17 : CONFESSION

50 1 0
                                    

Nung hapon, nang matapos ang mga activity na inihanda ng mga volunteer, ay dumating an isang food truck mula sa Jollibee. Dala nito ang mga merienda at pagkain na hanggang hapunan na ng mga bata. Lulan din nito ang ilang box ng mga laruan para sa mga bata.

Si Justin kasi ay endorser ng sikat na food chain kaya naikwento nito sa management ang outreach program na kanyang sinamahan at buong puso namang nag alok ng tulong ang Jollibee para sa mga bata.

Tuwang tuwa ang mga bata ng lumabas ang isang mascot. "Si Jollibee!", "Jollibee! Jollibee!". Sigaw ng mga bata habang pinagkaguluhan ang mascot.

Maggagabi na ng matapos ang mga paglilinis ng mga volunteer sa mga kalat na dulot ng mga activity nila. Pagkalinis ng mga gamit ay nagpaalam na sila sa mga bata at mga madre.

"Ate, babalik kayo ha. Tatalunin pa natin yung team nina Kuya Justin." Sabi ng isang batang babae na nakagrupo ni Mina kanina sa agawang base.

Tumango si Mina at nginitian ang bata.

Matapos ang mga paalaman ay umalis na ang mga volunteer na sakay ng bus. Dahil sa pagod ay nakatulog ang mga ito hindi pa nakakalayo sa orphanage maliban kay Mina at Justin na binabrowse ang mga picture sa cellphone ni Mina.

"Tignan mo to oh. Ang kulit nyo dito." Sabi ni Mina na tumwang tuwa.

Napatawa naman si Justin.

Matapos tignan ang mga pictures ay nanahimik na ang dalawa. Habang nakatigin sa labas ay napansin ni Justin na mukhang malamin iniisip ni Mina.

"May problema na?" Tanong ng aktor sa dalaga.

"Ah wala. Naisip ko lang na ang swerte ko pa din pala na kahit wala akong nanay may tatay naman ako na nagmamahal sakin. Sana makahanap din ng pamilyang magmamahal at mag aaruga yung mga bata aa ampunan." Sagot ni Mina.

"Wala ka na din nanay? Patay na din pala mommy mo." Malungkot na sabi ni Justin

Umiling si Mina. "Buhay pa sya. Pero bata pa lang ako inawan na nya kami ni Daddy ko. Tapos isang taon nung iwanan nya kami ay nabalitaan namin na may iba na syang kinakasama."

"Ah ganun ba. Sorry."

"No. Bakit ka nagsosorry. Okay lang ako. Ikaw ba bakit mo nasabing wala na "din" akong nanay? Wala na ba ang mommy mo?"

"Bata pa lang din ako ng mamatay si Mommy. Namatay sya sa isang car accident." Kitang kita ang lungkot sa mga mata ni Justin.

Hinawakan ni Mina ang kamay ng aktor at nginitian ito. Matapos ay tumingin na ulit sa labas si Mina ngunit hindi nito inalis ang pagkakahawak sa kamay ng aktor.

Maya maya ay hindi nila namalayang dalawa na nakatulog na pala sila at nang makarating sa lugar kung san sila nag assembly kanina ay nagisin na ang dalawa na magkahawak pa din ang kamay. Mabilis silang nagbitaw at natawa na lang.

Pagkakuha ni Justin ng sasakyan ay inihatid na nito si Mina sa kanila.

Makalipas ang dalawang araw nasa Boracay naman si Mina dahil ngayon ang schedule nang site visit sa project nya doon.

"Edward, kamusta naman?" Tanong agad ni Mina pagkasalubong sa kanya ni Engr. Edward.

"Okay naman Ma'am."

"Si safety ha lagi kayong mag inspect every morning bago magstart activity para iwas disgrasya tayo." Utos ni Mina sa Engineer.

Pagkataompos maglibot libot at mag inspect ay nagpunta sina Mina sa katabing hotel building at doon nakipagmeeting sa client. Ang tatay ni Justin an mismong kameeting nina Mina ngayon.

Matangkad, kahit matanda na ay kababakasan ng pagiging gwapo nung kabataan pa nito ang Tatay ni Justin. Mukha din itong istrikto.

Naging okay ang meeting nila Mina. Matapos nito ay nagpaalam na ang tatay ni Justin. Si Mina naman ay sumama na kina Engr. Edward pabalik ng site. At makalipas ang ilang bilin ay nagpaalam na din ito at nagtungo na ng airport para muling bumalik ng Manila.

Pagdating sa airport ay may nareceive syang texts mula kay Justin.

"Kamusta naging meeting mo with my dad?" 1/2

"Anong oras balik mo ng Manila?" 2/2

"It went well. Siguro mga 7 na ako makakarating ng Manila. Nasa airport pa lang ako pabalik eh." Reply ni Mina.

Pagkatext ay nagcheck in na si Mina at paglopas ng ilang minuto ay nagboard na din at on time umalis ang flight nya.

Pagdating sa Manila ay tsaka pa lang nya nabasa ang text ulit ni Justin.

"Let's meet. Kahit puntahan na lang kita sa bahay mo."  1/1

"Sure. Magkita na lang tayo dun sa park malapit sa bahay. Nadadaan mo yun pag papunta ka samin. Manila na ako. Dun na ako didiretso. Antayin na lang kita don" Reply ni Mina.

Pagkalabas mg airport ay nag antay ito ng taxi at nagpahatid sa park na malapit sa bahay nila. Nauna sya kay Justin. Wala masyadong tao ngayon sa park mga bata lang na naglalaro sa playground ang nandoon.

After 10 minutes ng pag aantay ay dumating na si Justin. Pagkakita kay Mina ay nilapitan nya ito at tinabihan.

"Kamusta naman si Daddy?" Tanong ni Justin.

"Okay naman. Ayos naman syang kameeting. Mukhang strict pero may pagkakalog din kasi nagjojoke sya paminsan minsan." Patawang kwento ni Mina.

Nagkakwentuhan ng konti ang dalawa tungkol sa project.

"Ah balit ka pala nag aya makipagkita? Dahil para sa napag usapan kanina? Ipapasend ko sayo yung minutes gusto mo?"

"Ah hindi hindi. Gusto lang talaga kitan makita." Sabi ni Justin na ikinablush ni Mina.

Natahimik silang dalawa.

"I like you Mina. I really really like you." Sabi ni Justin na ikinagulat ni Mina. "Hindi ko alam pero kahit anong gawin ko ikaw yung naiisip ko. Hindi ka mawala sa isip ko. Naaalala ko yung mga ngiti mo. Alam ko kailan lang tayo nagkita pero eto ako nahulog na agad sayo. After nung nangyari sa Boracay, nung iniwasan mo ako, I tried to forget you but it never works lalo lang kitang namiss. Lalo ko lang gustong makita ka." Pagpapatuloy ni Justin.

Gulat lang na nakatingin si Mina sa aktor. Hindi nya alam ang sasabihen nya. Walang lumalanas na mga salita sa bibig nya.

"Please give me a chance. Chance para mapakita sayo na mahal kita at mahalaga ka sakin. Ayoko nang itago ang nararamdaman ko." Muling pagpapatuloy ni Justin. "Hindi kita pipilitin na mahalin mo din ako pero bigyan mo sana ako ng chance para ipakita sayo yung totoong nararamdaman ko."

Hindi alam ni Mina ang sasabihin nya kaya.umiwas ito ng tingin kay Justin.

I Love You From The StartWhere stories live. Discover now