27 : THE PAST

80 1 0
                                    

*flashback

"On the way na ako. Sorry ha nalate ako ng gising, hindi ko narinig yung alarm clock ko." Sabi ni Mina sa kausap sa telepono habang bumababa ng taxi.

"Okay lang sanay naman ako na pinag aantay mo." Natatawang biro ng kausap ni Mina sa telepono.

"Hoy mister, baka ako ang ibig mong sabihin na sanay mag antay sayo."

Tumawa lang ang kausap ni Mina sa kabilang linya.

"Sige na, sige na. Ibababa ko na. Malapit na naman ako." Ibinaba na ni Mina ang tawag at makailang minuto ay narating na nito ang isang cafe.

Maunti ang tao na nasa loob. Pagpasok ni Mina ay luminga linga ito sa paligid at nang waring nakita na ang kakatagpuin ay napangiti ito.

Nilapitan ni Mina ang isang lalaking ngiting ngiti rin habang papalapit si Mina.

"Pormang porma ah." Bati ni Mina sa lalaki na nasuot ng white shirt na pinatungan ng gray blazer; at demin na pants.

"Syempre dapat gwapo ako. 100th day celebration natin eh." Sagot ng lalaki.

"Ahhh..." Sabi ni Mina habang pinipigilan ang ngiti.

"Obvious ka Carmina."

"Ha? Anong obvious?"

"Obvious na obvious na kinikilig ka sa kagwapuhan ko. Wag mo nang pigilan. Please lang." Pang aasar ng lalaki kay Mina.

"Hoy Gabriel dela Cruz! Excuse me! Nagpapatawa ka ata."

Natawa na lang si Gabby at hinila papaupo sa silyang katabi nya si Mina at niyakap ito ng mahigpit bago hinalikan sa noo.

*end of flashback

"Waaaaahhhhh!!!!!" Sigaw ni Mina ng mapabalikwas ito sa pagkakahiga. "Carmina?! What was that? Bakit mo yun napanaginipan?! Bakit? Bakit?" Paulit ulit na tanong ni Mina sa sarili habang tinatapik ang mga pisngi.

Bumangon si Mina na may pagtataka at inis dahil sa napanaginipan nya ang ex-boyfriend nya na si Gabby.

Weekend ngayon pero wala silang date ng boyfriend nya na si Justin dahil "full" ang schedule ng aktor kaya naisipan na lang nyang ayusin ang mga gamit na dadalhin nya pag alis nya bukas.

May seminar si Mina sa Singapore for three days. Laking tuwa nya nang malamang kasama ang kaibigang si Eric na napiling senior na umattend ng seminar.

Maghapon lang sa kwarto si Mina dahil wala rin sa bahay ang Daddy nya. Lumalabas lang pag kakain at babalik din agad pagtapos.

Maaga din syang nakatulog dahil 5am ang flight nya bukas.

Kinabukasan hindi pa nag aalarm ang orasan nya ay nagising na ito sa tawag ni Justin sa kanyang telepono.

"Ako na maghahatid sayo sa airport." Bungad na sabi ni Justin.

"Okay lang. Magpapahatid na lan ako kay daddy. Magpahinga ka na lang."

"It's okay. Kakatapos lang ng shoot namin e. Dyan na lang ako dederetso after ko mag ayos."

"Ngayon lang kayo natapos mag aalas dos na ng madaling araw ah?"

"May hinabol kasi kaming scenes na kelangan matapos."

"Ah ganun ba. Sige wag ko na ako ihatid dumiretso ka na lang ng pag uwi."

"Carmina Gonzaga, okay lang ako. Basta i'll be there bago mag 3:30. Okay?"

"Okay po Justin Mendiola."

Ibinaba na ng dalawa ang usapan nila at nagprepare na din si Mina.

Bago mag 3:30 am ay dumating na si Justin. Pagdating ng airport ay andun na din si Eric na inaantay si Mina para sabay silang mag check in.

"Pre, kamusta?" Bati ni Eric kay Justin sabay abot ng kamay.

