun? Pati 'yung naghahalikang picture ni Klein at Flame dati? That could be possible!

Dumating na 'yung instructor namin sa first subject. Bago sya mag attendance, may binulong 'yung adviser namin sakanya, tumango lang ito. Lumabas na 'yung adviser.

Nag attendance na si Ma'am. Banggit lang sya ng banggit ng mga pangalan namin doon hanggang sa...

"Glamorre, Klein Jordayne... nag drop na sya kanina lang. So, proceed to Gutierrez, Yesha."

"P-present.." Halatang nagulat din si Yesha sa narinig. Ineexpect ko na 'to pero nagulat pa rin ako, akala ko may pag asa pa... mukhang wala na pala. Baka hindi na sya bumalik.

Sinulyapan ko si Calvin, bigla syang tumayo at walang sabi sabing lumabas ng classroom. Shit! Saan sya pupunta?

***

Calvin's POV

"So, Mr. Villaverde, heto na." Sabi ni President sabay abot ng papel na hinihingi ko kahapon pa. This is a permission letter to leave the academy for 2 weeks.

"Salamat po. Sige aalis na po ako." Sabi ko at lalabas na sana nang bigla nya ulit akong kausapin. Huminto ako.

"Calvin, alam ko kung sino ka sa buhay ni Klein. Kaya ka ba aalis para sundan sya? Nagulat ako noong tumawag sya dito kanina at nag drop. Hindi ko alam ang buong detalye pero alam kong may kaugnayan 'yun sa relasyon nyo." He said with authority.

Tumikhim ako, "Opo. Kaya ako aalis ay para sundan sya. Nag away po kasi kami, hindi simpleng away lang. Gagawin ko po ang makakaya ko para mapabalik sya dito, alam ko pong katulad ko, gusto nyo ring dito sya gumraduate."

Tumango sya at binigyan ako ng tipid na ngiti. Lumabas na ako ng office nya at dumiretso sa dorm para kunin ang ilang damit ko. Hahanapin kita Klein, kung nasan ka man. I'm sorry, wifeydude. Lahat gagawin ko, mapatawad mo lang ako. Kahit hindi na muna tayo bumalik sa dati, basta makuha ko lang ang kapatawaran mo ayos na sakin.

***

Pagkarating ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Chester.

"Kuyaaaa! Namiss kita!" Niyakap nya ako, I hugged him back. Sya nalang ang nag iisang kapatid ko, tatlo kami noon pero wala na 'yung isa. Si Christoff, alam nyo na siguro kung bakit. 15 years old sya nung namatay 2 years ago, habang magsi-16 years old naman ako noon. Itong si Chester naman ay 7 years old na ngayon.

"I miss you too." Sagot ko at pinat sya sa ulo. Dumiretso na ako sa kwarto ko sa taas, nakasunod pa rin si Chester sa akin.

"Dumalaw ngapala dito si Misha! Yung kapatid ng girlfriend mo!" Napatigil ako sa paglakad patungong CR para sana mag shower, nilingon ko si Chester.

"T-talaga?"

"Oo kuya! At, kasama nya din si Ate Jordayne!" He said. Damn, my lips are trembling.

"Kailan sila dumalaw?"

"Kanina lang. Kailangan na nilang umalis agad eh kasi may car race daw na pupuntahan si Ate Jordayne."

"Ganun ba? Sige. Balik kana sa kwarto mo, aalis ako." Sagot ko. Thank you, Chester.

Nagbihis ako ng mabilis pagkatapos mag shower. Naka white v-neck shirt lang ako at denim pants. Hinalikwat ko ang apat na carkeys ng mga kotse ko, napagpasyahan kong 'yung lambo ko nalang ang gamitin.

Tinawagan ko ang isa sa mga kabarkada ko dito sa syudad para itanong kung saan may nagaganap na car racing ngayon dito sa Manila.

I drove my car towards De Leon's Oval. Sana nandun pa din sya, sana...

After 30 minutes of driving, nakarating na ako sa loob ng De Leon's Oval. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad na palapit sa bleachers. Marami ng naghihiyawan, mukhang malapit ng matapos ang race. Nakinood ako doon, apat na sports cars ang nagkakarera doon. Dalawang black na Lamborgini, isang red na Ferrari at isang yellow na GTR. Sobrang bilis nila, kaya hindi ko na maaninaw ang mga mukha ng racers. Nangunguna ang GTR at 'yung Ferrari, sila ang leading. Humahabol naman ang dalawang Lambo. Pagkalipas ng mga limang minuto, nakarating na ang Ferrari sa finish line. Medyo lumapit ako sa oval para makita ang mga racers, sana isa si Klein sakanila...

Sunud sunod na lumabas sa sasakyan nila 'yung racers ng tatlong sports cars. Tanging 'yung champion nalang ang hindi pa lumalabas. Narinig ko pa ang usap usapan nung tatlong natalo, isa doon ay babae at ang dalawa ay lalaki na.

"Deym! Wala pa rin syang kupas. Gaano katagal ba 'yan nawala sa karerahan? Tapos ngayong bumalik sya, panalo pa rin. Bilib na ko sa chikas na 'yan!" Sabi nung isang lalaki.

"Wala eh. Ganyan talaga. Bawi nalang tayo sa sunod." Sabi nung isa pang lalaki.

"Matatalo ko din 'yan! Tingnan nyo." Sabi naman nung babae na halatang medyo inis.

Maya maya pa, lumabas na 'yung may dala ng red na Ferrari. Nakasuot sya ng white leather boots, black skinny jeans at white sando. Naka bucket hat din siya. Nakangisi syang naglakad papunta sa mga kalaban nya, nakita kong inabutan sya ng mga ito ng tig iisang tseke. Pustahan palang ito pero ang dami ng nanood, paano kaya kung totoong competition na? Amazing.

Binalik ko ang tingin sa babaeng nanalo. Same person, different smile.

Lumapit ako sakanya, gulat na gulat sya nang makita ako, bakas din ang galit sa mga mata nya. Damn it, Klein. I miss you so much...

Black Star AcademyWhere stories live. Discover now