03 : DRESS CODE - BLACK TIE

100 5 2
                                    

Matapos kumutan ni Mina si Matt ay bumaling na ito patalikod upang humiga na din sa kama at ipagpatuloy ang naputol na tulog nang nagulat sya nang hilahin ni Matt ang kamay nya.

"Sorry Mina. Kasalanan ko bakit lalo kang natakot magmahal. Hindi kita naprotektahan sa gagong yun. Napakawala kong kwentang kaibigan. Sorry.. sorry.. sorry talaga..." nakailang ulit na sorry si Matt. Na nakahiga sa sofa at maluha luhang nakatingin kay Mina habang mahigpit pa din ang hawak sa kamay nito.

"Matt," lumuhod si Mina sa tabi ni Matt upang matitigan ito ng malapitan sa mata. "diba hindi na natin pag uusapan yun. Pati hindi mo kasalanan na gago yung taong yun. At hindi ako takot magmahal. Ayoko lang talaga magmahal na. Okay ba?" Pilit na ngumiti si Mina na halatang may lungkot sa mga mata. Matagal silang nagkatitigan ni Matt. Hanggang sa inalis ni Mina ang pagkakahawak ni Matt sa kamay nya. "Matulog ka na para mawala tama ng alak sayo. Lasing ka lang kaya kung anu ano naiisip mo" Ipinikit nya ang mga mata ni Matt at pumunta na din sya sa kanyang kama upang matulog na din.

Kinabukasan nagising si Mina na wala na sa kwarto nya ang kaibigan. Lumabas sya ng kwarto upang hanapin ito.

"Erika, si Matt nakita mo?" Ang tanong ni Mina sa isang kasambahay nila na nakasalubong nya.

"Naku ate Mina, nagpaalam na po kay tiya Judith si kuya Matt kaninang madaling araw. Hindi na daw po nya kayo ginising at ansarap daw po ng tulog nyo." Sagot ni Erika.

Tumango lang si Mina at nagpasalamat kay Erika. Bumalik na ito sa kwarto nya upang magprepare pagpasok sa trabaho.

Nang makapagtapos na ito ng pag aayos ay napansin nyang may sticky note na nakadikit sa side table ng kama nya.

"sta-Mina, umuwi na ako. Grabe ka kasi sa sofa mo ako pinatulog sakit ng likod ko tuloy! Anyway, thanks ha! 😁

~Matt pogi

P.S. sorry kung may nasabi akong hindi mo nagustuhan."

Pagkabasa ay kinuha ni Mina ang cellphone nya at tinawagan si Matt.

*ring ring ring ~~~~
The person you are calling is busy at the moment. Please leave a message after the beep.
*beep

"Hoy! Matt pogi. Dapat dito ka na lang din nagbreakfast. Wag mong sabihing masarap breakfast mo sa bahay mo. Kumuha ka na kasi ng kasambahay para may magluto man lang sayo. Simula nung umalis sina Tita nagsosolo ka na lang lagi sa condo mo. Tsk. Anyway, tawagan mo ako pag nakita mo to."

Pagtapos mag iwan ng voice mail ay umalis na ng bahay si Mina. Pagdating nya sa parking lot ng office nya ay nakasabay nya si Eric. Kaya sabay na silang umakyat sa office nila.

"Natuloy si Matt senyo kagabi?" Usisa ni Eric.

Tumango si Mina. "Nagkipagsabayan pa ng inom kay Daddy. Ayun hindi na nakayanang umuwi kaya sa bahay ko na pinatulog."

"Hahahahaha! Loko talaga yun. Hindi naman sya sanay uminom ng madami nakipagsabayan pa kay Tito Wil."

"Kaya nga. Ah! Eric," napabigla si Mina nang naalala nya ang dahilan bakit hindi nakapunta si Eric kagabi "sino na namang kadate mo kagabi ha?!"

"Tsk. Nasabi pala ni Matt. Haha. Si Georgina." Sagot ni Eric na nakangisi.

"Georgina?"

"Georgina Nicholas. Lower batch satin nung college."

"Georgina Nicholas?! Georgina na patay na patay kay Matt?!" Gulat na tanong ni Mina.

"Correction! Hindi na sya patay na patay kay Matt ngayon."

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now