"Eto ayos lang. Ikaw?" Sagot ni Justin na nakipagkamay kay Eric.

"Ayos lang din naman." Pagkasabi nito ay bumaling si Eric ng tingin sa kaibigan. "Tara na?" Aya nito na ibig sabihin ay pumasok na sila sa terminal para magcheck in.

Tumango lang si Mina at kinuha ang luggage na hawak ng nobyo.

"Mag check in na kami." Paalam ni Mina kay Justin.

"Sige." Sagot ni Justin na niyakap ang kasintahan at hinalikan ito sa noo.

Pumasok na sina Mina at Eric para magcheck in. Bago mag 5am ay nagboard na sila sa eroplano at saktong 5am ay nagtake off na.

8:35 am ay narating nila ang Changi International Airport kung saan sila inaantay ng pinabook bilang sundo mula sa hotel na titigilan nila.

Pagkarating ng hotel ay agad nag ayos ng gamit sa kanya kanyang room an dalawa. Bago mag 10 am ay bumaba na sina Eric at Mina sa hall kung san gaganapin ang seminar na kung saan aattendan ng bawat representative ng offices sa ibat ibang bansa ng company nina Mina at Eric.

Umabot ng 4 hours ang seminar kaya naman matapos ito ay agad silang bumalik sa rooms kung san sila magstay upang bawiin ang tulog dahil ang aga nilang umalis ng Pilipinas kanina.

Gabi na nang muling magising si Mina. Nagpalit lang ito ng damit at lumabas para puntahan si Eric sa kwarto nito.

Nakailang katok ang dalaga pero hindi sumasagot si Eric. Dahil sa pag aakalang tulog pa ito ay hindi na nya ito binulabog pa.

Bumaba si Mina sa lobby na iniisip kung ano ang gagawin nya na pampalipas oras.

Nasa lobby sya nang biglang tumunog ang cellphone nya. Tumatawag si Eric.

"Oh?" Sagot ni Mina.

"San ka?" Tanong ni Eric.

"Dito sa lobby. Kinakatok kita kanina r hindi ka nasagot akala ko tulog ka kaya hindi na kita tinawagan pa."

"Ah hindi ko siguro narinig kasi nasa cr ako."

"Ah. Oh sige kung lalabas ka antayin kita dito sa lobby."

"Oks!" Sabi ni Eric sabay baba ng tawag.

Pagkaend ng tawag ay binuksan naman ni Mina ang emails nya.

Habang naglalakad papunta sa malapit na couch ay nakatingin lang si Mina sa cellphone nya.

Nang mapatigil ito dahil may nakabunguan sya.

"Ay sorry." Sabi ni Mina sa nakabunguan nya. Nakahawak ang dalaga sa balikat dahil medyo napalakas ang bunguan nila pero nakatingin pa din sa cellphone nya at dumiretso lang sa paglakad.

"Mina?"

Napatigil si Mina nang makinig ang boses ng lalaking nakabunguan nya. Pamilyar sa kanya ang boses na yun kaya lumingon sya.

Nanlaki ang mata ni Mina ng makita ang lalaki na nakabunguan nya ay si Gabby - ang dati nyang nobyo.

Nakatingin lang din ito kay Mina. Lalapitan sana ni Gabby ang dalaga na hindi pa rin nakakaalis sa pagkakatingin sa dating kasintahan. Pero biglang may lumapit dito na isan babae na nakauniform ng kagaya ng mga empleyado ng hotel na mukhang Filipino rin.

"Sir, buti dumating kayo agad. Sorry ha kung naabala namin kayo while you're on leave. Hindi lang po talaga inaasahan yung nangyari." Sabi nung babae.

"It's okay. Mabuti nga itinawag mo sa akin." Sagot ni Gabby na inilayo na ang tingin sa dalaga sabay lakad palayo kasabay nung babae.

"Si Gabby ba yun?!" Sabi ni Eric na ikinagulat ni Mina dahil hindi nito napansing nasa likod na pala nya ito.

Tumango lang si Mina.

I Love You From The StartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum